Chapter 20: Yes, Master

59.8K 3K 399
                                    

"Puwede na ba?"

"Hindi pa."

"Mmm... Ang tagal naman."

"Iyan. One, two, three. Open your eyes."

Pagdilat ko ng mga mata ko, halos hindi ako nakahinga. The scene before me was the most beautiful sight I have ever seen. Hindi ako makapaniwala na may ganito kagandang lugar sa mundo. Para bang pinagsama-sama ang mga magagandang bagay sa mundo at dinala lahat ni Train sa harapan ko.

"So, what do you think?" he asked me.

I gasped while holding my mouth. "This is so amazing, Train."

Gabi na ngayon at nasa tuktok kami ng isang mataas na gusali. Kitang-kita ko ang mga ilaw na nagniningning na tila mga tala mula sa malalayong mga bahay at mga gusali. Train carried me all the way here. He made me wear a blindfold as a surprise so I have no idea how we got here.

The sky is dark but the city lights are shining bright. Nakikita ko rin ang mga nagpapalit na ilaw mula sa mga sasakyan. Ang ganda ng mga kulay, at lahat ng mga iyon ay naglalaro sa paningin ko. Kay gandang tanawin.

Train suddenly whispered behind me. "You know what? I like being in high places. May it be a tree, your roof, or at the top of a building like this one."

Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib na nasa likuran ko. "At bakit naman?" I asked my pet.

"Kasi nakikita mo ang hindi nakikita ng iba," he explained. "Kunwari, tingnan mo 'yong babaeng 'yon." Itinuro niya sa'king ang kaniyang mga tinutukoy. "Kasama niyang nagtatawanan ang mga kaibigan niya, pero hindi niya alam, naroon ang boyfriend niya sa kabilang kalsada na may kasamang ibang babae."

I was about to believe him but I countered. "Pa'no mo naman nalamang boyfriend niya 'yon? Baliw ka talaga!"

"Lagi ko kaya silang nakikita na naghahalikan diyan." Itinuro niya ang isang bakanteng parking lot. "Akala nila ay walang nakakakita sa kanila."

"Eh iyon? Ano'ng masasabi mo sa kaniya?" Nagturo ako ng isang matandang nagtitinda ng laruan.

"Malapit na siyang bumenta," saad ni Train.

"Huh? Pa'no mo nalaman?"

"Tingnan mo 'yong batang nagmamadaling tumakbo na 'yon. Malamang bibili siya ng laruan doon sa tindero," paliwanag ni Train.

"Tama ka, bumili nga siya! Hahaha! Pa'no mo naman nahulaan?" I looked at him with a confused expression.

"Noong isang araw pa 'yang batang 'yan eh. Panay tingin sa mga laruan ni manong," he chuckled softly.

"I see. Mukhang marami ka ngang nasasaksihan kapag nasa mataas na lugar ka," saad ko ng aking napansin. Nagulat ako dahil bigla siyang tumahimik. "Train?"

"Raven... do you want to witness something even more beautiful?"

My mouth parted open. Hinahangin ang buhok ni Train at nakangiti siya sa'kin. Tumatama sa kaniyang makinis na balat ang mga ilaw mula sa siyudad. "May mas maganda pa bang view kaysa rito?" I quietly uttered while looking at his face.

"Raven, do you trust me?"

"Huh? Oo naman."

"Prove it." Pagkasabi niya no'n ay bigla niya 'kong itinulak. He pushed me off the edge of the building.

I reached for his hand, but he just smirked. It took me some time to realize that I am falling already. My heart almost stopped. I felt tears forming in my eyes. I can't get over from the shock. Bakit ako itinulak ni Train?

I was too shocked, I couldn't even scream. My right hand is stretched out in front of me, reaching out for something that's not even there. I've never been this scared in my life. My heartbeat is getting crazy. My throat was dry and I couldn't cry for help.

I was about to give up when I saw something white from the corner of my eye. That reminded me, Train was wearing white. I then saw him flying towards me. Wait, flying?

Mabilis siyang lumipad at nasalo niya ako. He wrapped his arms around me and kissed my forehead. "Thanks, Master. I know you could trust me."

We are now floating in mid-air. "Train! What the fuck's happening?" I cried out of panic. He just answered me with a smile. "Nasisiraan ka na ba? You just pushed me off a building!"

That was the time that I cried so hard. Pinapalo ko nang malakas ang dibdib niya. Binuhos ko sa kaniya ang lahat ng takot ko kanina. "Ipaliwanag mo nga sa'kin kung bakit tayo lumulutang ngayon!"

"It seems like I could actually fly," nakangiti niyang sagot. "I just grew a pair of wings."

I checked his back but I couldn't see anything. "Niloloko mo ba 'ko?"

"I do have wings, but only monsters like me could see them."

"Kailan ka pa nagkapakpak?" namamaos kong tanong.

"That's the interesting case. Kagabi ko lang nalaman. Noong nakita kita sa ilalim ng hagdanan na duguan at walang malay, talagang nag-panic ako. I hated myself. I was so worried about you," pahayag niya. "All I could think of was, 'I need to get her back to our house as fast as I can.' I guess that triggered my wings. Believe me, I was just as shocked as you are."

"Oh, Train!" I hugged him as tight as I can and burrowed my face on his wide chest. "Your wings, are they beautiful?"

"If only I could tear them apart, I would offer them to you..." he whispered.

***

Inilapag niya na kami sa tuktok ng building. Umupo kami roon at pinanood ang magandang tanawin. He held my hand and I laid my head on his shoulder.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. But I guess as long as I'm with a monster like him, anything is possible. It's all part of the wonders of having a pet monster.

"Hey, Train. Can I be a little selfish?" mahinhing sambit ko.

"You can be as selfish as you want."

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa'king mukha. "I would like to keep you forever, Train. I would like to keep you to myself." My wistful eyes were speaking to him. "Can I?"

He pulled me closer and kissed my lips. "Yes, master."

My Sweet Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon