Chapter 3

4.4K 82 2
                                    


Please support and read my new story, entitled "Shaya" para ganahan akong magupdate.


****

"Oh, Porshia, kamusta ilang linggo ka ring hindi napasok ah?" Nakangiting tanong nito sa akin, totoo ba 'to? Si Mark na ultimate crush ko kinakausap ako? Matagal ko nang crush si Mark pero never pa kaming nakapagusap atsaka ano raw? Kamusta ako? Atsaka papaano niya nalaman na isang linggo akong hindi nagpapasok?

Hindi ko nasagot ang kanyang tanong dahil sa nagulat talaga ako sa kanya.

"Pa-paano mo nalaman na hindi na ako nagpapasok?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang malaki kong ngiti sa kanya.

"Ah eh... hindi na kasi kita nakikita." Nahihiya niyang saad at napakamot sa kanyang ulo. Napangiti ako ng pagkalaki-laki sa ginawa. Ang cute talaga niya! Atsaka ibig sabihin palagi niya ako sinusubaybayan. Omg! Totoo ba talaga 'to?

"Nagkasakit kasi ako kaya ganon..." pagdadahilan ko, alangan namang sabihin kong ginahasa ako ng gangster sa kanto, diba? Isipin pa nito na cheap akong babae.

"Ganon ba, ayos ka na ba?" Tumingin naman ako sa katawan ko at sabay sabing.

"Okay naman ako."

"Kung gusto mo ihahatid na kita para hindi ka mabinat." Oh come on, why so sweet, Mark? Parang napatalon ang aking puso ng marinig kong ihahatid ako nito atsaka 'yung sa kotse niya? Sasakay kami doon, na kaming dalawa lang? Bakit ba napakaswerte ko! Juskoooo. "Ano? Is it okay?" Dagdag pa nito. Hindi ko napansin na tinatanong pala ako nito dahil sa sobrang kinikilig talaga ako. Atsaka nagdaday-dream pa ko, isipin mo kaming dalawa lang sa kotse niya. Isang Mark na crush mo na saksakan ng kagwapuhan.

"Sure." Binigyan ko siya nang pagkatamis-tamis na ngiti at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Kailangan ko kumalma dahil baka makapansin 'tong kinikilig ako.

Papalabas na sana kami ng school nang mahagip ng aking mata si Kai na nagaabang sa labas ng school namin, gamit ang kanyang mamahaling motor. Ngayon ko lang napagtanto na susunduin pala ako nitong Kai na 'to! Ano ba yan?! Nakakainis. Kaya naman bigla na lamang ako napatago mula sa likuran ni Mark.

"Anong problema?" Nagtatakang anya nito sa akin. Baka makita kami ni Kai. Malalagot talaga ako sa adik na 'to.

Napansin kong nakaprente pa itong nakaupo sa may motor niya habang nagyoyosi kasama ang mga kampo ng mga demonyo. 'Di ko naman ikinaiila ang kagwapuhan niya pero duh! Ew! Ayoko talaga sa mga adik at mga feeling cool. Kung hindi ko talaga kailangan 'tong si Kai at ang ginawa nito sa akin. Tiyak na hindi ko ito papansinin. Sabihin niyo nang user pero ano pa ba ang magagawa ko?

"Ah, wala naman, sige diretso lang." natawa naman si Mark sa ginawa ko at nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang nasa likuran lang niya ako.

Nang mapadaan kami kay Kai, laking pasasalamat ko nang hindi niya kami mapansin dahil na din maraming kababaihang ang tumungo sa kanya.

"Porshia!" Sigaw ng pamilyar na boses mula sa akin likuran. Bakit ngayon mo pa ako tinawag? Wrong-timing ka talaga Hannah! Parang namilipit na lamang bigla ang aking paa sa kahihiyan.

Lumingon ako para tignan si Hannah at eto na nga si Kai, napatingin na rin sa akin. 'Yung feeling na makakaalis na ako?

Napansin kong ang sama ng tingin nito sa akin, dahil sa nakita niyang may kasama akong lalaki. Kaya naman pa-cool itong umalis sa kanyang pwesto at lumapit sa akin, kasama ang kanyang alalay. Pati si Hannah pumunta na rin sa akin at hinawakan ako sa may braso.

"Nakakainis ka! Wrong-timing ka." Bulong ko ng mahina rito, pero mukhang mas natakot pa ito kay Kai.

"Hiding from me?" Medyo galit na tanong ni Kai sa akin at itinapon ang kanyang yosi sabay tapak nito para mawala ang usok. Oh no! Napapalo nalang talaga ako sa noo, dahil sa napakaepic-fail talaga nito.

The Gang LeaderWhere stories live. Discover now