TH - NINE

48.2K 1.3K 64
                                    

Chapter Nine


KUNOT-NOONG ipinagpatuloy niya ang kanyang pagmamaneho, dapat ay kanina pa sana siya nakarating sa bahay kung hindi lang masyadong masikip ang traffic sa buong kamaynilaan. Kung pwede sigurong paliparin ang kotse ay kanina pa niya iyon ginawa. Malaki ang posibilidad na kanina pa nakarating si Hexel sa bahay. Ilang oras na rin ang nakakaraan n'ong magreply ito ng 'K' sa kanya na mas lalong ikinainis niya. Ang iksi ng sagot nito, hindi man lang ito nagtanong sa kanya kung bakit niya ito pinapauwi. Bilang asawa niya kailangan na umuwi ito sa bahay, kailangan nitong pangatawanan ang pagiging asawa ng isang Clive Libiran.

At hindi siya nagkamali sa kanyang sapantaha dahil natagpuan niya na nakaparada sa isang sulok ang kotse nito. Mabilis niyang naiparada ang kotse at agad na lumabas mula doon. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid ngunit sobrang tahimik ng buong lugar hanggang sa dumako ang tingin niya sa isang pigurang nakaupo sa harapan ng nakasaradong pintuan. Agad niyang nakilala si Hexel. Lumapit siya dito at tatawagin sana kung hindi lang niya napansin na mahimbing itong nakatulog.

Iba na ang suot nito sa suot nito kanina sa meeting, nakasuot ito ng uniporme ng Winhlan University at sa lap ay nakabukas na makapal na libro na may nakapatong na reading glasses. Kailangan pa niyang yumuko upang makita ang mukha nito, gulo-gulo ang buhok nitong wala sa ayos at nang matitigan ng husto ang mukha ay saka lang niya napansin ang pagod sa mukha ng asawa. May kakaiba siyang naramdaman sa kanyang sikmura ng mapagtantong maliban sa pagtatrabaho nito sa kompanya ng lola nito ay nag-aaral ito.

She looks very fragile at this state and he can't even stop himself from staring at her. Aminin man niya o hindi si Hexel ang isa sa may pinakamagandang mukha na nakita niya. Mas maganda ito sa ibang babae na nakasalamuha niya. Para sa kanya ang ina at kapatid ang pinakamagandang babae sa buong mundo, given na iyon dahil pamilya niya ang mga ito. Pero kung katotohanan ang pagbabasehan, mas lalamang ang babaeng natutulog sa kanyang harapan. Mula sa mapusyaw na ilaw mula sa antigong light wall na malapit sa kanyang pintuan ay tila kumikinang ang kutis nito. Hindi maputi si Hexel, hindi rin maitim, hindi rin mailalagay sa morenang kulay. Kakaiba ang tingkad ng kulay nito halatang hindi purong Pinoy ang lahi.

Napalunok siya habang nakatitig sa babae, lalo na n'ong dumako ang mga mata sa mukha nito. Malalantik ang pilik mata ng asawa, mahahaba din. Walang halong make-up o kung anumang pekeng pilik-mata, natural. Matangos ang ilong nito na bagay na bagay sa maliit nitong mukha at ang labi nitong sa tingin niya ay walang bahid ng lipstick o kaya naman ng lipgloss ay natural na mamula-mula. Maganda ito, magandang-maganda.

Natigilan siya ng bahagya itong gumalaw at tuluyan ng napahiga sa semento. Bahagya siyang natigilan at nataranta dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung gigisingin niya ito o kaya naman ay hahayaan na matulog doon ay wala siyang maisip. Gusto lang niyang titigan ang babae.

Itinaas niya ang palad upang gisingin na lamang ito ng bigla siyang natigilan. Alam niyang kapag lumapat ang palad sa balat nito ay may mangyayaring hindi maganda. Baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.

Napatingin siya sa kanyang palad at binawi iyon, kahit gaano pa kaganda ang isang bagay kapag nahawakan ng palad niya ay siguradong masisira iyon. Ikinuyom niya ang kanyang palad at wala siyang pakialam kung magdugo man iyon sa mariing pagkakalapat ng daliri niya sa palad. Hexel is indeed a beautiful creature at hindi nababagay sa kanya ang ganda nito. Sisirain lang niya ang babae gaya ng pagsira niya---.

"Hmn." Kung anuman ang tumatakbo sa kanyang isipan ay biglang nawala ng marinig niya ang mahinang pag-ungol nito. Mabilis siyang nakalayo, sinigurado niyang sapat ang distansya sa pagitan nilang dalawa upang hindi ito makapag-isip ng kung ano laban sa kanya. Pero hindi niya ito malubayan ng tingin, nakatitig siya sa mukha nito, sa pagkibot ng labi, sa dahan-dahang pagbukas ng mga mata nito. Kung kanina ay wala siyang nagawa kundi titigan lang si Hexel ngayon ay parang inalisan siya ng hangin sa kanyang katawan.

ZBS#11: Peach Firefly's Tattered Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon