41st Curse

92 4 4
                                    

                  

41th Curse

Akala nila sila at iba nilang kagrupo ang eliminated. Ngunit ang totoo, ang ineliminate ko na character gamit ang mga pekeng cards, ay ang character ko at ang Character ni Gretel.

            Walang magiisip na ang ieeliminate ko maliban kay Erin at kay Mira ay ang sarili ko mismo at si Alli.

            Dahil sa larong ito, ang tanging paraan lang para mailigtas ko si Alli ay ang ieliminate sya at ang paraan para kontrolin ko ang laro at maging makapangyarihan? Ay ang ieliminate ang sarili ko. Ridiculous, pero tanga sila para hindi maisip iyon. Kaylangan mong maeliminate at marevive para makaligtas.

[Glimmer's Pov]

            Ilang minuto na lamang bago matapos ang laro. Sa lahat ng nandun, makikitang tila natataranta at hindi mapalagay si Erin. Si Alli ay ganoon din naman. Sa isang sulok ay nakangiti si Dennis. Ang gago talaga. Pagikot ko ng paningin ko ay nakita ko si Kristine. Napabuntonghininga ako.

            "You said you want to get rid of Alex someday," bulong ko kay Alli. Nagulat naman sya at umiling.

            "I just pressumed it."

            "Bakit?"

            "If you want to get rid of her and when the chance comes, don't hesitate. Get rid of her. Hanggang ngayon, pinagsisihan ko pa rin na buhay ang Kristine na yan." Mapait kong sabi bago ako umalis kasi tatanongin ako ni Alli for sure.

            Marami pa silang hindi alam tungkol kay Kristine.

            Naghintay ako para matapos ang period na iyon. Hawak hawak ko ang tickets na iprepresent ko mamaya. Nagaabang ako at nakangiti.

            Nagulat ako ng biglang umupo sa tabi ko si Dennis. Pasimple nyang inakbayan ako.

            "Ano ba! Gago ah." Sabi ko pa.

            "Now Glim, tell me your strategy." Bulong nya sa akin. Baka inutos na naman yan nung boss nya.

            "It's actually the first time i've used this strategy. The strategy for being the loser." Nakangiti kong sabi. Oo alam ko, I sounded weird. Sino ba naman gustong maging loser.

            Ng bigla ng inannounce  na tapos na ang period. Isa isang ng sinurrender ng lahat ang mga tickets nila. Eliminated man o hindi. Yung mga eliminated na makakagain ng tamang puntos ang marereinstate.

            Pagkaabot ko ng tickets ko ay bumalik ako sa mesa ko. Ilang oras na rin naming ginagawa to. Magdamag na nga itong ball na ito eh. Si Alli ay nakaupo na rin at tapos ng iabot ang tickets nya. Tahimik lang sya ng bigla akong nagsalita.

            "Actually, I am the one who manipulated the game. Plinano ko ang lahat. I planned to eliminate you." Nagulat si Alli sa sinabi ko at nagalit pa nga. At pinaliwanag ko sa kanya ang lahat kung paanong nangyari yun.

            "Pero bakit Glim?" naiiyak nyang tanong. Then I explained her my winning strategy.

            "Maliban kay Mira at Erin. Ang dalawa pang naeliminate ay ikaw at ako. Plinano ko talaga. Bakit? Remember kapag naeliminate ka at nasurvive mo yun? Magkakaroon ka ng extra power. Ang chance na mageliminate ng isang tao ano mang part ng game. Pwede mo syang gamitin ngayon o kahit kaylan. I'm planning to collect those to gain lead in the game. Isa pa, di ba iniisip nilang hindi tayo eliminated kaya tinanggap nila ang ticket natin?" sabi ko pa kay Alli. Biglang napangiti sya ng maisip nga iyon.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon