19th curse

168 6 1
                                    

19th curse

Hindi ko sinabi, na ilang araw bago mawala si Allison, ay may mga misteryong sulat syang natatanggap.

Ilang araw bago sya mawala ay nakatanggap sya ng isang kahon na may sunog na manika. Kasunod noon ay nakatanggap sya ng isang lumang larawan. Napasaamin man iyon ngunit hindi rin namin magamit dahil punit punit na iyon. Marahil pinunit nya ng gabing matanggap nya iyon. Napagalaman din naming madalas syang nakakatanggap ng package. Maliban sa sunog na manika at ilang lumang larawan, nakatanggap din sya ng ilang package na kakaiba ang laman. Nagawa namin makuha lahat ng iyon mula sa maintenance ng Eventyr. Halos gabi gabi syang nakakatanggap ng package. At kinabukasan ng madaling araw ay tinatapon nya ang mga package na iyon sa baba. Itinago yoon ng isang janitor ng eventyr ngunit di nya magawang buksan. At ng mawala si Alli, napagdesisyunan nyang buksan ang mga iyon, at pagkakita nya ay binigay iyon sa amin.

May ilang mga sobre doon na may lamang mga larawan. Sa isang sobre, may mga stolen pictures ni Allison. Habang papunta sya sa mall, papunta ng school, pagkain sa labas. Kahit saan sya pumunta. May larawan. Ang pangalawang envelope naman ay may mga larawan nya na papasok ng building, naglalakad sa lobby. Larawan nya sa loob ng room nya. At ilang hubad na larawan na kuha habang sya ay naliligo. Ang ilang envelope naman ay may lamang kung ano anong mga bagay, mga panyo at ilang gamit, at muli mga hubad na larawan na kuha nya habang naliligo. May isa ring sulat doon. Sa sulat na iyon, inuutusan ng nagpadala na inumin ni Alli ang gamot na nakalagay sa package, kung hindi, mamatay ang kapatid nya. At kung ano ang gamot na iyon ay hindi namin alam.

Ineeksamin ko ang mga package na iyon ng biglang may tumawag sa akin. Bumalik na daw si Alli. Nasa Eventyr na daw sya muli.

Ano ba talaga ang nangyayari? At sino ang nagpapadala sa kanya ng mga larawang iyon.

[Allison’s Pov]

Nagpupumiglas ako sa mga hawak ni Glimmer habang hinihila nya ako.

“Ano ba! Bitiwan mo ako! Ano ba!” sigaw ko pa, pero sadyang malakas sya. Hindi ko na namalayan na nahila nya na ako sa dorm nya at naitulak nya ako papasok ng kwarto nya. Agad nyang inilock ang pint at tinulak ako papaupo sa kama. Agad akong tumayo at pilit nagpunta sa pinto. Ngunit hinaharangan nya pa rin ako.

“Ano ba!” sigaw ko pa. hinawakan nya naman ang balikat ko at bigla nya akong niyakap.

“Huminahon ka, hanggat mahinahon pa ako. Tumigil ka sa pagwawala bago pa kita masampal,” bulong nya sa tenga ko habang yakap yakap nya ako. May kung ano sa tono ng boses nya na nakakatakot. Kaya napilitan akong umupo sa gilid ng kama ng iniupo nya ako.

Dahil wala akong magawa sa ngayon, nagsimula na lang akong umiyak.

Ayoko na. Gusto ko ng matigil ang lahat.

“So,” sabi ni glimmer habang nakatayo sya sa harap ko at nakapamewang, “you may not believe what i will say, pero, hindi ako naniniwala sa mga tsismis na kumakalat tungkol sa iyo.”

My brain says na hindi ako dapat maniwala sa kanya, anak sya ng mamatay tao, but there’s something in the tone of her voice, na sa kabila ng ugali nya, randam kong sincere ang sinasabi nya.

“because there’s something with Alex’s Angel like appearance and attitude that irritates me,” sabi nya habang umupo sya para pumantay sa akin, “para bang gusto ko syang talupan ng buhay para ipakita sa lahat na hindi sya ang kung ano mang nakikita ng mga mata nila.”

Bumuntong hininga na lang ako sa mga sinabi nya, at yumuko.

Pagod na pagod na ako sa lahat. Sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Dapat na itong matapos. Ayoko na. ayoko na.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon