Chapter 21: Zack

1.2K 32 29
                                    

Shin's P.O.V.

"Ma, please-" hindi niya na pinatapos ang sasabihin ko. Binaba niya na kaagad ang telepono.

My car, motorcycle, pati bank account ko ALL GONE. Ng dahil lang kay Zachary.

Huminga ako ng malalim at nag isip ng plano. Never ito nangyare sa buong buhay ko.

"Told you, ano ba kase ang meron sa nerd na yun at pinagkakandarapaan niyo? Buti nga sayo." Mataray na sabi ni Zachary. Hindi ko nalang siya pinansin. Kapatid ko ba talaga to? Parang ibang tao e.

"Shin Hijo naanjan si sir Zack" sabi ni manang. Pinasalamatan ko siya at sinalubong sa gate ang pinsan kong si Zack.

"Bro! Musta? Hindi ka nagsabi na uuwi ka dito, hindi tuloy kami nakapag handa." Sabi ko sakanya.

"Okay lang, biglaan din naman kasi to e. May bago kasi akong cafe malapit sa school niyo kaya dito muna ako titira sa bahay niyo." Sabi niya.

"Seryoso? Kailan pa nag opening?" Tanong ko sakanya.

"Ngayon sana, kaso lang may umalis na staff. Eh siya yung incharge sa grand opening. Hindi pa nga nag oopening umalis na kaagad e. Sayang nagbigay pa naman ako dun ng advance." Stressed na sabi niya.

"Nag hihire ka pa ba? Ako nalang mag rereplace dun sa umalis tutal kailangan ko ng part time job." Sabi ko sakanya.

"Nakwento nga rin sakin ni tita." Sabi niya at tumawa.

"Pero Sigurado ka ba? Naku sakin okey na okey para mas maraming babae ang pumunta sa cafe." Dugtong niya.

" Napaka gago mo talaga kahit kailan." Biro ko.

"Ah nga pala kanina may na hire akong bagong staff. Ang cute niya kaya hinire ko kaagad siya." Sabi niya.

"Tssss seryoso ka bang legit yun? Baka mamaya man loloko nanaman."

"Magdadala naman siya ng requirements bukas. O siya kailangan ko ng magpahinga't maraming ganap bukas. Start ka na bukas 1pm ang training." Sabi ni Zach bago umakyat sa second floor.

"Baka ma late ako ah, mag bibike lang ako." Pahabol ko sakanya.

~

Kinabukasan, nag ready na ako para pumunta sa cafe ni zack. 6am palang andun na siya kaya di ko na siya naabutan. Sabado naman kaya medyo late ang gising ko.

Kumain muna ako at nanood ng netflix. Tutal 11 palang naman. Nang matapos ang movie, 12:45 na pala kaya dali dali akong lumabas para mag bike patungo sa cafe. Pambihira, nasanay kasi ako na may kotse kaya di ko natantsa yung oras.

"Good morning sir, hindi pa po kami bukas." Sani nung ate

"Haha hindi po ako customer mag ttrabaho po ako dito asan si Zack?" Tanong ko sakanya. Hindi naman siya nakasagot kaagad, nabighani ata sa kagwapuhan ko.

"Ah e... dito po" sabi niya at itinuro ako sa kitchen.

Tiningnan ko ang orasan ko at shit! 1:30 na. Ayoko pa naman sa lahat ay ang late. Dali dali akong pumasok.

"1st day mo dito tapos late ka. I fire na kaya agad kita?" Biro ni Zack.

"Sorry na bro, nag bike lang ako e." Sabi ko sakanya.

"Shin?" Sabi ng isang magandang babae. Natameme ako bigla, di ako makapaniwala seryoso na to?

"C-Cia? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Shit lang at na utal pa ko.

"Hehe part time job. Ikaw?" Tanong niya.

"Ganun rin."

"Magkakilala na pala kayo, mabuti naman. Meron pa tayong 5 hrs bago mag grand opening. Faye, ikaw na bahala sakanila." Sabi ni Zach at naglakad na palabas ng kitchen.

Tinuruan kami ni Faye ng mga basics. Kung pano mag greet sa tao, pano mag tanong ng orders, at kung ano ano pa. Pina memorize rin samin yung menu at pinatikim kami ng mga sample para alam raw namin yung lasa ng pagkain sa cafe. Buti at nakuha ko naman kahit distracted talaga ako sa bagong itsura ni Cia. Di ko inexpect na mukha na siyang chix.

"Pahinga muna kayong dalawa. May 1 hr pa bago mag grand opening." Sabi ni Faye at iniwan kami sa table.

"So uhmm kamusta? Ano nangyare sa looks mo?" Awkward na sabi ko. Diba nakaka offend yun? Shit naman.

"Okay lang naman ginamit ko yung voucher na binigay mo. Di rin nga ako sanay eh parang di bagay." Na coconscious na sabi niya.

"Maganda kaya." Sabi ko at ngumiti. Namula yung pinsngi niya bigla.

"nakakakita ka ba ng maayos? Asan yung salamin mo?" Tanong ko.

"Oo, nagpa laser treatment na ko eh." Sabi niya.

"Ah... nga pala sorry last time..." Mahinang sabi niya at kinamot ang batok niya.

"Okay kang yun, naiintindihan ko naman" sabi ko sakanya. Buti nalang at na control ko sarili ko nung time na yun dahil kung hindi, baka kung ano pa nagawa ko sakanya. HAYST! Uminit tuloy mukha ko nung maalala ko yung halikan namin tapos yung malalaki at malambot niyang- AHHH!!! Napakademonyo ng utak ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo"

"Shin, Cia, mag ggrand opening na tara na" sabi ni Faye.

Tumayo na kami pareho at pumunta sa main entrance.

Matapos ma cut yung ribbon, nagsipasukan na ang mga guests kaya naging busy na kami.

Maya maya, pumasok ang magaling kong kapatid kasama yung dream prince charming niyang si Jake na halata namang napipilitan lang sakanya.

Nilapitan sila ni Cia at ginabayan papunta sa upuan nila. Kinuha niya yung orders ng dalawa. Si Jake, ayun panay tingin kay Cia. Halata namang may gusto yun kay Cia eh. Tsk.  Pero teka, ako rin naman ah kanina ko pa pinagmamasdan si Cia.

Maya maya, may malakas na tunog kaya napalingon ang lahat sa isang direksyon. Mayroong customer na naka hulog ng baso kaya nabasag ito.

Dali dali naman si Cia pumunta sa kitchen. Pag balik niya, mayroon na siyang dalang dustpan at walis.

Yumuko siya at isa isang pinulot ang malalaking piraso ng baso. Pambihira walang gloves na gamit. Inexpect ko na yung susunod na mangyare at tama nga ang hinala ko. Nasugatan siya. Lalapitan ko na sana siya kaso bigla akong inunahan ni Zack.

"Okay ka lang?" Tanong ni Zack

"Oo hehe"

"Patingin..." sabi ni Zack at tiningnan ang daliri ni Cia.

"Shin ikaw muna bahala dito." Sabi ni Zach at dinala si Cia papasok sa kitchen.

Tsk. Ba't ba napaka careless ng babaeng yun? Patay na, baka ano pa gawin ni Zack sakanya e gago pa naman yun.

The Campus Celebrity and the Nerdy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon