Tinanggap ko ang pakikipagkamay nito at tipid ko itong nginitian bago nagpaalam para umalis.

Bago pa man ako tuluyang makalayo at tinawag ako nito. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ito.

"Kung magtagpo man ulit ang landas ninyong dalawa ni Miss Rox, keep her. And never let her go. You are his happiness, Xander." She said, smiling.

Tumango ako at muling tipid na ngumiti.

"I will." Mahinang bulong ko.

Tinungo ko ang kotse ko at pinagmasdan ang bahay sa huling pagkakataon.

"Come to me soon, babe." I whispered and let out a sigh.

I will miss my Roxanne.

At kung darating man ang pagkakataon na magkita kami ulit, alam kong hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko.

She was the only one and will always be the one for me.

***

"FREIH! BAKIT BA KASI HINDI MO AKO GINISING?" Mataas ang boses na sambit ko habang nagmamaneho ng kotse ko patungo sa Ford's Technology.

It was my interview today in Ford's Technology as a Systems Administrator. At nakakahiya kapag na-late ako sa interview.

"Miss Rox, alas nuwebe pa ang interview mo. You still have twenty minutes. Kung sana hinayaan mong ako na lang ang magmaneho mas mapapabilis ka sana." Pagmamayabang nito.

I rolled my eyes.

"Bahala ka nga. Bye na." Naiinis na sambit ko at narinig ko pa ang pagtawa nito mula sa kabilang linya bago ko pinatay ang tawag.

I'm just thankful that it's not traffic. Ilang sandali lang ay mabilis akong nakapag-park sa parking lot ng Ford's Technology.

Dali-dali akong lumabas ng kotse ko at pumasok sa napakalaking building. Inayos ko ng kaunti ang suot kong business suit.

Bahagya kong inayos ang suot kong skirt. I'm not used to wear a skirt but I have to. Even wearing a high heeled shoes is not my thing but I just don't have a choice.

Kaagad akong lumapit sa information desk at itinuro sa akin ang floor kung saan gaganapin ang interview.

Dali-dali kong tinungo ang elevator.

"W-Wait!" Tawag ko sa lalaking nakita ko nang akmang magsasara ang elevator.

Patakbo akong pumasok doon at saktong sumara iyon nang nakapasok ako.

"Thank you." Nakangiting sabi ko at tumingin sa wrist watch ko. "Five minutes left! T-Teka, tama ba 'yong oras ko?" Sambit ko at tinapik-tapik pa ang relo ko kung sira ba iyon o hindi.

Tumingin ako sa lalaking katabi ko. Akmang ibubuka ko ang bibig ko para magtanong nang magtama ang mga mata naming dalawa.

Natigilan ako at napatitig sa asul na mga mata nito. Nakatitig din ito sa akin at para akong nahipnotismo dahil hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa guwapong mukha nito.

The man in front of me was wearing an eyeglasses. Napakatangos ng ilong nito at ang mukha ay hindi man lang kakitaan ng pores. Napakakinis. At ang mga labi nito ay mamula-mula. This man in front of me is extremely good looking.

He looks presentable and he looks smart. I didn't see him as a nerd, though. Ang suot nitong eyeglasses ay bumagay lang sa guwapong mukha nito.

Bumaba ang tingin ko sa katawan nito. He is very toned and he have a very well defined muscles. Bakat na bakat ang matitipunong katawan nito sa kabila ng suot nitong three-piece suit.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon