Chapter 28: Crazy

802 20 2
                                    

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang kwartong pink. Nasa kwarto ako ng isang babae.

Maya maya, na realize ko na naka gapos ako sa upuan na may gulong. Pinilit kong sumigaw pero walang taong nakakarinig sakin.

"Hi" sabi ng isang boses.

Pag lingon ko, nakita ko si Zachary.

"I warned you." Sabi niya. Sinundan ko siya ng tingin.

"Ano bang problema mo?! Pakawalan mo ko dito!" Sabi ko sakanya.

" Not a chance, hadlang ka samin ni Jake. Anyway, breakfast." Sabi niya at binubos sakin ang gatas na may cereal.

"Nababaliw ka na! Pwede kang makulong sa ginagawa mo Zachary."

"No one's gonna find you here." Sabi niya at ngumiti bago umalis.

Pinilit kong magpakawala pero wala talaga. Hindi umuubra kaya i gave up and just prayed na this is all just a dream.

Maya maya, bumalik siya sa kwarto na may dala dalang baseball bat. Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya?!

*Black out*

~

Jake's P.O.V.

Habang inaantay ko si Cia na matapos ang trabaho niya, nag muni muni muna ako at pinagmasdan siya.

Nag usap sila ni Cap. Dinig ko naman ang boses nilang dalawa dahil malapit lang ako sakanila.

"Kamusta exam?" Tanong ni Cap.

"Ayos naman, di lang ako maka concentrate ng maayos." Sabi niya.

"Bakit naman?"

"Nung mga naka raan kasing araw, may mga weird na nangyare. Una may patay na daga sa locker ko tapos nung nakaraang araw lang may nag bigay sakin ng patay na itim na pusa sa isang box. Ewan ko ba kung nan ttrip or coincidence lang." sabi niya. Napakunot ang noo ko. Ba't hindi ko yun alam at ba't hindi niya yun sinasabi sakin?

"Nasabi mo na ba yan kay Jake?" Tanong ni Cap.

"Hindi, ayoko mag alala siya." Sabi niya. Huminga ako ng malalim.

"Sabihin mo sakanya." Sabi niya.

"Hayy... sige."

Nang natapos ang trabaho niya, sumakay na siya sa motor ko at nagpaalam na kami kay Cap at Ash.

"Manang, Ano pinag usapan niyo ni Shin?" Tanong ko sakanya. Kahit alam ko naman kung ano.

"Wala" sabi niya. Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya.

"Ba't siya nakaka kwentuhan mo ng ganon kahaba ako hindi?" Sabi ko.

"May tinanong lang ako sakanya about sa exam. Masyado kang oa." Sabi niya tapos tumawa ng kaunti.

"Tsssss . Wag ka masyado lalapit dun mamaya makitaan ko nanaman na may chikinini ka sa leeg." Sabi ko sakanya. Ayoko lang ipahalata na chumichismis ako sakanya.

"Baliw ka ba? May girlfriend na yun."

"Iba ang mundo ng mga fuck boy."

"Bakit fuck boy ka rin naman ah." Sabi niya. Hindi ko makita ang mukha niya pero i can imagine her pouting by the tune of her voice

"Dati yun." Sabi ko.

" Weh ako nga last victim mo eh." Sabi niya. Tinigil ko ang motor at bumaba para harapin siya. Seryoso bang ganon ang iniisip niya?

"I love you" sabi ko nalang at hinalikan siya sa labi. Agad akong tumalikod para itago ang kahihiyan.

~

Matutulog na sana ako nang bigla nag ring ang phone ko.

Si Tita

"Hello po?" Tanong ko. Ba't naman kaya siya tatawag ng gantong oras?

"Sabihan mo si Cia umuwi na siya." Inis na sabi ni tita. Oo nga pala last time napagalitan si Cia kasi diba nakatulog siya samin after sex.

"wala po siya dito tita sigurado po ba kayong di pa nakaka uwi? Hinatid ko po siya dyan sainyo kanina." Nag aalalang sabi ko.

"Wala" nag aalalang sabi ni tita.

"Pupuntahan ko po kayo dyan" sabi ko kay tita.

Mag aala una na ng umaga. Saan naman kaya mapupunta si Cia? Andaming pumapasok sa isipan ko pero mas pinili ko nalang na mag focus sa paghahanap sakanya.

"Jake! Saan naman kaya pupunta yun? Hindi naman yun lumalabas ng ganitong oras." Naiiyak na sabi ni tita.

Maya maya, nahagip ng tingin ko ang coupon bond na nasa sahig. Pinulot ko ito at nakita ang sulat. Tiningnan ko kaagad ang ang mail box nila at nakita itong bukas. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at sa takot. Biglang bumalik sa isip ko ang mga threats na na tanggap niya nung nakaraan. May kinalaman kaya yun sa nangyayare ngayon?

Iniabot ko kay tita ang sulat at nag desisyon na kami na magpa police station. Ilang beses ko inulit ulit sa utak ko na sana walang nangyaring masama sakanya.

"May ka kilala ka bang may galit sa kanya? O nakaaway niya noong mga nakaraan?"Tanong ng pulis.

Nag isip ako kung meron at ang unang pumasok sa isipan ko ay walang iba kundi si Zachary. Gagawin niya talaga ang lahat para lang makuha ako at mapaalis si Cia sa buhay ko.

Nalaman niya bang dinelete ko na sa phone niya yung picture? Bigla nalang kasi ako naglaho na parang bula nang matapos yung misyon ko.

Kaya ba napaka payapa ng nakaraan dahil may pinaplano siyang masama?

"Marami po nambubully sa anak ko. Kaya... baka isa sakanila" sabi ni tita.

"Sige po, maghihintay muna tayo nag 24 hrs bago i declare siya na missing mrs."

"24hrs?! Pano kung patay na ang anak ko?!" Galit na sabi ni tita. Nakipag diskusyon siya sa pulis. Hinayaan ko muna sila doon na mag usap. Tumayo ako at dinial ang number ni Cap. Nakailang tawag ako bago niya ito sinagot.

"Hello? Sino to?" Iritadong sabi niya. Halatang bagong gising.

"Cap. Hihingi sana ako ng tulong, nawawala kasi si Cia."

The Campus Celebrity and the Nerdy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon