Prologue

278 9 0
                                    

Aalis na sana ako nung hinila niya yung braso ko at hinarap ulit niya ako sa kanya.

"Teka nga, ano bang problema? Kahapon lang, okay naman tayo ah. Bat nagkakaganyan ka ngayon?!"

"Di mo alam? Haha. Wow Owen, bilib na talaga ako sayo!" pinalakpakan ko siya ng mahina at dahan dahan. Parang nang-aasar, ganun. Pinipigilan kong tumulo yung luha ko kaya nakangiti lang ako ng pilit.

"Ano ba talagang nangyayari sayo? Pwede diretsuhin mo na ko?!" Sinigawan niya ko. Mygad!!!

"Gusto mo ba talagang malaman, ha?!" Tuluyan ng pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. "Ganyan ka ba talaga ka-manhid para di mo maramdaman? Para hindi mo malaman na mahal na kita?!"

Sandali siyang napanganga at alam kong nagulat ko siya sa sinabi ko...

Nung bumalik na siya sa ulirat, "Mahal din naman kita, Ash. Ramdam mo naman yun diba?" Mahinahon niyang sinabi yun habang hawak niya ang magkabilang balikat ko.

"Oo. Ramdam ko. Mahal mo ko bilang kaibigan mo lang. Pwede ba? Wag mokong gawing tanga! At wag kang mag-alala. Kung hindi mo ko kayang suklian yung pagmamahal ko, wala naman akong balak na ipilit yung sarili ko e. Pare-parehas lang naman kayo e. LAHAT kayo pati si Dad!" Patuloy padin sa pagtulo yung luha ko. Tinanggal ko yung mga kamay niya na nooy nakahawak sa mga balikat ko, "alam mo, perfect ka na sana e. KASO MANHID KA!"

----^----

Oh diba? Intense agad? Hahahaha

vomments and follow please!

IG: dimmyglaidelle08

twitter: dimmyglaidelle

Mr. ALMOST Perfect's Playgirlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن