TH - FIFTEEN

58.8K 1.6K 123
                                    

Chapter Fifteen


KANINA pa tunog ng tunog ng kanyang cellphone at wala sana siyang balak na sagutin iyon. Katatapos lang din ng contract signing niya with his Japanese investors. It seems like Hexel did make an impression to his business partner's wife. Napapailing nalang siya dahil sa naalalang usapan nila ni Hexel kaninang umaga.

Hindi rin niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya, he's getting too soft. Sa lahat ng mga ginawa nito, ang panloloko nito, the marriage, he should be still mad by now pero habang nakatitig siya dito ay unti-unting nawawala ang galit niya at napapalitan ng hindi pamilyar na emosyon.

"Damn!" inis na kinuha niya ang kanyang cellphone at balak sana niyang ibato iyon sa dingding upang tumigil sa kaiingay pero natigil ang kanyang plano dahil sa nabasang pangalan sa screen. Malakas siyang napabuntong-hininga at napilitang sagutin ang tawag. "Tara." Sana hindi nito nahalata ang pagod sa boses niya.

"You sounds tired babe." Napamura ulit siya sa kanyang isipan.

"I am from a business meeting, gusto ko lang magpahinga."

"Nalaman ko nga nasa Japan ka. Hindi mo man lang sinabi sa akin na nandiyan ka pala. Are you hiding something from me?" nasa boses nito ang pagdududa.

"Ano naman ang tinatago ko halos alam mo kung ano ang galaw ko." daig pa niya ang may personal na CCTV camera kay Tara.

"Make sure Clive you are not fooling around with that bitch-."

"Don't call her names." Nagtagis ang ngipin niya habang kausap ang nobya. Huli na nang maisip niyang mali ang ginawa niya. Sigurado siyang mas lalong madadagdagan na naman ang pagdududa nito sa kanya. "She has nothing to do with you Tara let me deal with her."

"Right." Alam niyang hindi ito naniniwala. "What's with her Clive na nagrereact ka ng ganyan?" matigas na tanong nito.

"It's not-."

"Dahil maganda siya at mas bata keysa sa akin? Mind you Clive, mas matanda man ako sa kanya mas matalino ako sa babaeng tinatawag ng pamilya mong asawa mo. Ilang buwan nalang at matatapos na rin ang kasunduan niyo hindi ba? Siguraduhin mo lang na susunod ka sa kasunduan niyo, huwag na huwag mong isipin na ituloy iyang bahay-bahayan ninyong dalawa. And don't you dare make her pregnant, I assumed, walang nangyayari sa inyo hindi ba? You told me nothing happened and hopefully ay wala nga. Dahil kapag nagkamali ka siya ang mapapahamak."

Naningkit ang kanyang mga mata sa sinabi ni Tara. "Don't you dare."

"Try me babe. You know what I can do. Hindi ba ako ang dahilan kung bakit Malaya ka ngayon at nakakagalaw ng walang humahabol upang hindi mapahiya ang buong angkan niyo? You promised Clive you'll repay me with your debt. Utang mo sa akin ang kalayaan mo." gusto niyang isumbat dito na kung tutuusin ay bayad na siya sa lahat ng utang niya dito. At hindi naman siya totoong malaya, dahil hawak siya nito sa leeg.

"I'm tired Tara." Hindi na niya ito hinayaang magsalita pa at pinatay ang cellphone. Nahilot niya ang kanyang sentido dahil sa biglaang pagsakit niyon. Napaupo siya at kahit gusto niyang mag-isip ng kung ano ang tama ay hindi niya magawa. He just needs to know where his wife is.

Tumawag siya sa reception upang alamin kung nasaan na ito ngayon. Inalam niya kung may connection ba ang hotel sa drivers na inutusan niyang maghatid kay Hexel kung saan man ito magpunta.

ZBS#11: Peach Firefly's Tattered Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon