Chapter 4

3.6K 73 0
                                    



"Hey, are you okay?" Tanong niya sa akin mula sa likuran ng pintuan. Hindi ko siya sinagot mula sa pagkakatanong niya at nagpatuloy lang sa pagiisip. Ano ba 'tong napasok ko? Kahit anong gawin ko, hindi ko maisip na mapapasok ako sa ganitong sitwasyon.


*Knock *knock *knock padabog niyang pagkatok.

"Ah, okay lang ako!" Na-uutal kong anya sa kanya. Matapos kong magmuni-muni sa banyo, napagdesisyunan ko na ring lumabas at nang makalabas ako, kitang-kita ko kaagad ang matipunong pangangatawaan niya.

Ngayon ay naka-upo na ito sa kanyang malaking kama. Nang mapatingin siya sa aking direksyon, agad kong tiningin ang aking atensyon sa iba.

Hindi ko nalamang ininda ang pagsubaybay niya sa akin. Ang creepy kaya! Atsaka isa pa, nakakailang lang. Agad kong kinuha ang aking damit at sinuot iyun. Stop muna sa SPG. Kailangan kong matulog at dahil may pasok pa ko bukas.

Inayos ko ang posisyon ko at kinumutan ko ang aking katawan dahil baka pagmanyakan nanaman ako nitong satanas na kasama ko. Dahil na rin sa pagod at pagiisip ko nang kung ano-anu nagsimula nang pumikit ang mabigat kong talukap ng mata.





****

"Umamin ka nga sakin, ano bang meron sainyo ni Kai?" Walang kamuang-muang na tanong sa akin ni Hannah. Bigla akong nabulunan sa iniinom kong tubig nang bigla nalang niya itong natanong. Ano ba itong friend ko, masyadong nangbibigla.

"Oh, ayan nabubulunan ka kasi may tinatago ka sa akin." Dagdag pa niya dahilan para maibuga ko na talaga itong iniinom ko, pero syempre joke lang 'yun, pinunasan ko ang aking bibig at malalim pa sa dagat kung huminga ng pagkahaba.

"Wala akong tinatago." Maikli kong sagot at nagpatuloy lang sa aking ginagawa. Hindi ako sanay magsinungaling pero duh mas maganda na ako lang ang makakaalam kung ano man ang meron sa amin ni Kai. Sobrang personal na kaya nun.

"Natanong ko lang, dahil napapadalas ata ang pagsama mo dun." Nagiisip niyang anya sa akin. "Sabagay nanliligaw pala 'yun sayo kaya normal lang talaga na kilalanin mo siya." Ang daldal talaga kahit kelan. Kung alam lang talaga niya na wala naman akong balak kilalanin si Kai.

"Alam mo, kung ako sayo. Magreview ka nalang." Pakiramdam ko kasi hinuhuli lang ako nito para magkwento pa ko.

"May tinatago ka lang kaya iniiba mo ang usapan. Basta beshy magingat ka dun ah." Paalala nanaman niya sakin, nagiingat naman ako sadyang pinagplanuhan lang talaga niyang sirain ang tahimik kong buhay.

Hindi ko nalamang pinansin ang kanyang sinabi pero sa totoo lang napapaisip rin kasi ako ng maiigi. Kung maari habang maaga pa kailangan ko nang tumakas sa bangungot na ito ang kaso ay hindi ko alam kung papaano.

"Guys announcement!" Sigaw ng president namin sa may harapan kaya naman lahat kami ay itinuon ang atensyon sa kanya. "Sa October 25, gaganapin ang holloween party, you have to bring your partner at pupwede rin magdala kayo ng mga jowa niyo kung wala kayong partner. We are required to bring our partners."

"'Yon! Pres kahit outsider pwede?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Kakasabi ko lang pwede." Matapos niya iyun sabihin lahat kami ay nagkanya-kanyang buhay. 'Yung iba kinikilig, dadalhin daw nila bf nila mga ganon na usapan. "Anyway sabi pala ni Sir sa gymnasium tayo ngayon." Dagdag pa niya.

Matapos niyang mag-announce Napatingin ka agad ako kay Hannah. Wala namang sinabi na lalaki sa babae kaya siguro pwede kung mag bestfriend diba?

"Beshy..." pagtawag ko rito.

"Sorry beshy, niyaya na ko ni Mike."

"Huh? Pe-pero..." bigla akong nanlumo sa kanyang sinabi, kami ang mag bestfriend tapos iiwan nalang niya ako? Atsaka ilang buwan palang 'yan nanliligaw si Mike sa kanya ah?

The Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon