35th Curse

75 5 0
                                    

35th Curse

Ang instructions ko kay Glimmer, gawin nya yung ginawa nya last time. Gumawa ng fake cards.

Pero maraming cards ang inabot nya sa akin.

"Bakit marami ito?"

Hinarap nya sa akin ang mga cards. Inangat nya ang unang tatlo. "Tell Erin that you stole this cards, give it to her, then at the end of the 3rd round, tell her na may nanloko sa iyo at ang binigay mo sa kanya ay fake cards. Then show this to her," tapos ay inabot nya ang isa pang set ng card, "and tell her na eto ang original cards."

Hindi ko alam what Glimmer is upto, but I think she's really up to something. Bakit kailangan pa na ipaalam kay Erin na fake yung cards na iyon?

[Erin's Pov]

"Erin, here's the invitations. Ninakaw ko yan sa staff. Hanggang ngayon ay hindi pa nila napapansin na nawawala yan. Hurry make a copy, ipazerox mo or pascanmo. Dapat ko ng isoli yan bago pa nila malaman na nawawala nga." Sabi sa akin ni Dennis. Kinuha ko yung mga cards at ngumiti. I gently kissed him on the lips andwhispered.

"Thank you." With this, panigurado na kaming mananalo sa laro.

Tinignan ko ang mga cards na binigay nya. Lahat ng invitation. Without opening each one of them, pinili ko ang cards nila Glimmer at Kristine. Nakalagay iyon sa labas ng cards.

First Card – Glimmer Hale as Gretel

Second Card – Kristine Arevalo as Swan Princess

And for the last one? Naeliminate ko na si Allison so it means I have to pick a member from our team. Pero okay lang dahil marereinstate naman sila dahil may enough tickets kami. At gaya ng pinagusapan namin, yung kay Dennis.

Third Card – Dennis as Rumpletelskin

With this, I will win. Plus, I know all of their characters, dahil sa cards. Napagkasunduan namin ni Dennis na bigyan ako ng copy ng lahat ng cards after ng second period. So on the third period, mas may advantage ako na manalo.

[Mira's Pov]

Nakatanggap ng note ang lahat na ang second round ay bukas na. Pero dun sa laro. Wala akong pakialam.

Kasalukuyang narito ako sa townhouse na inupahan ko. Nakasuot ako ng wig at shades. Sa loob ng kwarto doon ay inaayos ko ang mga gamit. Pinapack ko sa isang maleta ang ilang damit na pambabae at mga necesities na kaylangan. Sa isang maleta ay gamit na panlalaki. Itinabi ko ang mga maletang iyon sa ilalim. Tapos ay inilabas ko ang mga pinamili ko sa hardware kanina at grocery. Lubid, blade, at isang bote ng alak. May mga ilan din na nakakalason na likido. Inilagay ko ang mga iyon sa ilalim ng kama tapos ay ngumiti.

After all of this, mamumuhay na rin tayo ng malayo, magkasama at masaya.

[Allison's Pov]

Sa isang maliit at lumang bahay naroon ako. Nakapiring ang mga mata ko. Ilang araw na ring ganito kaya tila napagod na rin ako kaiiyak. Hindi naman nakatali ang paa ko. Ngunit nakapiring ang mga mata ko at nakatali ang mga kamay ko. Sawa na rin akong magsisigaw dahil tila walang nakakarinig. Pakiramdam ko ay magisa ako sa bahay na iyon. Kapag umaga, tanghali, o gabi. May dumarating dito at pinapakain ako. Magsisigaw ako ngunit tila hindi nya ako naririnig o ano man. Nagsawa na rin akong lumaban kaya kumakain na lamang ako upang mabuhay.

Noong araw na iyon ay tila magisa ako sa bahay. May narinig akong tinig, kaya pilit akong naglakad kahit wala akong nakikita. Hindi ko alam pero napasandal na lang ako sa isang tila pinto. Nadali ng katawan ko yung Knob. Pilit kong tinutulak ng katawan ko yung pinto dahil may naririnig akong boses. Boses ng isang babae.

Pero laking gulat ko ng marecognize ko ang boses na iyon.

Boses ko. Noong nakatanggap ako ng award noong highschool.

Isa syang video recording.

At duon ako pinasukan ng takot at kaba.

"Gising na Allison tanghali na kaya!" sigaw pa sa akin ni Glimmer. Naramdaman kong may yumugyog sa katawan ko. At nagising na ako.

Panaginip lang pala. Panaginip ang lahat.

Pero hindi panaginip lang iyon. Napanaginipan ko na naman ang mga nangyari sa akin noong nawala ako.

[Ceejay's Pov]

Nakakalungkot lang. Ilang araw na ang lumipas at missing pa rin si Kristine. Kung magpapatuloy ang ganito. Tatlong rounds na wala sya ay mafoforce elimination sya.

Naglalakad ako noon sa labas ng Eventyr. Napadaan ako dun sa may basurahan. Madaling araw na iyon. Nakakalalaki mang sabihin pero nakakatakot. Sobrang madilim paano kung..

Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko ng tila may kumaluskos sa basurahan.At pagtingin ko ay may gumagalaw sa basurahan.

Anak ng inay ku po.

Dahan dahan akong lumapit sa basurahan.

Laking gulat ko ng alisin ko ang plastic sa basurahan. Nakapikit sya at walang malay. Napakapayapa. Napakatahimik. Still and cold.

Pinunasan ko ang mukha nya at inayos ang buhok nya. Isang babae na nasa basurahan. Who looks so cold, stiff at tila walang buhay. Isang imahe na walang pinagkaiba sa kanyang imahe. Dahil kahit may buhay sya, mukha pa rin syang patay. Because that's what she is. That's what Kristine is.

Pansamantala ko syang tinignan. She looks so beautiful, lying there, almost lifeless. Isang napakagandang imahe na tila nahulog ako. Napakawalang buhay na tila patay na.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon