Chapter 8: Long Lost Enemy

62.9K 3.4K 604
                                    

Narito ako ngayon sa classroom at nanonood ng pelikulang naka-flash sa blackboard namin na personal na nirerekomenda ng aming teacher. Nakasalumbaba lang ako sa arm chair at bagot na bagot.

Napatingin ako sa katabi kong si Jasmine, mukhang hindi siya nababagot tulad ko. Sobrang saya at busy kasi sa pag-text.

"Hindi na yata maalis ang ngiti sa mukha mo?" puna ko sa kaniya.

"Eh pa'no ba naman kasi 'tong si Rex, nakakakilig masiyado!" sagot niya gamit ang matinis na boses.

Ipinakita niya sa'kin ang text ni Rex, "Jas my sweetie, sabay tayong mag-lunch later."

Eh? Nakakakilig na ba 'yon?

"Niyaya niya 'kong mag-lunch!" natutuwang balita ni Jasmine. "Ikaw ba Rae, niyaya ka na bang mag-lunch ng isang lalaki?"

Actually, hindi naman sa niyaya—ako mismo ang lunch niya.

***

Tumunog na ang bell na naghuhudyat ng lunch break.

"Tara na, girl! Bilis!" Hinatak ako ni Jasmine.

"Ha? Hindi ba lambingan time niyo 'yan ni Rex?" reklamo ko. "Ayokong maging third wheel!"

"'Wag kang mag-alala, hindi ka magiging third wheel!"

Huli na nang malaman ko kung bakit. Kasama pala kasi ni Rex si Drey. Nakaupo kami ngayon sa isang pang-apatang mesa sa canteen.

May dalang libro si Drey at hindi ko maintindihan ang lenguwahe ng pamagat. Tumingin siya sa'kin at nagtama ang mga mata namin. Ngayon ko lang napansin na kulay ginto rin ang kaniyang mga mata tulad ng kay Train. Sobrang ganda ng mga ito, parang kakaibang mga diyamante—tila gusto kong dukutin at gawing singsing.

"Pasensya na guys, ha. Sadyang bookworm lang talaga 'tong si Drey," paliwanag ni Rex.

Natapos na ang lunch break at nagpaalam na kami sa isa't isa. Hindi ko maiwasang tumingin kay Drey, naiintriga kasi ako simula nang malaman ko mula kay Train na isa rin siyang halimaw. At tuwing tumitingin ako sa kaniya, nahuhuli kong nakatingin rin siya sa'kin.

***

Pagkatapos ng huling klase, nagmadali na akong umuwi. Iba na talaga kapag may alaga ka sa bahay, hindi mo magawang pabayaan nang ilang oras.

Medyo nawirduhan ako kasi pagsakay ko sa LRT, nakasabay ko si Drey. Siguro ay nagkataon lang na parehas kami ng nasakyan. Pero nang lumipat na ako sa jeep, nakita kong naroon din si Drey at nakaupo sa dulo. Ano ba 'to, stalker?

Pagkababa ko ay dali-dali akong tumakbo. Natatakot na ako dahil baka may masama siyang balak at lalo na kasi isa siyang halimaw. Nakatingin ako sa likuran habang tumatakbo kaya naman nabangga ako sa isang pader.

"Ano ba, magdahan-dahan ka naman!"

Huh? Bakit nagsasalita ang pader?

Tumingala ako at may nakitang mamang malaki sa harapan ko. Hindi pala pader ang nabunggo ko, dibdib niya pala 'yon! Galit na galit siya at nanlilisik ang mga mata. Oh no, I'm dead!

Hinanda ko ang sarili ko nang pumwesto siyang aatakihin ako. Isasalag ko na sana ang naka-ekis kong mga braso nang bigla siyang bumagsak sa lupa. Pagsilip ko ay may malaking kalmot sa kaniyang likuran.

"Boss! Ayos ka lang?" May dalawang lalaking dumating sa eksena na mukhang mga kaibigan ng nabunggo ko kanina. "Boss!" Lumapit sila sa kaniya at biglang dumapa. "Boss, 'wag mo kaming iwan! Hindi ba sabi mo tayong tatlo hanggang sa dulo ng mundo?"

Habang busy ang mga kumag sa kakahagulgol sa boss nila na feeling ko ay buhay pa naman, umatras na ako at nagsimulang tumakbo.

Biglang may humila sa'kin at tinakpan ang bibig ko mula sa likuran. Lagot, naabutan nila ako!

The next thing I know, someone is carrying me while running at a superhuman speed. Sa sobrang bilis ay umiikot na ang paningin ko at hindi ko na matukoy ang hitsura ng paligid.

Tumigil na ang taong dumampot sa'kin at ibinaba ako sa damuhan.

"Are you okay?"

Dahil nahihilo pa ako, hindi ko agad napansin kung sino siya. Napakurap ako nang ilang beses nang luminaw na ang aking paningin.

"D-Drey?" I gasped. "Bakit mo 'ko dinala rito?"

"Niligtas lang kita mula sa kanila."

After experiencing that ultrafast speed and witnessing that huge scratch on the back, I am now super sure that Drey is indeed a monster like Train.

"Ayos ka na ba?" he asked.

Unti-unti siyang lumalapit sa'kin. Ako naman itong umaatras palayo sa kaniya dahil hindi ko alam ang balak niyang gawin. Kaming dalawa lang ang nasa lugar na 'to kung saan niya ako dinala.

Sa pagmamadali ko ring umatras, natumba ako patalikod at napaupo sa damuhan. Sinalo ng puwit ko ang lahat ng bigat ko. Aray, ang sakit.

Nagtaka ako nang biglang napatigil si Drey sa paglalakad. Suddenly, someone's back is blocking my view.

"Grrr..."

Nakilala ko agad kung kaninong likuran ang nasa harap ko. Nasa gitna ngayon naming dalawa si Train. Nakaporma siya na tila ba prinoprotektahan ako mula kay Drey.

Sinilip ko si Drey at napansing kalmado lang siya. Nakatayo lang doon at inayos ang kaniyang suot na salamin. Samantalang si Train, nanlilisik ang mga mata at nakalabas ang mga pangil.

"Grrr... 'Wag mo siyang subukang lapitan, sa'kin lang siya!" malakas na hiyaw ni Train.

"Raven, ikaw ba ang master ng lalaking 'to?" mahinahong tanong sa'kin ni Drey.

Hindi niya pinansin si Train at hindi rin naman ako nakasagot sa kaniya. Natatakot kasi ako sa hitsura ni Train na tila sasaktan niya si Drey.

"Grrr!" Train kept on growling with rage.

"Don't be too upset, little brother..." said Drey with a smirk.

What the hell? Did he just call Train his little brother?

"Wala akong kinikilalang kuya na katulad mo!" Train barked back.

"Itinatanggi mo ba 'yong katotohanan na magkapatid tayo?" Drey's face showed an evil grin.

Wait, what? Magkapatid sila?

Biglang umihip nang malakas ang hangin. Nakatayo pa rin silang dalawa roon. Habang ako, nakaupo nang hindi maayos sa damuhan. Nasa eksaktong posisyon pa rin ako mula sa pagkakatumba ko kanina.

Train is crouching on the grass and is ready to attack Drey any time, while his brother remains calm and unbothered.

My Sweet Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon