Chapter 1: Pilot

6.4K 116 1
                                    

South, Royal Kingdom

Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit ng likod ko dahil sa malakas na pagtalsik ko, Kanina pa ang pag eensayong ginagawa namin pero hindi parin lumalabas ang malakas na kapangyarihan ko. "That's Enough." Napatingin ako sa malamig na boses na nagsalita. Ang hari, Ang hari ng South at ang Ama ko...

Tumayo ako. "Father, I'm so sorry." Nanghihina kong sabi pero pinipilit kong maging malakas sa paningin niya. Matagal ng nadidismaya saakin si Ama dahil nasa tamang edad na ako pero hindi ko parin kayang magpalabas ng malakas na mahika at lumaban nang nananalo.

Sinenyasan niya si Jake na umalis muna, Sinunod naman niya agad ito. Si jake ang magaling lumaban kaya siya ang inassign na maging Trainor ko. Lumapit saakin si Ama at kaunting ngumiti saakin. Matanda na ang ama ko, Maputi na ang buhok nito pero halata parin ang pagkamay itsura niya. "That's Okay, Qetsiyah. Siguro ay hindi ka palang talaga handa. Pero sana kahit sa pagdepensa maging magaling at matalino ka. Walang poprotekta saiyo kapag mag isa ka." Napayuko ako. Alam kong pilit lang ang ngiti niya, Bakas parin sa mukha niya ang pagkabigo. Hindi ko siya masisisi na ganyan lagi ang reaksyon niya pagtapos ng ensayo ko. He's Expecting me. Ako ang tagapagmana niya sa Kaharian, Lilipas ang taon ako ang magiging Reyna ng Royal Kingdom, kaya gusto niyang maging malakas ako upang kaya kong maprotektahan ang kaharian namin.

Naglalakad ako papunta sa aking Kwarto. Nakasalubong ko ang reyna. Yumuko ako at humingi ng pag galang. "Mother." Ngumiti siya saakin at yinakap agad ako. Nabalitaan niya muli na hindi perpekto ang pag eensayo ko.

"You're good." Pag papagaan niya saakin. "Ang galing mong humawak ng Espada." Humiwalay siya saakin ng pagkakayakap at nginitian ako. "Magiging magaling ka pa balang araw. Magiging malakas ka pa. Just work hard okay?" Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha. "Shh. It's okay. You're doing great and i'm proud of you." Minsan napapaisip talaga ako, bakit ganito ang trato niya saakin? Bakit kung tratuhin niya ako ay parang tunay niya akong anak? Naiiyak nalang ako dahil kahit hindi siya ang tunay kong ina, at hindi niya ako tunay na anak ay pinaparanas niya saakin ang pagmamahal ng isang ina. Sana... sana siya nalang ang naging ina ko.

"Thank you." I smiled to her.

Bago pa ako umalis ay may sinabi muli siya. "Ginagawa niya lang ito kasi nag aalala siya sayo. Nag aalala siya kasi mahal ka niya at gusto niya na kaya mong protektahan ang sarili mo upang walang may mangyaring masama sayo."

Tumango tango ako. "I understand."

Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Sariel. Ang tinitingalaan na anghel. Napansin niya ako kaya ay ngumiti ako sakanya. "Hi Sariel."

She just bowed to me and Half smile. At naglakad na muli. She's always like that. Tahimik lang siya at hindi nakikipag usap sa iba, Minsan nga ay hindi niya pinapansin ang bumabati sakanya, I know ayaw niya rin ako pansinin but she still bow to me and smiled. She have respect.

***

"Focus rose." Sabi saakin ni Jake pagkatapos niya akong mapatumba. Inabot niya ang kamay niya upang tulungan ako tumayo pero hindi ko iyon tinanggap. Tumayo ako mag isa at nagulat naman siya sa ginawa ko kaya agad ko siyang inatake gamit ang espada, Hindi niya naiwasan ang una pero agad din niyang itinapat ang Espada niya at linabanan ako.

"Great huh." Saad niya.

"Don't be friends with your enemy." Sabi ko sakanya, Ito ang sinasabi niya saakin lagi. Dahil kapag natatalo niya ako, tutulungan niya ako tapos ako naman ay tatangapin ko yun kaya nawawala ako sa focus. Nagpatuloy lang kami sa aming paglalaban, Pero wala paring pinagbago. Lagi parin akong talo. Mahina.

Guardians of the Stones: The Four KingdomsWhere stories live. Discover now