Chapter 4: JAKE'S P.O.V.

1.6K 27 0
                                    

JAKE'S P.O.V.

Marami na siyang nainom. Tarantado talaga yon si Ponch. Akala niya siguro may gagawin kaming kababalaghan ni Cia. Yung drink kasi na yun sineserve yun sa mga babae dahil bukod sa masarap ang lasa, malakas din ang tama. Angel in Disguise kung tawagin.

"Wag mong iinumin yan mag sisisi ka." babala ko sakanya. Tiningnan niya ako ng masama kaya wala akong magawa dahil sa pagkakakilala ko sakanya, talagang gagawin niya ang gusto niya kaya bahala siya.

"Bakit? Malakas ba to?" tanong niya

"Hmmmm. Para sa akin hindi e." sagot ko. Hindi naman na kasi ako basta basta tinatamaan ng alak dahil sabihin na natin na immune na ako sa mga yan.

"Edi hindi siya malakas." Sabi niya tapos nag shot ng isa. Tigas ng ulo.

"Ahhhh ang init niya Jake pero masarap." sabi niya at pinakiramdaman yung lalamunan niya. Tumingin ako sa kabila at kanan para makita kung may tao sa paligid namin. Napaka insensitive talaga ng babaeng to sa mga sinasabi niya. Pano kung may nakarinig non? Baka isipin nila may ginagawa kaming malaswa.

"Sabi ko sayo wag kang iinom niyan bahala ka." sabi ko at kinuha nalang yung popcorn. 

Isang oras pa ang lumipas, nakalahati na ni Cia yung Gin pero wala pa rin si Captain. Namumula na siya, siguradong tinamaan na siya. Kung ano ano na pinag gagawa niya e, pinag laruan niya na yung popcorn tsaka yung mani. 

Maya maya, tumayo siya at pumunta sa tapat ng bedroom. Pero bago pa siya kumatok, lumabas bigla ang dalawang babae at sumunod nama'y si Captain.

"Oh ba't ka andito?" tanong niya tiningnan niya si Cia mula ulo hanggang baba. Hindi niya pa na rerealize na andito ako. Inayos niya yung buhok niya.

"Kukunin ko yung notebook ko." sabi niya. Tumawa ng kaunti si Captain. 

"Ahhh, Oo." sabi niya.

Nang mapansin niya na mukhang namumula si Cia at parang wala ito sa katinuan, lumapit siya at tiningnan ang mga mata nito.

"Hello?" tanong niya.

"Jake" mahinang sabi ni Cia. Doon na realize ni Capatain ang presensya ko. Tumingin siya sakin at bago pa siya maka bati, natumba na si Cia kaya agad niyang sinalo ito.

"Oh Jake andito ka pala. Kasama mo ba to?" tanong niya. Inayos niya yung pagkakahawak niya kay Cia.

"Oo Cap. nagpumilit kasi na pumunta dito para kunin yung notebook niya e." sabi ko

"Ah ganun ba. Kunin ko sa bag, na picturan ko naman na yon. Nakalimutan ko nga palang ibigay sakanya. Kumakain ba tong babaeng to? Bakit ang gaan niya?" tanong ni Cap. 

"Oo marami kumain yan." sabi ko. Dahan dahan kong kinarga si Cia mula sa mga kamay ni Cap at pinahiga ito sa sofa.

"Eto." sabi ni Cap at ibinigay saakin ang notebook na kulay pink. 

Dumating muli yung dalawang babae na kasama ni Cap kanina sa kwarto.

"Sir, eto na po pala yung sukli niyo." sabi nung isang babae at iniabot ang iilang barya.

"Thank you, pwede ba ulit ako magpa schedule ng massage mga next next week? I rerefer ko rin kayo sa teammates ko. Ang galing e, naalis kaagad yung sakit ng katawan ko." sabi ni Cap.

"Sure Sir, tawag lang po kayo sa office namin." sabi nito at nagpaalam na aalis na.

"Nga pala ba't mo hinalikan si Cia?" Tanong ko.

"Wala, gusto ko lang. Bakit mo natanong? Hindi ka naman usually ganyan ka concern sa isang babae espesyal ba siya sayo?" 

"Kaibigan ko siya." sabi ko.

"Ahhh kaya naman pala. Nakainom ako non e. Pasensya na Bro." sabi niya at tinapik yung balikat ko.

"Di okay lang, di ko naman yan girlfriend." sabi ko.

"Ahhh ganun ba? Pero mukhang close kayo ah."

"Oo, kaibigan ko siya since elementary e."

"Sige bro, mauna na ako. Hinihintay na ako ni Zachary" sabi niya at isinuot ang polo shirt niyang puti. Tumango nalang ako at pinuntahan ang walang malay na si Cia.

'Haaaaaaayst ano ba gagawin ko sayo? Ba't kasi an tigas ng ulo mo. Siguradong pagagalitan ka ng mama mo.'

Nang mapansin ko na masyadong mababa yung off shoulders niya, itinaas ko ito hanggang leeg. 

'Yaaaan mas bagay di ako sanay na pumoporma ka di bagay sayo. MungPangit ka parin.'

Nang makarating na kami sa bahay ni Cia, tsaka ko na realize na wala nga siyang dala na susi o kahit ano. Bwisit talaga tong babaeng to anong oras na ba 12? Antok na antok na ko abala e. Alam niya naman na anemic ako, dapat hindi niya ko pinag pupuyat.

Ay alam ko na, ang mabuti pa sa bahay nalang siya matulog tapos mag kunwari nalang siya na nag jogging siya ng maaga. Tutal may mga gamit din naman siyang iniwan don sa bahay. Tsaka baka abutin pa ako ng 3 hours kaka explain kay tita kung ano ang nangyari sa babaeng to.

"Jake..." Mahinang sabi ni Cia. Pinulupot niya ang mga kamay niya sa leeg ko at dahan dahang lumapit sa mukha ko habang nakatingin siya sa labi ko.



The Campus Celebrity and the Nerdy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon