11th Curse~

250 9 0
                                    

Beauty is your curse 11th curse

“wala yung buntot mo ah. Si ceejay” sabi pa ni Glimmer. Biglang tumayo ang mga balahibo ko. Para malaman nya yun. Minamasdan nya ba ako. Inoobserbahan ba nya ako.

Hindi ako sumagot sa kanya. Tumingin lang ako sa kanya na para bang nagsasabi ng “so”

“ah, baka nasa burol ng girlfriend nya. Si Christine. Ay kapangalan mo pala? Kaya pala nakabuntot sya sa iyo”

Christine. Yung namatay na Christine ay girlfriend ni Ceejay. EWan ko pero, nakaramdam ako ng kakaiba.

Na girlfriend ni Ceejay yung kapangalan kong namatay. At na lagi syang nakasunod sa akin.

 

 

[Psaricka’s Pov]

Naglalakad ako sa may Eventyr. Iba ang pakiramdam sa paligid. Alam na ng lahat ang tungkol sa mga namatay. Na may namatay, may nasugatan ng malubha at may nawawala. Napapansin na ng lahat na nawawala si Allison, at iniiuugnay nila iyon sa mga nangyaring patayan. Ngunit kada may nagtatanong sa akin, sinasabi ko na ngabroad si Allison para puntahan ang mama namin. Kahit alam kong hindi iyon ang totoo.

            Yung nakita ko si Allison na may dugo sa katawan at may patalim. Wala akong ibang sinabihan nyan. Dahil pag may nakaalam nyan, si Allison ang magiging main suspect sa mga nangyari. Kahit pilit kong itinatanggi sa isip ko, kahit sinasabi kong inosente si Allison. Hindi ko matatanggi na may pagdududa ako sa kanya. Lalo pa sa mga nakita ko.

            Si Mira, sya ang saksi sa mga nangyari. Nanduon sya ng mamatay si Christine. Sya ang tumawag ng rescue. Pero wala syang sinasabi na kahit ano. Si Erin din. Tahimik silang dalawa na para bang may pinagtatakpan. Si Alex, nasa ospital pa din.

            Hindi ko na alam kung ano ang mga bagay na dapat kong paniwalaan. Si Allison, dapat ko ba syang paniwalaan. Hindi ko naman sya kapatid. Hindi ko sya lubusang kilala. Hindi ko alam kung saan sya nagmula. Siguro, ngayon na ang tamang panahon para alamin ko kung sino ba talaga sya.

            Lumabas ako ng Eventyr at nagpunta sa kalapit na coffee shop, doon ay natanaw ko ang isang lalaki na nakaupo sa may labas ng coffe shop, umiinom ng kape. He’s supposed to be in his thirties. Siguro late thirties, pero sa itsura nya, mukha lang sya nasa kis.” anyang early thirties. Sya yun isa sa mga imbestigador sa kasong ito. I met him in the hospital ng nasa ospital pa si Shelanie. He is just doing his job, he asked some questions, at sinabi nya din sa akin na kung may kailangan ako, sabihin ko sa kanya.

            I dont want to divulge information about Allison. Yung nakita ko nung gabi na mamatay si christine, pero kailangan. Gusto kong ipaimbestiga si Allison.

            Kung alam ko ang nakaraan nya. Maari akong magkaideya kung anong klaseng tao sya. O kung may kinalaman ba sya sa pagkakamatay ni Christine.

“Miss De levertis.” Tawag pa nya sa akin. Bahagya akong ngumiti at lumapit sa kanya. Detective Gilana. Carlo Gilana.

Ngumiti sya sa akin. “Siguro naman ay masasagot mo ang ilang katanungan ko na hindi magawang masagot ng ibang saksi” sabi nya sa akin. Im still hesitant if i should tell him. Paano kung hindi si Allison ang pumatay. I know its obvious. She takes antidepressants, may dala syang patalim at puro dugo ang katawan nya. But somethings not right. Kung hindi sya ang pumatay, then maari syang mapagbintangan dahil lang sa hinala ko.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon