CHAPTER 12

141 9 0
                                    

"Rise and shine, sleepy head!" sigaw ng hinayupak na kasama ko.

I groaned in frustration when he opened the curtains and let the sun rays  meet my face!

"Kobi, ano ba!" sigaw ko sabay tabon ng unan sa aking mukha.

"Come on, Phaedra! Bumangon ka na diyan."

I didn't answered him instead I continued my sleep but damn this man, he won't let me!

Hinala niya ba naman ang paa ko dahilan ng pagkabaon ko sa aking comforter!

"Ano ba!" sigaw ko sabay upo.

Nakita ko naman siya na tawang-tawa habang nag lalakad palabas ng kuwarto ko. Tinapunan ko naman siya ng unan at hinarap niya ako bigla. Pinulot niya ang unan at 'saka itinapon pabalik sa akin.

"Tara na, Fay." natatawa niyang sabi sabay lakad palabas.

I took a bath first then dressed-up comfortably before going at the dining area of this suite.

I looked at Kobi who's face timing my  brother. Agad naman akong pumwesto sa likod ni Kobi.

"Kuya, annyeong!" maligaya kong bati sa kanya.

Natawa siya at si Kobi kaya pati ako ay natawa rin dahil sa aking sinabi.

"You're in Japan, Louise." natatawang sabi ni Kuya.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Kobi at 'saka ipinatong ang aking baba sa likod ng aking palad.

"Ko-nni-chi-wa," dahan-dahan kong sabi.

"You're such a kid," si Kuya.

"Bata palang naman talaga ako," sabi ko sabay flip ng hair.

Inilapit ko ang isang upuan sa tabi ni Kobi.

"Okay, Louise." sabi ni kuya.

"You guys take care. Call me if something happens." sabi ni kuya.

Tumahimik ako at tumingin sa laman ng lamesa.

I saw pancakes and fruits. Agad ko itong inilapit sa akin at kumain ng isang slice ng prutas.

"Masusunod, Achilles." sagot ni Kobi.

"Louise," tawag ni kuya.

"Mm?"

"Call me if something happens."

He's not asking me to do it but he's telling me to do it when something really happens.

"Kobi is here to do the call, kuya Achi." simpleng sabi ko.

"Bravo," seryosong tawag ni kuya sa kanya.

"Yes, Achilles." natatawang sagot ni Kobi.

After that, kuya ended the call while me and Kobi ate our breakfast. Umiinom nalang kami ngayon ng aming kape.

"May gusto ka bang puntahan?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Wala naman. Bakit?"

"Eh, sabi mong paminsan-minsan lang tayong ganito. Na parang hindi mino-monitor ni Daddy." sabi ko sa kanya.

"A-ahh, ehh, nag bago na isip ko." natatawa niyang sabi.

"Then, we can plan what we'll do tonight." seryoso kong sabi.

Kinuha niya naman ang kanyang dala-dalang tablet sa kanyang bag at 'saka bumalik rin agad dito sa dining.

May mga ginawa muna siya bago hinarap ang tablet sa akin na may mga litrato.

Leaving Hell (Hell Series #1)Where stories live. Discover now