Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae

Magsimula sa umpisa
                                    

Walang makapagsalita sa paligid. Walang makagalaw. Lahat ay tila ba naestatwa sa kani-kanilang pagkagulat dahil sa tensyon na nananalaytay sa hangin. Kahit pa ang mga iba na nakakasaksi ay pigil ang hininga sa mga susunod na maaaring mangyari. 

"I'd rather have a weakness than to have nothing left to protect at all. To care and be cared. To love and be loved. To need and be needed. It's a sign of humanity. One that I think has been long lost in you when you throw away all of the good things you have." kalmado si Jace but then, I can feel the power eminating through him. Wala pa syang ginagawa pero mapapayuko ka na lang sa kanya. His wisdom never really failed to bring light to any situation.  

Noong naglaban kami sa Battle of the Gangs, parehas kaming malakas pero halata naman kung sino ang mas nakakalamang. Hanggang ngayon nga hindi ako makapaniwala na ipinaubaya nya sa akin ang trono na kung tutuusin, sya dapat ang nakaupo.

He is a natural. He is the true leader. 

Suminghal si Julian. Nagtagis ang mga bagang nito. Masyadong mainit ang ulo ni Jace para sumugod. Malakas sya pero kung ganitong ugali ang paiiralin nya palagi mapapahamak sya.

Nakatutok pa rin ang mga nangungusap kong mga mata kay Julian noong hinawakan ko si Jace sa may braso. Akmang susugurin nya na ito kung hindi ko lang sya napigilan.

"Leave him to me." 

"Serene--" 

"No." sabi ko bago pa nya masabi ang sasabihin nya. "This battle is between me and Julian. I want to do this. I need to do this." Sa mga nangyari nitong mga nagdaang araw, pakiramdam ko parang hindi na ako karapat dapat. I need to prove to myself that I'm still worthy. 

"Hindi nyo kailangang maglaban. Julian does not deserve it. GClef please," pakiusap ulit sa akin ni Niel. Nagtatangka sya na mabago pa ang isip ko. "hindi mo kailangang ilagay sa alanganin ang trono mo para lang sa kanya." 

Umiling ako. Hindi nila naintindihan. Trinaydor ako ng sarili kong matalik na kaibigan-- ang kapwa pinuno na kasama kong nagbuklod ng The Intricate. Gusto nyang matumbasan ako. Gusto nya akong matalo. I need to fight him to end this madness. Kapag naglaban kami, doon lang ako matatahimik.

Lumapit sa akin si Pietr. Parehas kami na pinapanatiling sarado ang mga tenga sa mga naririnig na pakiusap sa paligid. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabasa ang emosyon sa mga mata nya. Gayunman, alam kong tulad nina Jace at Niel, ganun din ang galit na nararamdaman nya para kay Julian. 

Iniangat ni Pietr ang isang kamay sa harap ko. Dahan dahan syang tumango at ganun din ang ginawa ko. Alam kong alam na nya ang gagawin, napagplanuhan na namin ito. Sya, sa pagitan namin ni Julian ang magiging referee. Iniabot ko sa kanya ang katana ko. 

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Ashen? Inilalagay mo si Serene sa peligro." nagngingitngit na saad ni Jace na halatang hindi sang-ayon sa nakikita na ginagawa namin.

Bago pa tuluyang makalapit si Jace kay Pietr ay hinarang ko na sya. Sa pagitan nila ay ako ang nagsilbing pader upang hindi nila tuluyang mapatay ang isa't-isa. Pero kahit naroon na ako sa gitna ay hindi pa rin nila naiwasang magtulakan. Pinilit ko silang ilayo kahit papaano pero aaminin ko, nahihirapan ako.

Di kalayuan ay nakita ko ang pagtawa ni Julian. Halata naman na natutuwa sya sa nangyayaring pag-aaway ng dalawa. 

"Jace ano ba, tama na!" Hindi ko sinasadyang mataasan ng konti ang boses ko. Naitulak ko pa ng konti ang dibdib nya para hindi sya makalapit kay Pietr. Sa pagitan nilang dalawa, sya kasi ang pilit na umaabante. Mula kay Pietr ay itinutok nya ang mga mata sa akin. Nasaktan sya sa ginawa ko at hindi nya agad naitago iyon. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon