Chapter 1

6.1K 106 8
                                    



Prologue

Hindi ko naman talaga siya gustong ipahiya at bastusin eh. Hindi ko lang talaga kayang araw-araw sa buhay ko na makita ang mayayabang na kagaya nila. Hindi ko rin gusto na mapunta sa ganitong sitwasyon at mas lalong hindi ko ginusto na maging maganda para mapansin ako. I just want a peaceful life... That I think that will never be happened.






****

Naglalakad na ako pauwi sa bahay namin. Hays! Nakakapagod. Grabe ang dami kong ginawa sa school. Sana kasi hindi nalang ako naging star section nakikipagsapalaran tuloy ako. Tsk!

Nako, eto nanaman dadaan nanaman ako sa lugar ng mga gangster. Bakit kasi dito pa kasi sila natambay? Nakakaabala na sila ah! Palaging may riot may away. Ano pa bang bago sa buhay ng gangster?

Sana lang talaga hindi nila ako mapansin ayoko kasi ng nilalapitan ako ng lalaki. Please!

"Boss, si Porshia oh!" Sigaw ng isa sa mga lalaki. Nakakainis ayoko pa naman sa lahat yung mapansin tapos wow ha! Kung banggitin ang pangalan ko akala mo kilala ko talaga sila.

Napatigil ako ng banggitin ng lalaki ang pangalan ko. At ng makita ko si Kai na sinasabi nilang boss na lumabas habang nagyoyosi ay tumalikod na kaagad ako. Hindi nalang ako dadaan dito. Ayoko ng gulo.

Ilang linggo na nila akong ginugulo lalo na yang si Kai pati sa school pinupuntahan pa ako. Wala na atang araw na hindi ko siya nakikita. At alam niyo ba parang stalker siya sabi pa nga ng mga classmate ko kapag may lumalapit saking lalaki bubugbugin kaagad niya. Masyado siyang obsessed. Minsan nakakatakot na rin.

"Hey, Porshia!" Rinig kong sigaw niya ng pangalan ko. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Binilisan ko talaga ang paglalakad ko para hindi niya ko maabutan.

Pero nagulat ako ng may humawak sa kamay ko kaya naman dito na ako nagatubilang lumingon. Alam ko naman si Kai lang naman 'to.

"Tinatawag kita. What's the problem?" Tanong sakin nito na may pagkairita sa mukha at talagang siya pa ang naiirita ah?

Ano nga bang problema ko? Wait... Ah! oo siya ang problema ko ayoko na silang makita.

"I'm talking to you." Dagdag pa niya tinititigan lang kasi ako nito. Napansin niya sigurong hindi ako nasagot. Okay great! Nagsilapitan na din ang mga dakila niyang alipin. Paano ba naman kasi palaging nakabuntot sa kanya. Parang mga asong ul*l. Ew.

"Pwede ba huwag mo na kong lalapitan, kakausapin, o di kaya pupuntahan sa may school? Alam mo bang ayoko ng ganon. Hindi tayo magkaibigan at lalong lalo hindi tayo mag nobyo kaya huwag kang umarte na parang tayo kasi hindi naman naging tayo at hinding hindi mangyayari 'yun." Sunod-sunod kong sabi sa kanya. Hinaltak ko na yung kamay ko para bitawan niya ko. Buong lakas kong hinila iyun at kumuha ako ng lakas loob sa kalamnan ko para masabi lang 'yon.

"Atsaka isa pa. Huwag mo ng balaking ligawan ako dahil alam mo naman ang sagot, diba? I hate bad boys especially you." Dagdag ko pa. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagkaasar. Oo, tama maasar ka. Parang napangiti nalang agad ang aking isipan ng makita ang reaksyon ng kanyang mukha.

Tsk! Maiwan na nga kayo diyan. Sa totoo lang ayoko sa mga bad boys na kagaya niyo. Masama man sabihin pero ako na mismo ang magsasabi kung bakit mga walang utak, manloloko, babaero, basagulero. 'Yan lang naman ang mga nakikita ko sa pagiging gangster nila. Alam kong masama mang judge pero kung ganon ang pinapakita nila abay, ijujudge ko talaga sila.

Ang balita ko mayaman naman daw si Kai Feign Richard pero duh! So ew. Walang pangarap sa buhay ayoko ng ganon.






The Gang LeaderWhere stories live. Discover now