20th Curse

167 10 3
                                    

20th curse

Nagtungo ako sa Admin ng Eventyr. Pagkakuha ko ng cellphone ko na nakacharge. May unknown number na nagtext sa akin. May nagpadala daw ng package para sa akin at iclaim ko daw iyon sa may admin ng eventyr. Sa isang staff dito.

Siguro nagpalit ng number si Attorney. Marahil pinadalhan na naman nya ako ng mga walang kwentang libro sa kung paano magdeal sa trauma at magmoveon. Hindi ako ang baliw. Baka sya pa, o si Glimmer.

Nakuha ko yung package. Paglabas ko ng admin ay agad ko iyong binuksan. Hindi talaga sya package, parang envelope lang na parang may lamang sulat sa loob.

Binuksan ko ang sulat.

“Don’t ever lose the air of death that surrounds you. If you do, I’ll kill you.”

Ano ba ito? Tinaktak ko pa ang laman ng envelope, may mga larawan ko na nasa loob. Mga larawang tanging stalker lang ang kukuha.

Tapos ay may isa pang papel na may nakasulat.

“Christine’s Pandora’s box is now in your hands. Don’t ever open it, or your life is at stake. Will you succeed to keep the box or die out of curiosity? “

Anak ng? ano to? Tapos ay may napansin akong nalaglag na kasama ng mga larawan.

Isang susi.

*****

[Dennis’ Pov]

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Glimmer. Ilang ring pa lang ay sumagot na sya agad.

“oh bakit?” paangil nyang sagot.

“Kamusta? Nagustuhan mo ba ang pinadala ko sayo?” sabi ko pa na ang tinutukoy ko ay si Allison.

“Sira ulo ka,” bungad pa ni Glimmer, “paano mo nalamang babalik si Alli? Ikaw ba? Ikaw ba ang dumukot sa kanya? Hindi sya kusang nawala! May marka sya ng mga lubid sa kamay. Ano ba talaga ang plano mo ha? Kala ko ba proprotektahan mo sya?” pasigaw na sabi ni Glimmer. Gustong gusto ko syang asarin sa pagkakataon na ito. Nagagalit ba sya kasi nakikisimpatya sya kay Allison? Wow!

“Kung gusto mong malaman kung bakit ginagawa namin iyon kay Allison, alamin mo ang sikreto nya. Dun mo malalaman kung sino ang pumuprotekta sa kanya at bakit ganoon,” paliwanag ko pa.

“Bwisit ka!” pasigaw na sagot ni Glimmer , tapos ay binabaan nya ako. Ako naman ay tumawa lang. malalaman mo din Glimmer. Malalaman mo din ang lihim nya.

Lumabas ako ng kwarto ko para mamasyal sa labas. Lahat, nangyayari ayon sa plano. Matagumpay ang lahat. Gusto ko ng matapos ito agad. Ng bumalik na sa normal ang lahat.

[Glimmer’s pov]

Sira ulo yung si Dennis. Sira ulo talaga. At pinahirappan pa ako, para namang aamin ng ganoon na lang si Allison. Ilang oras na ata kaaming magkaharap. Magkakapalit na yata kami ng mukha eh. Pero ayaw nya pa ring magsalita. Tinanong ko sya ng diretso kung ano ang sikreto nya pero hindi sya sumasagot.

Inopen ko na lang yung tungkol sa bakit bigla syang nawala. Ikwinento nya yung natatanggap nyang package na may treat. At nung gabing namatay si Christine, yung gabing nagtake sya ng depressants. Ang sabi sa sulat, sundin lahat ng iniutos sa kanya. Kung ayaw nyang mamatay ang kapatid nya.

Gusto kong malaman kung hanggang saan ang limitasyon ni Dennis. Kung si Dennis ba ang nagpapadala ng mga packages na iyon, o ibang tao ang nagpapadala at yung taong iyon, iyon ang kalaban ni Dennis.

“Hindi mo naman kapatid na tunay si Psaricka hindi ba? Bakit sinunod mo lahat ng utos para sa kanya?” tama, tama ang tanong ko. Ginawa nya lahat ng iyon kasi may bantang papatayin ang kapatid nya. Pero di ba, dapat hindi nya sinunod. Hindi nya totoong kapatid si Psaricka, at sa pagkakaalam ko hindi naman sila ganoon kaclose eh.

“hindi nga,” sabi nya, “hindi ko sya kapatid, at hindi rin naman sya ang tinutukoy ng sulat.” Mahina nyang sabi. Ano? Anong hindi sya ang tinutukoy ng sulat.

“Iba ang tinutukoy ng sulat. Iba ang dapat kong protektahan,” mahina nyang sabi, “may kapatid ako sa larong ito.”

Ano? Sino?

[Kristine’s Pov]

Hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin ng sulat na iyon. Una si Alli ang nakatanggap ng packages, tapos ngayon ako. Ako na ba ang sunod na target. At anong ibig nyang sabihin dun sa sulat. At ano yung pandora’s box ni Christine. Ano ang lihim na naging sanhi ng kamatayan nya. At para saan ang susi na ito?

Hawak hawak ko ang susi na iyon. Kumuha ako ng luma kong necklase at gamit yung maliit na bilog sa dulo ng susi, inalagay ko iyon sa kwintas. Tapos ay sinuot ko. Malalaman ko din ang lihim mo Christine, pero pinapangako ko, hindi ko ito ikakamatay.

Hindi ako pwedeng mamatay ng hindi pa patay si Glimmer.

Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng simpatya kay Christine. Yung pagkamatay nya, na ang dahilan ay laro at curiosity. Dahil sa ganoong paraan din namatay si Mina.

Hindi ako pwedeng mamatay na ganoon rin. Para kay Mina.

[Allison’s Pov]

“may kapatid ako sa larong ito,” mahina kong sabi. Oo, may kapatid ako sa larong ito. At kahit anong mangyari, dapat ko syang protektahan kagaya ng pagprotekta nya sa akin. Sabihin man nyang wala syang pakialam, pero tanga sya. Dahil kung wala syang pakialam, pwede nya namang isigaw sa buong mundo na kapatid nya. Pero iniisip nya pa rin ako.

“Sino? Sino ang kapatid mo?” malakas na sabi ni Glimmer. Tumingin naman ako sa kanya.

“Hindi ba’t alam na ng buong mundo ang tungkol sa akin at kay Alex?” tanong ko pa, alam ko ang mga nagyayari kahit nung wala ako.

“Oo bakit?”

“Narinig mo ang audio hindi ba?” kung iyon ay narinig mo..

“hmm, oo”

“Ngayon sabihin mo sa akin, kung bakit Alex ang pangalan nya?”

Bahagyang napaisip si Glimmer, “Dahil ang sabi mo, ang magkakapatid, magkakalapit ang pangalan, AL ang simula ng pangalan mo, kaya naging Alex sya,”

Kinorrect ko ang sinabi nya, “Al ang simula ng pangalan naming magkapatid, Alex sya para magkakapatid na kaming tatlo. Pero hindi ko naman inakalang aagawin nya sa akin ang kapatid ko,”

“Hindi pwede..” sambit pa ni Glimmer.

Kasama ko ang totoong kapatid ko dun sa ampunan. Al din ang simula ng pangalan nya. At inagaw sya sa akin ni Alex.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon