Chapter 5

3.1K 68 0
                                    

"Aray ah? Ang sakit mo manghila." Pagtataray ko rito nang mapatigil kami sa labas ng school. Tumigil kami sa black-bmw na sportcar nito. Ang yabang talaga kahit kelan. Hindi nito pinansin ang pagrereklamo ko at pumasok nalang bigla sa loob ng sasakyan niya. Sa sobrang gentleman niya 'di man lang niya inisip na pagbuksan ako nito ng pintuan. Kaya naman padabog akong pumasok. Sabagay ako pa bang aasahan ko kay Kai?

"Seatbelt." Pagkasabi niya nun bigla nalang niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan ng walang pasintabi. Kaya naman mabilis akong nagseatbelt.

"Kai sa susunod nga magpakagentleman ka naman." Mataray kong anya rito. Nakakainis kasi.

"So who is that guy?" Tanong nito sa akin. Guy? Sino nanaman ba ang pinagsasabi nito? Ah oo baka si Mark.

"Ah si Mark. Wala, kaibigan ko." Nakangiting sagot ko rito para kasing magbabago ang mood ko sa tuwing naalala ko ang mukha ni Mark. Kinikilig ang lola niyo!

"Ditch him." Utos nito sa akin.

"Are you crazy? Hindi naman nanliligaw 'yun sa akin. " Nantaas ang kaliwa kong kilay sa kanyang sinabi. Ditch him? As if naman nanliligaw si Mark sa akin atsaka bakit ba siya nangingielam?

"I don't like him. Ayokong makita ulit na kasama mo siya." Ma-awtoridad nitong utos sa akin.

"At ano naman kung kasama ko siya?" Mataray na sagot ko rito ngayon ay tinuon ko na ang atensyon ko sa kanya habang nagda-drive.

"I'll kill him." Maikling sagot nito. Kahit na hindi siya mukhang seryoso nakaramdam ako ng kaba.

"Oo na nga, hindi na lalapitan o kakausapin. Happy na?" Pagmumukmok ko rito. Hays, sorry Mark kung lalayuan muna kita ah? Balang araw ikaw naman ang palagi kong makakasama.

"You're so childish." At ako pa itong childish ah? Siya nga 'tong mas isip bata.

"Ano? Ikaw nga 'tong---" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na lamang kumulo ang aking tiyan na para bang kumakanta na ito sa sobrang gutom.

"Do you have any favorite restaurant?" Tanong nito sa akin.

"Ang shala mo naman restaurant talaga?" Hindi ko alam pero bigla napangiti ako ng tanungin niya kung may favorite ba akong restaurant.

"My treat." Mas lalo akong napangiti ng sabihin niyang libre niya.

"Yieee talaga? Kahit wag na mag restaurant, pwede jabe nalang tayo?" Nakangiti kong anya rito. Libre 'to kaya masaya ako. Sino ba ang ayaw nagpaplibre diba?

"Huh? Jabe?" Nagiisip pa nitong anya sa akin na para bang walang ideya sa aking sinabi.

"Jollibee. Eto naman jabe lang 'di mo pa alam." Mas lalo akong natawa lalo na nang napagalamanan kong hindi niya alam ang jabe. Hindi na ako nito pinansin sa aking pagtawa at nagpatuloy lang ulit sa pagdadrive. Napapangiti nalang talaga ako sa tuwa. (Author: Hindi ako indorser ng jollibee ah? I just want to be more realistic as much as I can.)

Yes! Jollibee here I come! Pumasok na kaming dalawa sa loob ng Jollibee at umupo sa bakanteng lamesa mabuti nalang hindi na namin kailangan pumunta sa 2nd floor kasi may kakaalis lang na magjowa rin. Tinawag ko ang isa sa mga service-crew rito at pinalinis ko ang lamesa at nang matapos na siya sa paglilinis umupo na kaming dalawa.

"How can we order?" Tanong nito sa akin na nagpataas ng aking kilay.

"Seryoso ka?" Tanong na sagot ko rito.

"I'm serious I never been here." Napangiti ako sa kanyang sinabi na never siyang nakapunta rito. Sa dinami rami ng kainan na pwede mong mamiss bakit jollibee pa?

"Ako na ang oorder. Dito ka nalang baka mawalan tayo ng upuan. " alok ko rito. Minsan kasi kapag tumayo ka lang para kumuha ng spoon and fork magugulat ka nalang bigla na wala nalang bigla yung upuan mo. Napakadesiplinado kasi ng mga pilipino. Inabot naman niya ang kanyang credit card at tumungo na ako sa cashier.

Matapos kong makapag-order bumalik na ako sa aming pwesto at binalik na rin ang credit card niya. Ang sosyal no? Naka-card pa siya. Mahaba ang pila kaya medyo napatagal ako sa pagorder.

"Bakit ang hilig mong mag-English?" Tanong ko rito. Napapansin ko kasi madalas itong magenglish. Siya lang yung adik at gangster na maypakaconyo.

"I was born in US that's why." Maangas na sagot nito sa akin.

"Pero marunong ka magpurong tagalog?" Tanong ko ulit sa kanya. Making conversation lang.

"Yes. I love filipino language."

"Kai, diba mayaman ka bakit palagi kang nakatambay sa kanto?" Tanong ko ulit rito. Gusto ko lang kasi malaman ang dahilan it's very rare na may tambay na mayaman.

"It just started when the first time I saw you." Ano raw?

"Teka?--"

"Ate bili po kayo ng sampaguita, pang baon ko lang po." Naputol ang gusto kong tanong ng pagbentahan akong ng batang ito na mukhang 7 years old.

"Magkano ba 'yan be?" Tanong ko rito. Dahil naawa na rin ako. Hindi talaga maiiwasan na walang nagtitinda ng sampaguita sa mga fast food chain na kagaya nito atsaka isa pa naalala ko nung bata ako nagtinda rin ako ng sampaguita sa simbahan at bibingka. Mahirap na trabaho pero at least malinis na gawain.

"Bente lang po."

"Osige bibili ako. Magaral ka ng maigi ah?" Kumuha ako ng twenty pesos sa aking bag at binigay ang 20. Tumango naman ang bata at umalis na matapos mabigay ang sampaguita. Nang mapagtanto kong nakatingin si Kai sa akin ningitian ko nalang ito. Mabuti sakto rin ang pagdating ng order namin. Makakakain na rin ako. Yehey!

Marami-rami rin ang inorder namin. Sa totoo lang pinagmatyagan ko ng maiigi si Kai at mukhang mabait naman ito. Napansin ko ring hindi maarte 'to pagdating sa pagkain. Kaya naman napapangiti talaga ako. Ang unang pumasok kasi talaga sa isip ko ng makapasok kami rito baka hindi niya magustuhan o maginarte siya pero seryoso napakaflexible niyang tao. At mukhang nagustuhan rin niya ang chicken dito.

Matapos ang ilang minuto natapos na rin kaming kumain at napagdesisyunan na umalis na. Ubos ang pagkain. Walang tira, ang lakas ko kayang kumain.

Kung kanina hindi ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan ni Kai ngayon ay gentleman na ito. Epekto ba ito ng pagkain sa jollibee?

"Salamat." Nakangiti kong anya rito at pumasok sa loob.

The Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon