Chapter 31

6.3K 108 10
                                    

Pagkatapos ng dalawang linggo na pagkakasakit ay balik na naman ako sa dati kong routine. Nasanay na ako sa yoyo lifestyle ko ever since I got sick but Warayne is still clueless about what's going on with me but I spend more time with him now when I am away from work though hindi pa rin ako hinihiwalayan sa trabaho ng aking kaibigan. He is always in my office.

I know he is just concerned about my health kaya hinahayaan ko nalang siya na laging nakabantay sa trabaho sa akin but I am more concerned about him tungkol sa kanila ni Camille. Hindi niya puwedeng hayaan na isipin nalang ni Camille na totoo nga ang hinala niya. He needs to do something about it.

"Okay, Ate. See you!" Masayang paalam ko bago patayin ang tawag.

"Sama naman ako diyan. Na-miss ko na si Ate Serene."

I stuck my tongue out to my friend pagkatapos ng tawag ni Ate Serene sa akin. Niyaya niya ako na bumisita sa kanilang bahay bukas. Hindi kasi ako nakapunta noong Linggo sa kanila and she misses me already.

"Osige na nga." Suko ko at lumapad naman ang ngiti niya. "Pero sama mo si Camille." Pilya kong ngiti.

His nose flared in irritation at natawa lang ako sa kanyang reaksiyon. He is easy to read or talagang kilala ko lang siya. Pag nag-away talaga sila ni Camille ay nagtatagal ng ilang araw. Lagi ko naman siyang kinukulit na makipagbati na pero matigas daw kasi ulo ni Camille. Hindi ko nalang siya kinontra at sinabi na siya ang matigas ang ulo sa kanilang dalawa.

"Puntahan mo na kasi, bug. Tapos huwag mong iwan hangga't hindi kayo maayos, tapos yayain mo na lumabas. Sasama ako at yayayain ko rin si Warayne para masaya. Siguro naman hindi na siya magseselos kapag nakita na niyang may kasama ako." Pilit ko.

He just made a sound that is like a yes pero labas sa ilong kaya nangiti nalang ako na naiiling. Whatever. Ang gulo nila.

Umalis lang siya sa opisina ko pagkatapos namin na kumain ng lunch dahil may meeting siya at nagtagal hanggang sa uwian na. Hindi naman siya nagsabi kung babalik siya but he always does at lagi niya akong hinahatid sa parking lot pero hindi ko naman na siya balak hintayin pa gayong oras na at pagkatapos ng gawain kong ito ay aalis na rin ako.

"You're still here?"

Napaangat ako ng tingin mula sa aking laptop at nakita ang aking kaibigan na papasok sa aking opisina. Binalik ko sa aking laptop ang aking tingin to look at the time, it's almost 6 at hindi ko na namalayan na oras na pala.

I put my laptop on sleep mode then started to fix my table and the things I will bring at home para makauwi na. I can't work too much or I'll suffer the next day with my health.

Nilabas ko ang phone ko nang makatayo para sana i-text si Warayne. I always update him kapag pauwi na ako para hindi siya mag-worry at sakto naman na palabas na kami ni Lloyd ng opisina ay biglang nag-ring pa ang landline ko.

No one would really call my landline directly if it wasn't that important and only Christine transfer business calls or other personal matters to me pero maaga na siyang nagpaalam kanina kaya bumalik ako sa aking lamesa para sagutin iyon.

"Ace Lopéz."

"Good evening, Ma'am. I would just like to let you know po na umakyat po diyan sa floor niyo si Mr. Saavedra."

Pagsabi niya nun ay narinig ko na rin ang boses ni Warayne sa labas ng nakabukas kong opisina at pagsilip ko roon ay nakita ko siya sa may pintuan kausap si Lloyd kaya nagpaalam na ako sa aking kausap para puntahan siya.

Palapit pa lang ako sa kanya ay nginitian ko na kaagad siya nang mapatingin siya sa akin at nilagpasan si Lloyd para yakapin siya bilang aking pagbati at siya naman ay humalik sa aking ulo habang nakapalupot na rin ang kanyang mga kamay sa aking katawan.

Timid Heart (Eligible Heiress #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon