Chapter 18: You're a Hot Mess

56.9K 2.7K 335
                                    

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Malabo noong una, at hindi ko matukoy kung nasa'n ako. Pero maya-maya lamang ay luminaw na ang aking paningin. Nasa loob ako ng isang kuwarto.

At sa harapan ko, may isang maputing babae na may pagka-petite ang katawan. Nakasuot siya ng magarang dress na mukhang may kamahalan.

"Sino ka?" I asked.

Hindi niya 'ko sinagot.

"Bakit ako narito?" tanong ko ulit.

Naglakad siya palapit sa 'kin. Nakaupo ako sa sahig, kaya pagkarating niya ay umupo rin siya sa harap ko para magpantay ang aming paningin.

Seryoso pa rin ang mukha niya at walang emosyon. Wala pa rin akong balak sagutin.

"Nasa'n ako at sino ka?" Tumaas na ang boses ko.

"Is this how you talk to someone older than you?" sambit niya.

"Older? Ikaw?" I don't look convinced. Siguro at most ay magka-edad lang kami!

Bigla siyang tumayo at nagpakilala. "My name is Yuie Villarin." She stretched her dainty hand towards me, inviting me for a handshake. "Twenty-three years old."

Tinanggap ko naman ang alok niya at nakipagkamay. "A-Ako si Raven Claire Davis. N-Nineteen, turning twenty..."

Mas matanda nga siya sa 'kin!

"Bakit ako narito?" ingit ko. "Ang huling naaalala ko, may tatlong lalaking lumapit sa 'kin."

"You mean sila?" Ikiniling niya ang kaniyang ulo papunta sa pintuan kung saan naroon 'yong tatlong lalaki kanina.

"Hoy, mga manyak kayo!" sigaw ko sa kanila.

"Hoy, wala kaming ginawa sa 'yo!" sigaw naman nila pabalik.

"Inutusan ko lang sila na kunin ka," sabi ng babaeng may pangalang Yuie. "Mga alipin ko sila."

Takang-taka na ako. Hindi ko talaga alam kung maniniwala ba 'ko sa kaniya o hindi. Naghalukipkip siya at ngumiti nang nakakaloko.

"Miss Yuie, ano'ng gusto niyong gawin namin?" tanong ng isa sa mga kumag na lalaki. "May iuutos po ba kayo?"

"Kumusta na siya? Hinahanap niya pa rin ba ako?" ani Yuie.

"Opo. Hindi siya mapakali sa kakahanap sa inyo, Miss Yuie. Sobrang natataranta na siya," ulat naman no'ng isa.

"Hayaan niyo lang. Isang paraan na rin 'to para masubukan ang pang-amoy niya," utos ni Yuie. "Kung kabisado niya ang amoy ng kaniyang master, dapat ay mahanap niya ako."

"S-Sinong itinutukoy niyo?" singit ko, "Master? Pang-amoy? Ibig sabihin, alam niyo ang tungkol sa mga halimaw?"

"Hindi lang ikaw ang master sa mundo, Raven," sagot ni Yuie habang nakahalukipkip pa rin.

"S-Sinong monster ang tinutukoy niyo?" I asked, since I knew two of them.

"Parehas," matipid na sagot ni Yuie. "Emman, tie up this girl!"

Biglang lumapit ang pinakamalaking lalaki sa tatlo at iginapos ang dalawang kamay ko gamit ang isang lubid.

"And now, we wait," said Yuie with a smirk in her lips.

"Sino ka ba talaga? Bakit alam mo ang tungkol sa mga halimaw?" Sinusubukan kong pakawalan ang mga kamay ko kaso masiyadong mahigpit ang pagkakatali.

"Hindi ba nagpakilala na 'ko sa 'yo? Full name ba ang kailangan mo? Well, I'm Maria Estella Loreli Villarin." Pagkasagot sa 'kin ay humarap siya sa tatlo niyang alipin. "Charlson, Jackson, Emman! Ibili niyo ako ng ice cream ngayon din!"

Iyon pala ang pangalan ng mga kumag. Ibinaling na ni Yuie ang atensyon niya ulit sa 'kin.

"Ano nga pala ang pinag-uusapan natin?" tanong niya. "Sasagutin na sana kita kanina, kaso wala na ako sa mood. Nag-crave ako ng ice cream, eh."

Kanina pa nakakunot ang noo ko dahil kanina ko pa rin siya hindi maintindihan.

"Raven." Tinawag ulit ako ni Yuie. "Kung sinomang mauna sa kanila, dapat may prize. Okay?"

"Prize?" ulit ko. "Anong klaseng prize?"

"A kiss." Lumawak ang kaniyang ngiti. "Ano, deal? Bibigyan ng master ng isang kiss ang alagang mauunang makahanap sa 'tin."

"Teka. Ibig sabihin ay isa ka ring—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang nasira ang pintuan ng kuwarto. Napalingon kaming dalawa sa bagong dating. Si Drey.

"Drey?" I gasped in shock.

"Yuie!" Bigla siyang tumakbo at niyakap si Yuie. "Sobrang nag-alala ako sa 'yo!"

"Cut it out, Drey! Hindi ako makahinga!" Pero hindi pa rin siya binitawan ni Drey. In fact, niyakap niya pa ito nang mas mahigpit.

Nagulat si Drey nang makita niya 'ko. "Raven? Bakit ka narito?"

"D-Dinala nila ako rito!" sumbong ko.

Tumingin siya nang masama kay Yuie. "Ikaw na naman ang may pakana nito 'no?" Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Yep. And so? Hindi ba't ipapakilala mo naman talaga kami sa isa't isa? Gumawa lang ako ng kaunting drama to spice things up."

"Drama?" galit na hiyaw ni Drey. "Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala para sa 'yo?"

Yuie answered him with a smirk. "I was betting on Train to win though."

Hinila niya ang necktie ni Drey at hinatak siya pababa—then she kissed him. Just a one-second kiss, at binitawan na niya ang kurbata. It was the first time that I ever saw Drey blushing this hard.

"M-Master Yuie!" he cried in embarrassment.

"We had a deal. Kung sino'ng monster ang mauuna, bibigyan ng master niya ng kiss," explained Yuie.

I smiled for a bit after seeing them act so sweet and cute, but it made me sad afterwards.

"H-Hindi naman darating si Train eh..." Napatingin sila sa'kin. "Wala naman siyang pakialam!"

Pagkatanggal ni Drey ng lubid na nakatali sa mga kamay ko ay agad akong tumakbo papunta sa pintuan.

"Raven!" Hahabulin na sana ako ni Drey pero pinigilan siya ni Yuie.

"Hayaan mo muna siya. Kung anoman ang problema nila, kailangan nilang malagpasan iyon para umusbong ang kanilang relasyon."

***

Takbo ako nang takbo, at narating ko ang isang mahabang pasilyo na pamilyar sa'kin. Doon ko napagtanto na nasa loob pala kami ng mansiyon nina Drey. Nawalan ako ng balanse at nahulog ako sa hagdanan. Gumulong ako sa mga hakbang at narating ang ikababang palapag nang duguan.

My whole body is screaming in pain, and the smell of my blood was nauseous. My consciousness is getting weaker as I felt my eyes slowly surrendering to the darkness.

My Sweet Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon