Chapter 25: Warning

707 21 1
                                    

Jake's P.O.V.

Inabot pa talaga ng isang buwan bago ko na delete yung picture na yun sa cellphone ni Zachary.

Kinailangan ko pa talaga mag laro ng mga tricks para lang sa kapakanan ni Cia. Ayoko masira ang reputasyon niya sa school lalong lalo na't baka ma trigger siya.

Siguradong hindi niya na ito maalala dahil nagkaroon siya ng memory loss sa isang particular na taon dahil sa pambubully. Mahabang kwento iyon pero isa sa mga rason kung bakit lumabo ang mata niya ay dahil sa ayaw niyang makita ang picture na iyon ayon sa psychologist niya. It was an awful picture of her na basang basa, basta sobrang kahihiyan yon para sakanya.

So bale hindi naman talaga malabo ang mata niya. Psychological lang iyon. Ganon ka tindi ang nagawa ng pambubully sakanya noon. Kaya ingat talaga kami ni tita na wala siyang maalala dahil baka pag na trigger siya, bumalik siya sa umpisa.

Madali lang naman kasuhan si Zachary pag nakalat niya iyong picture. Pero, hindi naman kasi yun ang goal. Ang goal at mapigilan ang pagkalat non.

Masakit sakin na hindi pansinin si Cia. Simula nung sa restaurant, sa school, sa bahay nila  Cap, at iba pa. Pero parte iyon ng pag papanggap ko para lang makakuha ng access sa phone ni Zachary.

I even had to have sex with her para lang makuha ang tiwala niya. Iyon ang pinaka labag sa loob kong ginawa sa buong buhay ko.

Nilapit ko si Cia saakin. Nakatulog siya after ng sex namin. I looked at her face and smiled. She looks so innocent. Di ko ma explain kung gaano ako kasaya ngayon. Sobrang saya. I kissed her cheek bago muling natulog.

~

"AAAAAAA!!!!" Sigaw ng isang babae. Tumitilaok na ang manok sa labas. Nagising nalang ako nang biglang may sumigaw ng napaka lakas.

Pag mulat ko nakita ko si Cia na hubad at naka tago sa likod ng kumot ko.

"Ang aga aga ba't ka sumisigaw?" Inosenteng tanong ko sakanya tapos ngumiti.

"B-ba't ako andito?!" Naguguluhang tanong niya.

"Napasarap ba tulog mo?" Tanong ko tapos ngumisi.

"Wala ka ba talaga maalala?" Tanong ko sakanya sabay taas ng kilay. Pinag ttripan ko lang naman siya ang cute niya kasi pag namumula.

Bigla niyang tinago ang mukha niya sa kumot. Di alam ang gagawin. Naalala niya na ata yung mga nangyare. I smirked.

"Uuwi na ko..." mahinang sabi niya at sinubukan mag lakad papunta sa damit niyang nasa sahig nang bigla siya matumba.

"Okay ka lng?" Tanong ko at tinulungan siya tumayo.

"Bakit ansakit ng legs ko... at ng..." di niya na tinapos sasabihin niya. Nahiya na siguro siya nang maisip niya yung rason kung bakit.

I lift her up in bridal style and sent her back to bed.

"Sorry, I went hardcore sa first time mo." Sabi ko sakanya. May halong pang aasar.

"A-ang vulgar mo!" Namumulang sabi niya.

"Sorry, love." Sabi ko.

"EWWWWWWWWWW!!!" nandidiring sabi niya.

~

Cia's P.O.V.

It's been a week since maging okay kami ni Jake. And about kay Shin, naging okay na raw sila ni Ash kaya hindi na rin namin itinuloy yung dating keme na naisip namin. Nagkakausap parin naman kami sa part time job at sa totoo lang, na realize ko na okay pala maging kaibigan si Shin. Kaya yun, friends kami ngayon at magkasundo rin kami nung Ash kaya nakakausap ko rin yun everytime na dadalaw siya sa cafe.

The week went smooth. Nanood kami ng games nila Jake, magkatabi kami ni Ash sa bleachers and as usual yung fans nila Jake at Shin masama ang titig saamin ni Ash. There was no sign of Zachary. Kahit nga sa Volleyball court di ko siya nakikita don e. I wonder what happened to her.

"Exam na next week." Sabi ni Jake.

"Oo nga pala, teka kukunin ko lang mga gamit ko sa locker." Sabi ko sakanya at nagpaalam na babalik sa loob ng building.

Kaunti nalang yung tao sa hallway dahil 9pm na rin ng gabi, kakatapo lang kasi ng games nila Jake.

Hinanap ko sa bag ko ang susi ng locker ko at binuksan ito.

Muntik na ko atakihin sa puso nang bigla kong nakita na basang basa ang mga gamit sa loob nito. Mayroon ring patay na daga! Kaya isinara ko nalang itong muli at bumalik sa parking lot.

"Okay ka lang? Asan mga gamit mo?" Tanong ni Jake.

"Wala, nevermind nasa bahay na pala yung mga gamit ko eh." Sabi ko nalang sakanya para wag na siya mag alala.

Sino kaya ang may gawa nun?

The Campus Celebrity and the Nerdy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon