Chapter 7

2.9K 72 14
                                    

*knock *knock *knock

Ano ba naman 'yan? Mag-12 na ng hating gabi may nangiistorbo pa?! Jusko! Ang sarap-sarap ng pinapanood ko tapos may mang-gugulo lang? Anong lasa? Syempre malamang masarap lang siya mata. Mga gunggong! Hindi na nga ako makatulog dahil sa sinabi sakin ni Kai kanina tapos ito nanonood na lang ako tapos may manggulo pa?

Wait a minute. Anong oras na tapos may kumakatok pa?

Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi magisip ng kung anu-ano tapos nanonood pa ko ng horror movie sa may TV ng sala. Award talaga.

Dahan-dahan akong pumunta sa may pintuan at sinilip ng bahagya sa may maliit na butas sa gilid ng pintuan namin. Luma na kasi 'tong bahay namin kaya 'di maiiwasan ang mga maliliit na butas na para sa mga ipis. Hindi ko maaninag masyado ang nasa labas pero mukhang lalaki ito. Agad na kinuha ko ang walis tambo sa may gilid ng pintuan. Akala mo makakai-score ka sakin? Gunggong!

*knock *knock *knock

Pagkatok pa nito ng mabilis na nagpatalon sa akin.

"Porshia..." tawag nito sa mula sa labas. Teka pamilyar ang boses na 'yun sa akin ah?

Mabilis na binuksan ko ang pintuan at laking gulat ko nang makita ko siya. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko! Kumalma ka nga muna.

"Kai... a-anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya ng mapansin kong may pasa at konting dugo siya sa may gilid ng labi niya. 'Yung labi niyang yummy nasugatan. Hala. Yummy ba 'yung nasabi ko?

"Tara... pumasok ka muna." Inalalayan ko siya papasok ng bahay namin at pinaupo sa may sofa. Hanggang ngayon hindi parin ito nagsasalita at nakatingin lang sa akin.

"Ano ba kasing ginawa mo? Bakit ka ba nakipagaway?" Tanong ko rito na may pagaalala. Natatakot kasi ako. Baka mamaya sinundan pala ito tapos pati ako madamay. Although wala namang issue sakin 'yun pero kasi naaawa ako sa kanya.

"Sandali kukuha lang ako ng yelo." Papaalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko na nagpatigil sa akin. Kaya naman napatingin ako sa kanya.

Hinila niya ang kamay ko dahilan para mapaupo muli ako sa sofa na pinagkakaupuan ko kanina at mabilis akong niyakap ni Kai na napaka-higpit.

My heart... dug dug dug dug.

"Kai..." tawag ko rito at pilit na inilalayo sya. Dahil 'tong puso ko at hindi nanaman natigil sa kakasayaw.

"Please stay..." anya nito sa akin kaya naman tumigil ako sa pagpupumiglas.

Kaya naman hindi na ako nagpumiglas pa at pinabayaan nalang siya sa pagyakap niya sa akin. 'Tong amoy na ito ang lakas ng dating sa aking, kaya etong puso ko para nanamang sumasayaw. Ano ba puso? Nasa bar ka ba? Tapos itong kuryente sa bawat hawak niya sa kin. Hindi ko na kakayanin! Huhu.


Mga ilang minuto din ang yakapang ganap namin dalawa ng humiwalay na ko.

"San ka nanaman ba nanggaling?" Tanong ko rito. Pero imbis na sagutin nito ang tanong ko, cool siyang humiga sa aking legs. Syempre nakaupo naman na ko sa may sofa namin kaya pwede niyang gawing unan 'tong sexy legs ko.

"So... you like this kind of movie." Anya nito sakin habang nakatingin sa may TV. Tingnan mo nga 'to mas inuna pa ang panonood kesa sa paggamot ko sa pasa at sugat nito.

"Oo. Favorite ko 'yang Evil Dead. Actually lahat na ata ng horror movies napanood ko na."

"Ikaw anong genre hilig mo?" Tanong ko rito.

"I like romance." Sagot naman nito na nagpagulat sakin.

"Aw ang sweet naman--" hindi ko pa natatapos ang sunod kong sasabihin ng putulin nya ko.

"The erotic one." Nakatingin nitong sabi sakin na may pagkamanyak habang nakatingin lang sa akin.

Kaya naman automatic kong nasampal 'tong mukha niya.

"Manyak!"

"Ouch! Why did you do that?" Mukhang napalakas ata ang pagsampal ko kaya nagreact si bhozx mapagm4hal at dahilan para mapatayo siya sa pagkakahiga sa akin.

"Sorry. Ikaw kasi napaka-ano mo." Naka-pout kong sabi. "Gamutin na nga natin 'yan. Kunwari ka pang 'di masakit if I know namimilipit ka na dyan sa sobrang sakit." Natatawa kong dagdag.

Kumuha na ko ng yelo at towel kahit mahirap kami may yelo kami 'no! Anyway nung nakuha ko na ang mga kakailanganin ko para sa mukha este para sa sugat ni Kai dumiretso na agad ako sa kanya na prenteng nakaupo, ngayon ko lang din napansin na kanina pa siya nakatingin sakin.

Umupo ako sa tabi niya at sabay sabing "oh 'wag kang malikot mas masakit 'to pag naglikot ka dyan."

"I am used to it."

"I am used to it." Pag-gagaya ko sa kanya habang inilalagay ko ang yelo sa kinuha kong towel.

"Stop mimicking me or else..." medyo asar niyang sabi sakin.

"Or else?" Matapang na sagot ko naman.

"Or else we will end up in your bed." Seryosong anya nito.

"Seryoso ka naman masyado." Well natakot lang naman din ako sa banta niya dahil kilala ko tong mokong na 'to. Pag sinabi niya gagawin niya talaga.

"I am always serious when it comes to my babe." Medyo may diin talaga yung 'babe na sinasabi niya para mapansin ko yun. Alam niyo naman si bebe kai mahilig magpapansin sakin ever since. Wait... bebe? Ew.

"Babe ka dyan." Pagtataray ko pero deep inside kinilig din itong kepyas ko ah.

"You're blushing, babe." Pangaasar nito sabay hawak sa ilong ko. Alam nyo yun? Parang pingot siya pero in a sweet way.

"Stop it, babe!" Anya ko sa kanya. Paano kasi di na natigil sa pangaasar sakin. "Wait babe?... Ah! Nakakainis ka talaga." Pati rin kasi ako nadadala sa mga pinagsasabi nya.

Natawa naman siya sa sinabi kaya naman napatigil ako sa pagpalo sa kanya.

"Ang cute mo pala pagtumatawa ka. " pagpupuri ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi nakitang masaya si Kai.

Ewan ko ba bakit sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko syang nakangiti. Sana palagi nalang syang nakangiti para pati ako napapangiti rin.

Pero mukhang mali atang sabihan siya nang cute dahil bigla nalang dumapo ang labi nito sa akin. Ayan nanaman siya sa manyak mode niya. Nakakainis!

Para kaming nanlalaban sa mga halik na ibinibigay niya sa akin kasabay noon ang paglakbay naman ng malilikot nitong kamay sa aking katawan. Nang iinit nanaman ang aking katawan! Ah!

Nagpatuloy lang ang aming paghahalikan hanggang sa nabagsak ko nalang bigla ang towel na may yelo dahilan para magbigay ito ng malakas na ingay. Doon lang ako natauhan at naalala kong nasa bahay ako nang nanay ko.

"This is the guy you're calling cute." Anya nito sa akin na may  pangaasar. Napatingin ako sa aking katawan na natanggal na pala ang aking pangitaas.

"What the f--" tinakpan ko agad ang aking bibig upang walang masamang salita ang lumabas sa aking bibig.

Mabilis na tumayo ako sa aking pwesto at lumayo sa kanya bago pa mangyari ang di dapat mangyari sa loob na bahay ng nanay ko. May respeto parin naman ako 'no.

"What?... Aren't you horny, babe?---"

"Hep hep oyyy. Dyan ka lang!" Natataranta kong sigaw sa kanya papaano kasi bawat salita niya ay ang paghakbang nito patungo sa aking pwesto.

Nasita ko naman siya sa aking banta kaya naman tumigil ito sa pagpunta sa akin.

"D'yn ka lang may ibibigay ako." Mabilis na dagdag ko para naman mawala na sa isip niya yung kung ano man ang iniisip niya.

Naalala ko rin kasi na may ibibigay ako sa kanya.



****
Bitin....?

Hi guys! Next update is tomorrow. Stay tuned. ❤

The Gang LeaderWhere stories live. Discover now