Chapter 8

3.7K 94 58
                                    

"Eto oh!" Sabay abot ko ng ibinigay nya sa akin. Hindi naman sa choosy ako ah, ayaw ko lang kasi na tumanggap ng kahit anong mamahalin na galing sa kanya.

"Why are you giving this back to me?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Kai, masyado kasing mamahalin 'yan 'di ako sanay na may nagreregalo sakin ng ganyan."

"Oh come on, Porshia. Just accept it, you are my girlfriend after all and soon to be my wife." Namula naman ako sa kanyang sinabi. Ayan nanaman si puso ko nangangarera nanaman. Kai can you please stop it?

"Ah basta!" Aniya ko rito sabay talikod sa kanya habang patuloy sa pagpalo ko sa pisngi ko. Nananaginip ba ako? Totoo ba talaga na nandito sa bahay ko si Kai? At totoo ba ang mga naririnig ko sa ugok na ito?

"You're blushing. So, you like sweet talk, huh." Nangaasar na sabi nito sa akin. Diyos ko naman, Kai! Utang na loob tumigil ka na. Lumapit ito sa akin para mahawakan ang magkabilaang braso ko upang mapaharap sa kanya.

Ni-hindi ko man lang magawang tignan siya sa mga mata niya. Nahihiya ako, bakit ganon? Kelan pa nangyari na nahihiya ako sakanya? Ang dami ko na masyadong tanong!

"Porshia..." mahinang tawag nito sa pangalan ko na nagpataas ng aking balahibo. How come it affects me whenever he calls my name? Am I falling in his trap?

Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking mukha para ituon ang aking mga mata sa kanyang mainit at nakakahipnotismong mata.

"Saying I love you is not a words I want to hear from you, your warmth is all I need." Matapos niyang sabihin sa akin iyun ay ang nasunod na paghalik nito sa akin. Kakaiba itong halik sa lahat ng halik na ibinigay niya sa akin. Nakaka-aaddict ito, at ang puso kong ito ang lakas ng kabog. Nakakapanghina na para bang tumakbo ako ng sobrang layo para lang matikman ang mainit na halik niya.

"Please don't ever leave me." Dagdag pa nito matapos niya kong halikan. Tumango naman ako bilang sagot at binigyan ko nalamang siya nang mainit na yakap. Am I starting to like this guy? Kasi kung OO. Hindi na ako tututol pa dahil I guess he deserves to be liked. Habang nakayakap ako sa kanya hindi ko na namamalayan na sobrang napapangiti na ako dito na para bang nakatanggap ako ng tsokolate sa sobrang tuwa.

----

"Goodmorning." Aniya ng lalaking napaniginapan ko kagabi. Teka? Kagabi? Wait! Don't tell me, nandito at nangyari talaga 'yun? Jusko, may pagyakap pa sakin ah! Dahan-dahan ko inialis ang kanyang mabigat na kamay sa pagkakayakap niya sa aking bewang.

"Kai?" Tanong ko rito. Shemay! 'Te 'yung hininga mo! Mamaya ka na magtanong dyan sa lalaki na yan. Mabilis na tumayo ako sa higaan ko at tumungo sa may CR. Upang makapag-toothbrush at makapaghilamos.

Nang makalabas na ko. Nakangiti ito nang malaki sa akin.

"Don't you worry babe I still like you."

"Che!" Aniya ko rito at inaayos nalang ang buhok ko at itinali ito. Baka iniisip nyo may nangyari sa amin ah? FYI sobrang linis ko kagabi dahil natulog lang ako nagulat pa nga ako nung tumabi ito sa akin si Kai. Pinatulog ko kasi siya sa sala, tapos ayun dahil sa antok ko pinabayaan ko nalang na humiga siya sa tabi ko.

Doon ko naalala na may klase pala ako at uuwi na si mama ngayon. Diyos ko! Ano nalang ang sasabihin ni mama? Na nagdala ako ng lalaki sa pamamahay niya?

Mabilis akong tumungo sa may banyo at naligo ng pagkabilis-bilis. Lahat ng mornibg routines ko ginawa ko na. Hanggang sa may naalala ako na si Kai pala nasa loob parin pala ng kwarto ko!

"Kai, magbihis ka na nga d'yan. Uuwi na si mama. Baka maabutan ka pa non dito." Aniya ko rito at kinuha ang uniporme ko para masuot ito. Syempre doon ako sa loob ng CR nagbihis kasi ayoko naman na magbihis sa harapan nito.

"KAI!" Sigaw ko rito. Sumilip ako ng bahgya sa may pintuan at para malaman kung ano na ang ginagawa ng mokong yon.

At tignan mo nga naman ito. Aba! Hanggang ngayon kasi nakahiga parin s'ya.

Lumapit ako sa natutulog niyang diwa. Mukhang napatagal ata yung pagaayos ko dahilan para makatulog ulit to. Siguro napagod to sa pakikipagaway? Hays. Sana palagi nalang siyang tulog. Ang inosente at gwapo niya kasi tignan alam nyo yung parang di nakakasawa na titigan. Napangiti ako bigla sa nakikita ko. Siguro hindi ko na muna gigising ito. Tama! Maghahain nalang muna ako ng almusal. Papa-late nalang siguro ako.

Tumungo ako sa may kusina at nagluto ng hotdog at ininit din ang adobo na ulam namin kagabi at syempre di mawawala dyan ang kanin kaya nagsaing na din ako.

"Oh gising ka na pala. Umupo ka na dyan para makapagalmusal na tayo." Aniya ko kay Kai habang nagkakamot ng ulo na para bang bagong gising na bata. Ang cute talaga! Huh? Ano ba tong pinagsasabi mo Porshia.

Umupo naman ito at tinignan lang ako.

"May problema ka ba? Baka kasi matunaw ako kakatitig mo dyan." Natatawa kong sabi dito.

"Aren't you going to school?" Tanong nito sa akin at kinuha ang tinidor na nasa harapan niya. Umupo ako sa may upuan, kaya ngayon ay magkaharap na kami.

"Papasok ako kaso late nga lang." Sabi ko rito at nilagyan ng konting kanin ang plato niya. Syempre aasikasuhin ko to dahil bisita ko 'to. Atsaka alam kong marami tong maids na nagaasikaso sa kanya. "Okay na ba yan?" Tanong ko nang malagyan na ng kanin ang plato niya. Tumango naman ito bilang sagot at pinagmasdan lang ang mga sunod kong ginawa.

Tumayo ako at kumuha ng gatas sa may ref. at kumuha ng baso para malagyan ito.

Matapos kong malagyan ang dalawang baso, inilagay ko ito sa harapan ni Kai.

"Kain ka lang dyan ah?" Nakangiti kong aniya dito.

"You're beautiful." Saad naman nito sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

Pero deep inside mga beh. Kinikilig na ko sa mga tinginan palang nito sa akin.

"Kai, may halloween party pala kami next week. Baka gusto mo sumama?" Aniya ko rito. Wala naman na kong choice kung hindi ang alukin sya dahil alam ko naman magagalit to kapag si Ano pa yung ayain ko.

"I'll look for it if I wasnt busy during that time. "

"Huh? Bakit ayaw mo ba ako samahan?" Tanong ko rito. Hindi naman ito sumagot. "Okay lang si Mark nalang aayain ko." Dagdag ko pa. Hindi naman sya kawalan no. Atsaka I think Mark will ask me to be his date.

"No!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Kai sa harapan ko. Kaya naman napatigil ako sa pagkain ng hotdog. Ang OA mo naman mag-NO.

"I am coming with you." Nahihiya pang aniya nito sa akin.

"Yun naman pala. Okay, everything is settled now." Nakangiti kong aniya.

****
Hi gorgeous! Next update will be soon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Gang LeaderWhere stories live. Discover now