Chapter 23

5.9K 101 15
                                    

I am currently in my afternoon meeting with the editors and someone is talking in front when I suddenly felt nauseated.

Tinakpan ko kaagad ang bibig ko at yumuko para hindi mahalata ng mga tao sa lamesa then I tried to breathe in and out as calmly as I can until I felt relaxed again but something keeps coming back in my throat that is itching to come out.

"Excuse me for a while." Pilit kong sinabi sabay tango sa kanila na ituloy lang ang meeting.

Mabilis akong naglakad pabalik sa aking opisina at diretso sa banyo kung saan isinuka ko lahat ng kinain ko kaninang tanghalian.

I flushed the toilet after and closed the lid then sat on it to gain my strength again. Nanghina ako sa pagsuka na ginawa ko and I still feel light headed.

I knew better that what happened to me isn't food poisoning dahil pareho lang kami ng kinain ni Lloyd kanina. I think some foods upset my stomach in regards to my cancer. From now on ay dapat na mas maging maingat ako sa mga kakainin ko. Suwerte ko nalang kung walang nakarinig sa pagsuka ko ngayon.

Naghilamos ako ng mukha nang mahimasmasan saka naglagay ng kaunting kolorete sa mukha para hindi magmukhang may sakit at maputla. Pagkatapos masiguro na maayos na ang aking itsura ay saka ko sinilip ang lugar ni Christine sa labas ng aking opisina.

Nakahinga ako ng maluwang nang wala akong nakitang kahit na sinong tao roon. I just left a note to her para kuhanin nalang niya ang gamit ko sa meeting room at i-update nalang ako sa naging usapan na naiwanan ko na.

Pagkatapos ng isang buwan ay namroblema ulit ako sa kung anong excuse ang sasabihin ko kay Warayne para sabihin na hindi pa muna ako makakapag-gym ng hindi siya nakakahalata sa kahit ano and that he wouldn't doubt my excuse.

Magdadalawang buwan na akong hindi nakakapag workout kasama niya at mas lalo ko lang tuloy nararamdaman ang pagkahina ng katawan ko. Hindi ko naman kasi alam kung makakabuti ba iyon sa akin and I don't want to push myself to do something so tiring.

"Joining me tomorrow?" Warayne asked.

I hesitated before answering him and thought about it carefully. Parang gusto ko kasi na sabihin na busy pa sa trabaho pero baka makahalata na siya o isipin na niya na iniiwasan ko talaga siya.

"Will you pick me up?"

"Sure, Angel. I'll see you tomorrow morning." Masayang sabi niya.

Pumayag na rin ako dahil may experiment ako na gustong gawin sa aking sarili. It will hurt to try but I wouldn't know unless I try.

I just know that I have cancer but I haven't talked about this thoroughly with my doctor so I don't really know the things I can and cannot do. Alam ko lang na maikli na lamang ang oras na mayroon ako sa mundong ito. Iyon lang ang nanatili sa aking isipan.

Nauna akong nagising so alarm ko bago pa ito tumunog sa oras na sinet ko. I switched it off immediately para hindi na gumawa pa ng ingay and readied myself with my first workout knowing that I have cancer.

Bago pa magtext si Warayne na nasa ibaba na siya ay agad na akong bumaba nang matapos akong mag-ayos. I'm kinda excited to start dahil ang tagal ko rin na natigil pero mas kabado ako dahil hindi ko alam ang puwedeng mangyari sa akin. But I am praying na walang mangyaring hindi maganda sa akin while working out. Si Warayne ang huling tao na gusto kong makaalam sa sakit ko kung sakali man.

My phone pinged and I read Warayne's message. He said na malapit na siya kaya tumayo na ako sa sofa sa waiting area ng lobby and waited outside sa may driveway.

Lumapit ang valet sa akin saka ngumiti. "Good morning, Ms. Lopéz. Papakuha niyo po kotse niyo?"

"Ace nalang po Kuya." Una kong sagot dahil kilala naman na niya ako at ilang beses ko ng sinabi sa kanya na iyon nalang ang itawag sa akin. Ang bait naman din kasi ni Manong at alam ko matagal na siyang nagtatrabaho rito. "Hindi po, may hinihintay po akong sundo." Tipid kong ngiti.

Timid Heart (Eligible Heiress #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon