Chapter 7: Hold My Hand

1.4K 94 19
                                    

Qetsiyah Pov

"Finally! You're awake!" Rinig kong sigaw ni Aubree pagkadilat ng mga mata ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at hinawakan agad ang ulo ko nang maramdaman ko ang sakit nito.

Aubree, Taylor, Sariel, Mermaids, Vampires and witches, ang bumungad saakin. Napakunot ang noo ko, Anong ginagawa nila dito? "What happened?" Tanong ko

"No. What happened?" Balik na tanong saakin ni Aubree.

"I don't knoh my god." Napahawak ako sa bibig ko nang maalala ko ang nangyari. Zane bite me! He bite me! Hinawakan ko agad ang leeg ko kung saan ako kinagat ni Zane, at nakapa ko doon na mayroong takip.

"Who bite you?" Seryosong tanong saakin ni Aubree. Napatingin ako sakanilang lahat, nakatingin din sila saakin at inaabangan ako isasagot ko. Pero hindi ako makapagsalita... Ayokong sabihin. Ayokong lalo silang magalit kay Zane. "Tell us, Qetsiyah. Is it the vampires?" Tanong ulit ni Aubree.

"Woah. Sinabi na namin sainyo na wala isa saamin ang may gawa niyan sakanya." Singit ni Vladimir.

"Hindi ako maniniwala sainyo hangga't hindi sinasabi ni Qetisyah kung sino." Matapang na sabi ni Aubree at tinarayan ang mga bampira.

Napapikit ako ng mariin. "Aubree, Stop. Hindi sila ang may gawa nito." Sabi ko.

"Then who?" Tanong naman ni Taylor.

"Say it." Napatingin ako kay Kamilla. I sigh. I don't want to say it! Sigurado akong magagalit sila Aubree kay Zane, Yeah galit na sila dito pero ayokong lalo silang magalit sakanya.

"Ayaw niyang magsalita. Kaya ako na magsasabi, Kesa naman pagbintangan niyo kaming mga bampira. It's Zane." Nalipat ang tingin ko kay Denise. No.

"Zane? Pero kung siya ang may gawa nito ay patay na si Qetsiyah." Ani ni Aubree.

Denise shrugged her shoulder. "I saw it, I saw how he bite Rose. Pero doon nalang yon hindi ko alam ang buong nangyari. Pero sa nakita ko ay nasa Rooftop sila."

"It's her ability. Don't think na talagang nakita niya sila sa Rooftop." Sabi ni Valdimir.

Tumingin saakin si Aubree. "Is that true? Zane really did that to you?"

I bit my lip at unti unting tumango.

"Damn it! How? Bakit? I mean... Kung si zane may gawa nito edi sana patay ka na." Naguguluhang sabi ni Aubree.

"Pinigilan niya ang sarili niya. Hindi niya inubos ang dugo ko. Sobrang sandali lang niya ako nakagat at pinatakbo na niya ako kaagad." Paliwanag ko. "And it's my fault. Huwag kayong magalit sakanya. Binawalan na niya ako na huwag lumapit sakanya but i didn't listen." Dagdag ko.

"God Qetsiyah! Pinag alala mo kami. Huwag ka na talaga lalapit doon, Okay?" Tumango ako kay Aubree kahit alam ko sa sarili kong impossible iyon.

"is that really zane?" Hindi makapaniwalang tanong ni Merliah.

"Yes..." Mahina kong sagot ko.

"Wow." Sabi muli ni Merliah.

"Yeah wow." Sang ayon din ni Kamilla.



Ayaw pa sana naming umalis sa cabin na ito. Pero wala kaming magagawa, kailangan naming maglakbay muli. Alam namin na pag dumating muli ang gabi ay wala na kaming cabin na matutuluyan, Sa gitna ulit ng gubat ang bagsak namin. Pero atleast ay nakapagpahinga kami doon at nagawa namin ang mga kailangang gawin, Naayos na namin lahat nang mga Armas katulad nang mga Espada at kung ano pa.

Masasama ang tingin ng mga kasamahan ko kay Zane. Kanina ko pa iyon napapansin lalo na si Aubree. Damn, Aubree ipapahamak mo sarili mo.

Si Zane naman ay halatang walang pakialam sa binibigay nilang tingin. Bumuntong hininga ako. "Guys stop it." Bulong ko sakanila. Tinignan lang nila ako pero tinanggal naman na din nila ang masama nilang mga tingin.

Guardians of the Stones: The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon