29th Curse

156 9 1
                                    

29th Curse

Naalala ko pa ang sinabi ni Yin ng tinawagan nya ako pagkapadala nya ng package.

"Tandang tanda ko pa noon kung paanong nakatayo sa labas ng nasusunog na mansyon si Samantha. Gulo gulo ang kanyang buhok at puro uling sa katawan. Nakatingin sya sa lugar kung saan namatay ang kanyang ina. Patuloy nyang sinasabi na bakit daw sya iniwan ng yaya o mama nya. Na maglalaro pa daw sila ng larong iyon. It turns out na ang game na lagi nilang nilalaro ni Samara ay fairytale guessing game. Pilit ko syang inaalo. Tandang tanda ko pa ang sinabi nya. 'someday I'll play this game to the ones that caused you pain.' Sinasabi nya iyon habang hawak ang role at invitation ng kanyang mama. At that moment, nakakita ako ng isang batang inalisan ng kanyang innocence. At sabi nya, ibibigay nya daw ang imbitasyon ng mama nya, sa mga taong dapat magdusa. Which i assume ay ang mga kapatid nya sa ama."

 

Tinignan kong muli ang papel na nasa package. At laking gulat ko ng makita kung ano ang role ni Samara. At kung ano ang imbitasyon na hawak nuong Samantha.

 

Cinderella

[Glimmer's Pov]

Inaayos ko ang aking sarili. Si Alli naman ay nagbibihis na. First round ngayon ng second period. At ininstruct ang lahat ng elites na ang first round ay gaganapin sa hall kung saan ginanap ang aming acquiantance party. Ibinilin na dalhin ng lahat ang kanilang invitations.

Matapos magbihis ni Alli ay bumalik sya sa akin. Kahit elimination round lang ito, para sa mga Elites, eto ang pagkakataon na makapagyabang sila sa isat isa. Nagsusuot sila ng magagarang mga damit. Ang dress code kasi sa elimination round ay formal. Sa ball, ayun nagyayabangan sila, ng mga branded na damit na suot nila, ng mga bansang napuntahan nila, or mga nagtataasang stocks ng kanilang mga kumpanya. Pwede ko kayang iyabang ang dami ng tao na napaikot ko o ang dami ng napatay ng ama ko? Natatawa kong naisip yun. Yun ang kayamanan ko.

Mamaya, paniguradong lalayuan kami ng lahat. Wala naman akong pakialam kung layuan kami eh. Kaylangan ko pa sila kinailangan. Kaylan pa ako naging friendly? Pero sa round na to, tiwala ang susi. Alliance. Paano ko magagawa silang kumbinsihin na iboto ako kung nilalayuan nila kami. Mas lalong walang boboto kay Alli. For sure, ang boto nila ay mapupunta sa mga taong nagbabait baitan.

13 Elites. 2 ang wala na. 11 players na lang ang natitira. Maliban sa sarili ko, 10 ang boboto. Kaylangan ko ng majority para manalo. Sigurado na akong may 3 boto. Si Alli, tapos yung dalawang cards na hawak ko.

Pero anong silbi ng tatlo kung magfoform din ng alyansa ang mga ibang tao dito? Sumasakit na ang ulo ko. Pwede ko kayang ipampribe yun mga roses? Tama, hindi naman sinabi na para sa exchange lang yung roses aka tickets. Pwedeng ipambribe yun. I'll give my ticket to them at iaassure ko sa kanila na ako ang mananalo. Like this, kapag binigay ko sa kanila ang tickets ko, at ako ang naging Queen, for sure hindi ako maeeliminate. At,

Gotcha. They need 3 tickets right? Para if ever maeliminate sila ay marei nstate sila. Dahil 2 ang card ko, tapos isa kay Alli, mageequal yun sa 3 cards. Ang grumupo sa amin ni Alli, sure na mananalo dahil magkakaroon sila ng 3 tickets. Maeliminate man sila ay marereinstate sila.

So dahil may sufficient tickets kami ni Alli, best para sa kanila na grumupo sa amin. Pero may magtitiwala kaya sa amin? Paano kung magalliance din ang iba.

"Glim, tara na, baka malate pa tayo." Sabi sa akin ni Alli. Paglingon ko sa kanya ay nakaayos na sya ng isusuot nya. Nakamakeup na rin sya. Tumayo naman ako. Sexy si Alli. Nakasimple syang damit. Kulay plum. Malungkot ang kulay ngunit buhay na buhay sa damit na iyon ang korte ng kanyang katawan. At narereflect ng malungkot na kulay ang malungkot nyang aura.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon