21st Curse

166 10 1
                                    

Beauty is your Curse

21st Curse

“Narinig mo ang audio hindi ba?” kung iyon ay narinig mo..

“hmm, oo”

“Ngayon sabihin mo sa akin, kung bakit Alex ang pangalan nya?”

Bahagyang napaisip si Glimmer, “Dahil ang sabi mo, ang magkakapatid, magkakalapit ang pangalan, AL ang simula ng pangalan mo, kaya naging Alex sya,”

Kinorrect ko ang sinabi nya, “Al ang simula ng pangalan naming magkapatid, Alex sya para magkakapatid na kaming tatlo. Pero hindi ko naman inakalang aagawin nya sa akin ang kapatid ko,”

“Hindi pwede..” sambit pa ni Glimmer.

Kasama ko ang totoong kapatid ko dun sa ampunan. Al din ang simula ng pangalan nya. At inagaw sya sa akin ni Alex.

[Erin’s Pov]

“Ano?” halos tumaas ang boses ko ng malaman ko sa isa sa mga admin ang mangyayari mamaya.

“Bakit mommy? Bakit ka sumisigaw?” mahinang sabi ni Mira ng marinig nya ang malakas kong boses. Nandito kami ngayon sa opisina ko. Nagulat ako nang biglang pumasok si Mira.

“Nothing baby,” I answered her then turned to the staff, “please leave.” I ordered.

Pagkaalis ng staff ay hinarap ko si Mira.

“We have been fooled.”

“What do you mean mommy?” she answered worriedly.

“Habang lahat tayo ineexpect na may slayer game, na matagal pa ang next elimination. Naloko tayo. Ang totoo, walang slayer game na magaganap. Sinabi lang nila iyon para mataranta tayong lahat at magisip. Pero ang totoo, elimination na ulit mamaya!” sabi ko pa kay Mira.

Oo, totoo iyon. Elimination na mamaya, at wala pa silang binibigay na clue.

“Ano mommy! Totoo ba yan?” malungkot na sabi ni Mira.

Elimination na uli. Hindi ako pwedeng mawala sa larong ito.

Kailangang mahulaan natin ang ieeliminate sa larong ito. Dahil kung walang makakapanghula noon, sya ang magkakaroon ng pagkakataon para mageliminate. Paano kung ako ang piliin? Hindi pwede. Akin ang Eventyr.

[Psaricka’s Pov]

Palabas ako ng admin office ng Eventyr. Gusto ko sanang kausapin si Lady Erin, ngunit pagdating ko duon, i accidentally heard her conversation with Mira. Upon the realization ay tumakbo ako papalabas ng building na iyon.

Walang slayer game. At Elimination mamaya. Kaylangang makahanap ako ng paraan para hindi maalis sa larong ito. Hindi pwede. Kung noon wala akong paki, sa nangyayari kay She at Alli, may paki na ako.

Wala pa silang binibigay na clue, kaylangan kong hanapin ang clue magisa. Hindi ako pwedeng maalis.

Kinuha ko ang phone ko at uses my connections. Kailangan kong makausap ang isa sa mga naglaro na dati. Maari akong makakuha ng Clue.

At sisimulan ko ang paghahanap ng Clue, sa mga detectives.

[Kristine’s Pov]

“Kristine! Kristine!” Narinig kong may tumatawag sa akin, ngunit hindi ako lumilingon. Bakit pa? alam ko kung kaninong boses iyon. At pag lumingon ako, kukulitin at kukulitin nya lang din naman ako. Wala ako sa mood makipagasaran sa kanya.

“Kristine!”

Peste talaga sya. Ang kulit kulit nya. Wala ba syang sawa. Kamamatay lang ng girlfriend nya tas kinukulit nya ako. May sapak na talaga si Ceejay. Isa pa, namomroblema na nga ako dun sa susi na binigay sa akin.

That threat. Hindi ako natatakot mamatay. Natatakot akong mamatay ng walang nagagawa para kay Mina.

Air of Death around me? That’s absurd.  At yung sinasabi ng sulat na ang pandora’s box ni Christine ay nasa akin na. This key.

May kunek ba ang dalawang bantang iyon. Ang sinabi lang naman ay papatayin ako if i lost the air of death. At ingatan ko daw ang “pandora’s box’ ni Christine. Pag inalam ko iyon mamatay din ako. Pero hindi ako pwedeng manahimik na lang at walang gawin.

Kaylangang alamin ko ang lihim ni Christine. Tama, sa pamamagitan ni Ceejay.

Huminto ako at nilingon si Ceejay. As usual, emotionless pa rin ang pagmumukha ko at tinitigan ko sya ng masama.

“Sa wakas huminto ka din.”

“Bakit?” sagot ko pa sa kanya. I know na hindi ako makakadig ng kahit na anong impormasyon kay Christine sa ugali kong ito. Pero ganito talaga ako.

“Para ka talagang patay,” sabi ni Ceejay, “kaya ang cute cute mo eh!”

Ano ang kinacute ng pagiging zombie. Na parang walking dead? May tama siguro sa utak ang lalaking ito.

“Basta, cute lang,” sabi nya. Tapos ay tinignan nya ang suot nyang kwintas.

“Ano yang suot mo?”

“Wala ito, ano bang paki mo!” sagot ko sa kanya. Pakilamero.

Christine, ano bang sikreto mo?

[Glimmer’s Pov]

Umalis na ako ng dorm. Iniwan ko duon si Allison. Seryoso? Seryoso ba talaga sya sa sinabi nya.

Mga immoral. Ang bababoy.

Naglalakad lakad ako sa campus para hanapin si Dennis. Kakalbuhin ko yung gagong iyon. Alam nya ba ang lihim ni Alli. Siraulo sya.

Naglalakad ako sa lobby ng may bigla akong napansin na nakapaskil.

Elimination round tonight.

Clue: Uninvited

What the? Ang pinapahulaan ngayon ay kung sino ang uninvited? Pero according sa rules, pag nahulaan nyo kung sino ang uninvited, then, game’s over. Sa isang iglap, magagame over na ang lahat.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon