TH- TWENTY ONE

71.9K 1.9K 439
                                    


KINATOK ni Hexel ang silid ni Clive upang magpaalam. Naisipan niyang maagang magpunta sa Winhlan upang makausap ang mga sponsors sa quarterly volunteering event nang kanilang sorority.

"Clive?" tawag niya sa asawa.

"Pasok." Nagtatakang pumasok siya ng kwarto at agad na napakunot ng noo ng mapansin na seryoso itong nakatayo kaharap ang kama nito.

"What's wrong?" takang tanong niya.

"What do you think of this bed, Hexel?"

Mas lalo siyang napakunot ng noo sa tanong nito. Tumabi siya sa asawa at tiningnan ang kama na pinagkakainteresan nito ng husto.

"Anong problema mo sa bed?"

"I bought this bed a year ago, the furniture designer said the bed was made from the finest material."

"Mukhang yakal ang kahoy na ginamit sa kama mo Clive. Huwag kang mag-alala totoong matibay ang kahoy na iyan. Hindi agad iyan naluluma at nasisira, kung last year mo iyan nabili mahaba pa ang buhay ng kama."

Tumango ito. "I thought so."

"Why? May problema ba?"

Tumango si Clive at hinila siya papunta sa isang panig ng kama. "There's a crack on the leg part." Kumunot ang kanyang noo at tinitigan ang itinuro nito. At hindi nga ito nagkamali may crack ang isa sa mga tumatayong binti ng kama at kaunti nalang ay bibigay na ito.

"Anong nangyari? Bakit may crack?"

"Mukhang bumigay yata sa atin." Tinaasan niya ito ng kilay. "Should we buy another bed?" namula siya ng mapagtanto ang ibig nitong sabihin. "Iyong mas matibay."

"Hindi naman tayo ang may dahilan niyan." Namumulang depensa niya sa sarili sa ibig ipahiwatig nang asawa. Bumaling ito sa kanya at saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Bakit?"

"Aalis ka na?"

"Kailangan kung pumunta sa University." Tumingin ito sa wall clock.

"Nang ganito kaaga?"

"Marami akong kailangang asikasuhin."

"It's too early."

"Hindi rin po, may meeting ka pa at eight."

"It's still six in the morning." Ngumiti siya dito at nagpeace sign kaso nawala ang ngisi sa kanyang labi ng tawirin nito ang natitirang maliit na espasyo sa pagitan nila. "Clive! Malulukot ang uniform ko." reklamo niya.

"May madaling paraan." Isa-isa nitong tinanggal ang butones ng suot na uniporme. "I want to buy a new bed." May pilyong ngiti sa mga labi nito. "Sirain na natin ang kama." Malakas siyang napasinghap ng tuluyan na nitong matanggal ang kanyang blusa. Mukhang seryosso nga itong sirain ang kama nila. Well, she's willing to cooperate.



"WHERE'S Hexel?" narinig niya ang tanong ni Chloe pero wala siyang lakas para gumalaw. "She's sleeping?"

"Pagod si Hexel." Nakasubsob siya sa mesa na gawa sa plastic at naidlip. "Kaninang umaga pa siya nandito at tumulong sa pagpack ng mga pagkain para sa mga bata." Paliwanag ni Zyrene na kahit na naka-graduate na ay patuloy pa rin sa pagsama sa kanila.

ZBS#11: Peach Firefly's Tattered Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon