Chapter 40: The Lord of Monsters

44.4K 2.1K 248
                                    

"Natagpuan ang bangkay ng isang labingwalong taong gulang na babae sa may kagubatan ngayong Martes. Ito ay ang pangatlong bangkay na natagpuan sa loob ng iisang linggo."

Pinatay ko na ang telebisyon dahil sa hindi kaaya-ayang mga balita. Isang buwan na ang lumipas simula nang mailigtas namin si Train, ngunit wala pa rin kaming balita sa nanay ko.

"Are you scared?" Train hugged me from behind. He could sense my fear from afar.

"K-Kasing edad ko kasi ang biktima, kaya natatakot ako." Niyakap ko siya pabalik.

"Hindi kita pababayaan. Pangako 'yan," mahinahong bulong sa akin ni Train habang pinapakalma niya ako. "Sa totoo lang Raven, gusto ko nga sanang imbestigahan ang mga pangyayaring ito—"

Pinutol ko ang sinasabi ni Train at niyakap siya nang mahigpit. "Please don't. Napahamak ka na dati dahil inimbestigahan mo ang nanay ko. Ayokong mangyari 'yon ulit."

***

Kinahapunan ay tumawag sa'kin si Jasmine, ang matalik kong kaibigan.

"Raven! Nababalitaan mo ba 'yong tungkol sa mga bangkay? Ang creepy!" takot na bungad sa'kin ni Jasmine, "Kaya hindi na ako lalapit sa gubat. Pupuntahan ko nga ngayon ang dyowa kong si Rex kasi hindi ako makatulog tuwing gabi kakaisip sa mga balita."

"Mag-ingat ka sa labas, Jasmine. Hindi ka ba pwedeng sunduin ni Rex para mas ligtas ka?" nag-aalala kong tanong.

"Hehe, gusto ko kasi siyang sopresahin! Ayos lang, malapit lang naman ang bahay nila sa'min."

Ibinaba na ni Jasmine ang phone. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako mapakali.

Kinagabihan ay wala na akong narinig mula kay Jasmine, kaya naman tinawagan ko na siya.

"Jasmine?"

I heard muffled noises on the other line. It sounded like someone was howling, but I wasn't sure.

"J-Jasmine?" Lalo akong kinabahan. Maya-maya lang ay naputol na ang linya. "Jasmine!"

Dali-dali kong tinawagan si Rex para alamin kung ligtas ba siyang nakarating sa bahay ng nobyo niya.

Lagot, hindi rin sumasagot si Rex! Tumakbo agad ako papunta kay Train para humingi ng tulong. "Train! Alam mo ba 'yong malaking bahay katabi ng hospital, mga limang kanto mula rito?"

"Oo nakikita ko 'yon, ano'ng meron Raven? Hinihingal ka ata." Lumapit siya sa'kin at sinusubukan akong pakalmahin.

"Please, puntahan mo ang kaibigan ko doon! 'Yon ang bahay ng boyfriend niya at papunta siya doon ngayon, k-kaso may kung ano akong narinig sa kabilang linya pagtawag ko. B-Baka may nangyari sa kaniyang masama!" Napapraning na ako habang nagdedetalye ng mga pangyayari kay Train, "I-Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa kaniya. Please save Jasmine, Train! She's my best friend!"

"Yes, master. I'll go look for her right now!" He gave me a quick kiss on the head. "Don't worry. Hahanapin ko siya agad."

Hindi ako mapakali na naghihintay lang kaya sinusubukan at sinusubukan ko pa ring tawagan ang mga numero ni Jasmine at Rex. Pagkatapos ng pang-walong tawag ay nasagot na sa wakas ni Rex.

"Oh, Raven! Napatawag ka?" bati niya sa'kin.

"Rex! Nandiyan ba si Jasmine? Please sagutin mo agad!" nagmamadali kong sabi.

"Babe, kausapin ka raw ni Raven."

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Jasmine sa kabilang linya. "Rae! Napatawag ka?"

"Nag-alala ako sa'yo! Ano'ng nangyari kanina? Tumawag ako kaso may narinig akong tila may umuungol tapos naputol 'yong linya!" sunod-sunod kong sabi.

"Ahh ehh," paliwanag ni Jasmine, "K-Kami lang 'yon ni baby Rex ko. Nagro-roleplay kasi kami tonight. Kunwari ako si Bella at siya si Jacob hehe. Ako lang 'yong narinig mong umuungol hehehe."

Namula bigla ang buong mukha ko at pinatay ko agad 'yong phone. Napahiga ako sa kama dahil sa sobrang kahihiyan. Ano ba 'yan, naglalandian pala sila! Akala ko naman kung ano na!

Nagulat ako nang biglang may aninong dumaan sa may bintana. Nagtaka ako kaya naman sinilip ko kung ano ito.

"Train? Ikaw ba 'yan?" hiyaw ko, "Nakauwi ka na ba?"

Nagtaasan bigla ang mga balahibo ko nang biglang bumukas ang bintana at may lumitaw na anyo sa harapan ko.

Isa itong malaking lalaking naglalaway, mahaba ang buhok niya at balbas-sarado rin siya. Madilim na pero kitang kita ko pa rin ang mga mata niya na siyang nagdala ng kilabot sa buong katawan ko.

He has a pair of golden eyes. Just like Train and Drey. There's no doubt about it, this guy is also a monster.

He grabbed me by the mouth before I could even scream. Kinarga niya ako sa balikat niya at lumipad siya palayo, dala-dala ako.

Shit! He also has wings like Train! Oh no, siguradong malakas siya. I wanted to scream Train's name but my mouth is shut and covered. Sinusubukan kong pumiglas pero masiyado siyang malakas.

Nagulat ako dahil dinala niya ako sa gubat, ngunit ibang parte ito ng gubat kung saan namin niligtas si Train. Pumasok kami sa isang malaking kweba na ginawan niya nang malalaking gate gamit ang mga punong kahoy.

"Aray!"

Ibinato niya ako nang marahas sa sahig. Muntikan nang mabagok ang ulo ko pero buti na lang ay nasalo ko agad ang katawan ko gamit ang mga kamay ko.

Pagtingala ko ay sobrang namutla ako sa bumungad sa'kin.

Sa harapan ko, ay napakaraming mga babaeng kasing edad ko ang mga nakahubad at nakagapos. Lahat sila ay may mga namamagang mga mukha kakaiyak, at bugbog-sarado na rin ang buong katawan nila.

No way... don't tell me... that this guy is the killer on the news?

Nanginginig ang buong katawan ko. Pinilit kong lumingon sa kaniya, at binati niya ako nang may malaking ngiti.

"Nice to meet you. My name is Diavlo, the lord of monsters."

My Sweet Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon