Chapter 1

9.8K 164 1
                                    

Mas binilisan ni Yura ang pagtakbo nang makita niyang malapit na siyang maabutan ng mga humahabol sa kanya.

"Hoy! Bumalik ka ditong hayop ka!"

Sigaw ng isa sa mga humahabol sa kanya. Nilingon niya ang mga yon at kitang kita ang galit sa kanila. Napangisi na lamang siya at tinaas ang middle finger niya.

"Habulin niyo muna ako mga bugok!" Sigaw niya pabalik dito at kumaripas ng takbo.

Narinig niya ang pagmumura ng nasa likuran niya kaya napahalakhak na lamang siya. Nakita na niya ang masikip na daan papuntang likod ng isang paaralan kaya di na siya nag aksaya ng panahon pa na lingunin ang mga humahabol sa kanya.

Agad siyang tumalon paakyat ng pader papasok ng paaralan. Tumigil muna siya saglit sa ibabaw ng pader at nilingon ang mga sumusunod sa kanya at nginisihan ang mga ito. Tumatakbo pa rin ang mga kalalakihan at napamura nang makita siyang umakyat sa pader.

"Go to hell, fvckers!"

Sumaludo muna siya bago tumalon pababa sa lupa. Humahalakhak na inayos niya ang sarili bago maglakad. Pailing iling pa ito habang tumatawa.

Siya si Yura Gladiola. Mahal niya ang salitang 'gulo' kaya di nakapagtataka kapag palaging may kaaway ito dahilan sa pagiging barumbado niya.

"Saan ka na naman nanggaling? Tsk kung di ako nagkakamali galing ka na naman sa away ano?" Tanong sa kanya ng kaibigan niyang si Kane nang magkasalubong ang mga ito kasama ang isa pa nilang kaibigang si Jone papunta sa kanilang building.

Nagkibit balikat na lamang siya at napatawa.

"Di na ko magsisinungaling. Tama yang nasa isip mo Kane. Matalino ka talaga!" Humagalpak na naman ulit siya ng tawa kaya napangiwi ang dalawa niyang kaibigan.

"Really, Yura? Masaya ka pa talaga sa kagaguhan mo? Pfft! Hayop ka talaga!" Sabi naman sa kanya ni Jone at kinuyog ang kanyang balikat. Binaklas niya agad iyon saka sinamaan ng tingin si Jone.

"Kung makapagsalita kayo diyan parang hindi kayo nagcutting kanina at nangupit sa caf. Pfft! Mas hayop kayo, baliw!"

Ngumisi naman ang dalawang nasa magkabilang gilid niya.

Nang makapasok na sila sa kanilang classroom, well talagang tinadhana ang tatlo at magkaklase sila sa lahat ng kanilang subjects, napatingin ang lahat sa kanila.

"And why were you late, the three of you?" Nakapamewang na bungad sa kanila ng kanilang professor na masungit.

"Because the time is running?"- Sarkastikong sagot ni Jone.

"Tsk, because obviously we're late."- Kane

"Hahahaha I miss you maam."- Yura.

Kita nila kung paano lumaki ang butas ng ilong ng kanilang propesora at ang pamumula ng buong mukha nito.

"The three of you, to my office, now! Class dismissed!"

Napa-yehey naman ang mga kaklase nila na ikinabigla ng kanilang guro.

"We owe you dudes!" Sabi ng kaklase nilang lalake at nakipag apiran pa sa kanila.

"Libre kayo ng dalawang tower saken mamaya." Biro pa ng isa.

"Mga ulol pfft!" Sagot naman ni Yura.

Kanya kanyang pasasalamat ang mga kaklase nila sa kanilang tatlo na ikinairita ng kanilang propesor.

"Shut up all of you! Now," sabay duro sa kanilang tatlo. "follow me!"

"Yes mam." Nakangising sagot ni Yura.

Sumunod nga sila sa kanilang guro at dumerecho sa opisina nito.

"Di na ko magpaligoy ligoy pa. Kayong tatlo, bilang parusa dahil sa pagiging late niyo at pagsagot sagot sakin, lilinisin niyo itong buong opisina ko. Mula sa kisame, c.r hanggang sahig. Kailangan makintab lahat, naiintidihan niyo? Ngayon na!"

Nagkatinginan muna silang tatlo na parang nagkaisa ang kanilang cerebellum sa ideyang pumasok sa kani kanilang utak at sabay tumango sa kanilang guro.

"Areglado maam!"

Tinignan muna sila isa-isa ng matanda na parang nanunuri bago nagmamartsang lumabas ng opisina.

Doon na sila humagalpak ng tawa.

"Sarap gawan ng meme yung mukha ni prof hahaha!" Tawang tawa na sabi ni Kane habang nakahawak pa sa tiyan nito.

"Ngina, konti na lang magkamukha na sila ni mommy D." Dugtong naman ni Jone.

"Guys, com'on, let's do the make over now so we can get the hell out of here." Ngiting aso ni Yura at kumuha ng scrubbing sponge.

Pinakita ni Kane ang hawak na mga sachet ng glitters na ewan kung saan nito pinulot. "Hell yeah!"

"Not without me." Pinatunog naman ni Jone ang hawak na gunting.

At sinimulan na nga nila ang pinapagawa ng propesora. Talagang seryoso ang mga ito at walang kabulastugan.

Sinadya nilang bilisan ang ginagawa upang hindi na sila maabutan ni Ms. Villanueva at derecho na sila sa pagsibad.

At kinabukasan, pangalan agad nila ang umaalingawngaw sa kanilang departamento.

**

A/N: Yung patikim pero ang sabaw xD

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon