TH - THIRTY TWO

37.5K 1.5K 216
                                    

Chapter Thirty Two


"MRS. LIBIRAN, nasa meeting pa po si Sir Clive." Ang sabi sa kanya ng may edad na sekretarya ni Clive. Ilang beses na siyang nakarating sa opisina nito at unang beses niyang nakita ang bago nitong secretary. Ang naabutan niyang secretary nito ay matanda lang sa kanya ng ilang taon pero ngayon ay halos ka-edad na nang mommy ng asawa. "Pwede niyo po siyang hintayin sa kanyang opisina."

"Ahhh..." nag-isip siya ng tamang sentence upang hindi mahalata ng kaharap ang kanyang nararamdamang kaba. Sa totoo lang ay kung hindi nakalimutan ni Clive—scratch that, kung hindi siya na-late ng gising ay maabutan sana niya ang asawa sa bahay. Pagka-gising niya ay wala na ito doon. "May lakad pa kasi ako, I don't want to be late. Nakalimutan lang niya ito." ibinigay niya sa kaharap ang paper bag na may lamang Tupperware at pagkain para sa asawa.

"Ang sweet niyo naman Mrs. Libiran at kayo po ang nagdala ng mga ito." Maliit na ngiti ang umalpas sa kanyang labi sa sinabi nito. "Pero baka hindi niya ito kainin, may lunch meeting si Sir." Hindi naman siya nag-eexpect ng husto at alam din niyang baka hindi pansinin ni Clive ang kanyang mga hinahandang pagkain. Kaya lang ay ayaw niyang sayangin ang oras na meron siya, gagawin niya ang lahat makuha lang itong muli. She only have fifteen more days left.

"Okay lang kahit hindi niya kainin. I need to go now, salamat sa abala." Agad na siyang umalis at hindi hinayaang magsalita pa ang babae. Ayaw niyang maabutan siya doon ng asawa baka magalit o kaya naman ay mainis ito sa kanyang presensya.

Dapat ay pupunta siya sa WInhlan dahil may aayusin siyang ilang papeles kaya lang ay naisipan niyang daanan muna si Crischelle.

"Nagawi ka dito?" gulat na tanong nito sa kanya.

"Gusto kong kumain ng cake." Unlike before bihira na lang na nakakasama niya ang lahat ng kanyang mga kaibigan. May kanya-kanya na silang career na dapat ay pagtuunan ng pansin, busy sa review ang iba at iyong iba naman ay busy sa pag-aapply ng trabaho.

"Masarap talaga ang cake ni Crischelle." Lumapad ang kanyang ngiti ng marinig ang boses ni Zyrene. Sa pagkakaalam nga niya ay halos dito nagtatambay ang kaibigan dahil may discount sa cakes and drinks lalo na kapag wala si Heinz. "Malaki pa ang discount dahil wala si Heinz."

"Ginawa mo lang yatang opisina ang shop ni Crischelle dahil sa free wifi." Biro niya. Ang gaan talaga sa pakiramdam kapag kausap niya ang kanyang kaibigan. Namimiss na niya ang dati.

"Well, isa na rin iyon. Kaso masarap talaga ang cakes."

"Yeah right, cakes naman na gawa ni kuya ang kinakain mo."

"Uy, hindi ah! Damay-damay lang sa sarap mong magbake ang cake ng kuya mong masungit na pangit." At umismid pa ito.

"Hindi kaya pangit ang kuya ko." Depensa ni Crischelle sa kapatid.

"Pangit ang ugali kaya pangit pa rin." Nailing nalang siya sa diskusyon ng dalawa. Nasanay na rin siya sa init ng ulo ni Zyrene kapag involve ang kapatid ni Crischelle. May hindi magandang nakaraan kasi ang dalawa. Napangiti lang siya sa sagutan ng dalawa.

Dumating na ang cakes and coffee na order niya at tahimik niyang nilantakan ang mga pagkain. Napansin yata ng dalawa ang kanyang pananahimik kaya sa kanya bumaling ang mga ito.

"May sakit ka Hex?" nag-aalalang tanong ni Zyrene.

"Wala naman."

"Sure? Para ka kasing walang energy lately." Matipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa dalawa.

ZBS#11: Peach Firefly's Tattered Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon