Chapter 41: Diavlo

37.1K 2K 136
                                    

"Nice to meet you. My name is Diavlo, the lord of monsters." He grinned big, showing off his nasty fangs. Some of them are even stained with fresh blood.

"Ano'ng kailangan mo sa'min? Pakawalan mo kami!" hiyaw ko sa kaniya. Puno ng galit ang mga mata ko. Hindi ko pa alam ang buong sitwasyon pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Malakas ang kutob ko na siya ang may kagagawan kaya bugbog-sarado ang mga babaeng nakagapos dito sa kweba.

"Wow, we have a fiesty one in the house! Awhooo!" He then howled, "I wonder how you taste like? Probably a little spicy!"

Sinipa ko ang mga maliliit na bato sa sahig at ang ilan ay napunta sa mata niya.

"Walanghiya ka!" Sinugod niya ako at sinakal sa leeg. Inangat niya ako at dinala sa dulo ng kweba katabi ng mga nakagapos na babae. Panay sipa ko pero walang epekto sa lakas niya. He's probably the strongest monster I have ever encountered. Totoo nga siguro na siya ang pinuno tulad ng sinasabi niya.

Kumuha siya ng tali at iginapos na rin ako kasama ng iba. Halos marindi ako sa lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Nagkamali ako na utusan si Train umalis ng bahay. Paano niya kaya ako matatagpuan ngayon? Nasa malayong parte kami ng gubat.

"Diyan ka lang at 'wag kang malikot kung ayaw mong mamatay agad. Lalabas lang ako para dagdagan pa kayo," abot-taingang ngiting sabi ni Diavlo, "I feel like having a buffet tonight! Awhooo! Awhooo!"

"Isa kang halimaw!" hiyaw ko sa kaniya.

"Uhhh, I know?" He raised his brow in sarcasm.

Inilabas niya na ulit ang mga pakpak niya at lumipad paalis. I remember that a monster with wings means that he is in love. Who the hell is that sicko in love with?

Itinuon ko ang aking pansin sa mga katabi kong mga biktima rin. "A-Ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanila.

Ang ilan sa kanila ay hindi na makapagsalita sa sobrang maga at duguan ng mga labi. Ang iba naman ay sinusubukang magsalita, kaso masiyadong tuyot ang mga lalamunan nila. Isa lang sa kanila ang nakasagot sa'kin.

"T-Tatlong araw... Gano'n lang ang kadalasang tinatagal ng isang biktima rito sa kweba," she answered in a hoarse voice. "M-Masuwerte pa nga kung tatlong araw ka lang, k-kahit papaano ay saglit lang ang titiisin mong paghihirap..."

"Meron na bang tumagal nang higit sa tatlong araw?" tanong ko sa kaniya.

May isang babae lang na nakapagitan sa'ming dalawa. Mahina lang ang kaniyang pagsasalita dulot ng kahinaan. Kung sakaling mas malayo pa siya ay baka hindi ko na marinig ang sinasabi niya.

"A-Ako... isang linggo na ako rito." Pinilit niyang ngumiti. Paos na ang boses niya pero sinusubukan niya pa ring magsalita. "M-Malas ka kapag naging paborito ka niya."

Binalot ng awa ang puso ko. Kanina lang ay sinabi ni Diavlo na kapag naging pasaway kami ay papatayin niya agad kami. Ngayon ay sinasabi sa'kin ng kasama ko ngayon na masuwerte pa para sa kaniya ang gano'n, kaysa patagalin ang pagdurusa.

I can't stay still and do nothing. I need to plan of a way how to escape. Sa ngayon, ako ang pinakamalakas sa mga babaeng narito. Sa akin nakasalalay ang kaligtasan naming lahat.

✦✧✦

TRAIN

"Calm down, Train!"

"I can't fucking calm down! Raven's fucking missing! Fuck!"

I am already turning into a beast because of anger and anxiousness. Pagbalik ko sa bahay, wala na si Raven. At lalong hindi ako mapakali dahil may bakas ng amoy ng isang halimaw sa kwartong iniwan niya.

It's not just any monster. It has a very foul and sickening stench. I could tell that whoever was in Raven's room is one evil psychotic monster.

Napasinghal ako nang malakas. Hindi pa natatapos ang problema namin sa Alab-Lawin, may panibago na naman kaming kalaban.

"I understand how you feel, Train. Ganyan rin kami no'ng ikaw ang nawawala. But you need to calm down so we can think straight," my brother Drey told me.

Dahil sa sobrang desperado ko, bumisita ako sa mansion nila Yuie upang humingi ng tulong. Narito kami ngayon sa isang malaking kwarto na puno ng mga computer screens. Dito raw sila nagplano noon para iligtas ako.

"We actually have a lead," kalmadong sabi ni Yuie habang mabilis na pumipindot sa iba't ibang keyboard. "Kung may kinalaman ang pagkawala ni Raven sa mga balita tungkol sa mga babaeng napaslang nitong mga nakaraang araw, maaari nating i-assume na malapit rin sa gubat ang hideout ng sinasabi mong halimaw."

I tsked. I don't want to think of Raven going through the same thing that happened to those victims. But we don't have any other leads.

Sa isang pindot lang ni Yuie ay may lumitaw agad na night vision mode sa computer screen. "Hmmm," she sighed, "There are no traces of footprints anywhere. Hindi natin alam kung saan sila tinatago."

"Maybe the monster has wings like Train." Nagtinginan kaming lahat kay Drey na siyang nagsalita. "Kaya wala siyang iniwang bakas ng mga footprints."

"Asar! Paano natin siya mahahanap kung gano'n?" I cried furiously. It's hard to quell your anger when the one you love is currently in danger.

Nagulat kaming lahat ng may kakaibang tunog kaming narinig galing sa computer. It was a continuous beeping sound.

"What does that mean, Yuie?" I asked her.

"H-Hindi ko rin alam, pero may nagpapadala sa'tin ng signal na ito," she answered with an obvious confused look on her face.

"Papel! Lapis!" biglang hiyaw ni Drey.

Agad-agad naglabas ng papel at lapis ang mga tauhan ni Yuie at binigay ang mga ito kay Drey.

"Kuya? Did you figure something out?" Lumapit kaming dalawa ni Yuie kay Drey na siyang may isinusulat sa papel.

"It's morse code!" sigaw ni Drey. "Whoever is signaling us using the beeping sounds is using morse code. Short strokes, long strokes, double strokes..."

We're all impressed with Drey's knowledge. After all, he's a bookworm who spends over twelve hours every day locked inside the library, speed-dating with hundreds of books.

"Buti 'di ka nagseselos sa mga libro?" bulong ko kay Yuie.

She just smirked and answered in her usual curt attitude, "Books can be essential... to roleplaying."

Namula ang mukha ko at napailing na lang ako. Mahirap basahin ang utak ng Yuie na 'to. Tanging kuya ko lang talaga ang kayang makaintindi sa kaniya.

"N-Natapos ko na..." Drey uttered in a broken voice.

Nagtaka kaming lahat dahil imbis na matuwa matapos niyang ma-solve ang code, ay pagkalito ang nakabakas sa mukha ni Drey.

Our eyes automatically went to the paper he's holding. Drey wrote the translation of the code in squiggly letters... and what we saw just sent shivers down our spine.

"Alam namin kung saan nakatago ang mga biktima. Kung gusto niyo silang maligtas, sundin niyo ang utos namin."

My Sweet Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon