TH - THIRTY FIVE

41.7K 1.4K 212
                                    


"SIGE, pupunta na ako diyan. Ilayo mo ang mga workers and operators sa site, keep their safety first." Ang masamang balitang iyon ang bumungad kay Hexel kinaumagahan. Nakatulog siya habang nagsusulat ng mga reports sa kusina at nagising lamang noong tumunog ang kanyang cellphone dahil tumawag si Rigen. Nangyari na nga ang kinakatakutan nila.

"You don't have to rush, Hexel. Everything is under control." Tuluyan ng gumuho ang lupa dahil sa malakas na buhos ng ulan. Wala namang mga nakatira doon kaya walang tao na napinsala sa nangyari but she needs to be there as soon as possible.

"Tinawagan mo na ba ang mga government offices upang icheck ang area?"

"Nandito sila ngayon, nalaman namin na ang pineke pala ng dating may-ari ang resulta sa unang investigation dito. Natanggal na sa pwesto ang signatory pero hindi nabago ang papers." Napakagat siya ng labi.

"I'll be there and again, walang makakalapit sa site kahit na sino. Magbigay din kayo ng babala sa mga tao kahit ilang barangay ang layo diyan. Makipag-coordinate kayo sa mayor o kung kanino man para sa madaliang desiminasyon ng balita."

Walang signal para malaman ng mga taga-doon ang balita through TV, mabuti nalang at may radio broadcasting kaya kahit papaano ay may paraan para sa mabilisang balita. Pagkatapos kausapin ang engineer ay mabilis siyang naligo at nagsuot ng komportableng damit, hindi na niya inayos ang kitchen table at hinayaan magkalat ang kanyang mga gamit.

Mabilis siyang nalakabas ng bahay at dahil sa pagmamadali ay hindi na rin niya ginising si Clive lalo pa at sa tingin niya ay late rin itong nakauwi kagabi. Saka na siya mag-eexplain kapag nagkita silang muli. Iniwan niya ang kotse sa may port dahil hindi niya iyon madadala sa isla, may mga nagbabantay naman doon. Totoong masyadong malakas ang ulan dahil habang nakasakay sa ferry ay kulang nalang ay dasalan niya ang lahat ng santo na alam niya para lang safe siyang makarating sa kabilang panig. Kailangan na talaga ng bridge na magdudugtong sa mainland at sa isla.

Halos basang-basa siya nang marating ang kabilang port. Naghihintay na sa kanya ang isang tricycle na palaging sumusundo sa kanya kapag pumupunta sa isla, nasabihan na marahil ito ni Rigen.

"Ma'am, sa site po ba tayo pupunta?" tanong ng driver.

"Oo, gusto kong malaman ang nangyayari doon."

"Baka po delikado. Narinig k okay engineer na baka hindi lang sa site na iyon pwedeng gumuho ang lupa, maraming lugar po sa site na apektado ng quarry dati."

"Naiintindihan ko pero kailangan ako doon." Hindi maaatim ng konsensya niya kapag wala siyang ginawa sa nangyayari. It's her main and sole priority in the first place. "Dumaan lang tayo sa safe na lugar hindi baleng malayo ang daan."

"Opo, sige po."

Nanunuot na sa kanya ang lamig dahil basang-basa na siya sa lakas ng ulan. Napanood niya sa isang weather forecast na may isang supertyphoon ang maglalalandfall sa bansa anumang oras ngayong araw na ito.




"MR. LIBIRAN." Napatingin si Clive sa tumawag sa kanya. "Nandito na po si Doctor Santos."

"Thanks Eric." He dismissed his personal assistant as he waited for his doctor.

"Good morning, Clive." Bati ng may edad na doktor habang naglalakad papalapit sa kanya. "Pasensya na kung medyo late na akong nakarating. Na-stuck kami ng driver ko sa traffic dahil sa malakas na buhos ng ulan." Kanina pa siya nakatitig sa malakas na buhos ng ulan nang walang ibang iniisip.

ZBS#11: Peach Firefly's Tattered Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon