Chapter 10: Oh, Taylor...

1.3K 50 32
                                    

Qetsiyah Pov

"Why the king let the demons join us? Alam niyo. Sa tingin ko mapapatay na tayo ni zane bago pa ang totoong kalaban." Narinig kong sabi ng isang witch.

"You know what, I'm also curious about that. Demon doesn't care about our world." Sagot naman ng isang witch.

"Just stay away from them and stay close to each other." Kamila said to them.

I sigh. Naglalakad muli kami sa gitna ng gubat. Hindi ko alam saan na kami basta ang sabi ni Sariel kagabi ay malapit na kami sa Kingdom ng mga shadows.

Nasa dulo muli ang mga Demons. Sila Taylor at Ethan ay magkasama naman sa likod ng mga witches. Ako ay nasa tabi ni Sariel at ng mga sirena't kentawru. Mabuti sigurong umiwas muna ako kay taylor. Hindi kasi namin maintindihan ang isa't isa. Siguro ay palalamigin ko lang ang init ng ulo niya sa nalaman niya.

"She's just worried." Napatingin ako sa nagsalita. Si Sariel pala. Ang lalim kasi ng iniisip ko siguro ay nahalata niya.

I half smile. "Yeah. Maybe i'm really the problem." I said. Napayuko ako. Siguro ako nga, una palang ay binawalan na ako ni Ama na umiwas kay Zane. Hindi ko na sana pinilit pa sarili ko na lumapit sakanya at gawin ang mga bagay na 'yon. Taylor is right. I am soon to be a Queen, and a Queen should not act like this.

"It's all right. You just need to stop pushing yourself to him. If he wants you, he'll chase you." Sariel adviced. I smiled and nodded. Yeah a fake smile. Because zane is not really into me. He don't want me. He just wanted my blood.

"Are we close?" I said to her.

"I am not sure. Pero ang bilog kasi ay nagkakaroon na ng itim. Sa tingin ko ay ito na ang sign na malapit na tayo sa mga shadows." Paliwanag ni Sariel. Tinignan ko ang bilog na nakalutang. Mayroon ngang nakahalong itim, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

I'm so close.

I'm so close to my mother...

Napahinto kaming lahat nang huminto si Sariel. Napatingin kami sa paligid. A Forest lake. Hindi pa naman ganun kadilim, pero bakit nakakaramdam ako ng takot? Hindi ko alam kung ako lang pero para kasing may naririnig akong ungol ng halimaw.

"Don't be scared with that sound. The only scary here are the demons." Narinig naming sabi ni Merliah.

Narinig ko naman ang pagtawa nang mahina ni Fred. Na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ni Merliah.

Sariel sigh. "We need to swim that lake, wala na tayong ibang madadaanan." She said.

"There's a Sea Creature under the lake." Sabi ni Merliah habang nakatigin sa Lake. Tinignan ko siya. Mapapansin talaga na naging malamig na siya. Wala na ang malambing at parang kumakanta niyang boses. "You all wait here, we just need to take care of that monster. So we can be across the lake safe."

Tumango kami ni Sariel. Ang iba ay wala namang pakialam, naupo na nga ang iba sa damuhan.

"Thank you." Sabi ko kay Merliah. Namatayan siya ng kaibigan, pero heto siya ay pinapanatiling ligtas kami.

"We're not like the demons that doesn't care if people die." Sagot ni saakin pero nakatingin siya sa mga Demons sa pwesto nila. Napayuko naman ako. Wala naman ako magagawa. Si Zane naman talaga ang pumatay kay Matilda. Hindi ko rin masisisi si Merliah kung ganito ang pag-akto niya.

"Rose." Napaangat ang ulo ko nang tawagin ako ni Merliah. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. "Whatever you are feeling to Zane, stop it. He's not good for you." Sabi niya bago siya itinakbo ni Sephyr papunta sa Lake. Nagsunuran din ang ibang sirena na nakasakay sa mga kentawru.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Guardians of the Stones: The Four KingdomsWhere stories live. Discover now