Chapter 7: Family Secrets

3K 96 22
                                    

Sabrina's Point of View

"Sa susunod na mangyari ulit 'to, isusumbong na talaga kita sa mommy at daddy mo!"

"Okay, grandma. I'm really really sorry. Nawalan ako ng control. Sobrang nalasing talaga ako. Di na 'to mauulit, I promise."

Huminga ng malalim si grandma saka ako tinignan mabuti. "Dapat lang, Sabrina. But don't forget that promises are meant to be broken, hija. Kayang kaya kong mag long distance call ngayon din sa San Francisco para sabihin 'to sa parents mo." napatango nalang ako at tuluyan na akong naglakad para umakyat sa kwarto ko.

Noong nakaligo na ako at nakapagbihis, naisipan kong manood ng T.V. Tumingin ako sa wallclock ko at nakita kong 3pm palang. May ilang oras pa ako para magpahinga. Am I really doing this? Pupunta ba talaga ako sa bahay ng lalaking nanakit sakin?

Kinuha ko 'yung remote control ng TV ko at binuksan ko agad 'yon. Mas gusto kong nanonood ng news para lagi akong updated. And ofcourse, as soon as I opened the television, mukha ko agad ang nakita ko.

I'm not surprised. Pinalabas na pala 'yung TVC namin na shinoot sa beach kung saan ko nakita si Madison the b*tch.

Noong natapos na 'yung TVC ko, nagpatuloy na yung news. Ano paba ang bago? Puro patayan, rape, nakawan lang ang napanood ko. Pinatay ko nalang yung T.V dahil nabored ako. Tumingin ako sa wall clock ko. 4pm. Pwede pa akong lumabas. I really really really need to GET A LIFE. Hindi pwedeng maghintay nalang ako dito sa pagdating ni Chaz. Hindi naman ako ganoon ka-excited.

Nagbihis agad ako. Nagsoot lang ako ng red na keds , floral shorts and white na blouse. Nakamessy bun din ang buhok ko ngayon. Simple lang pero kung maganda ang isang babae, ang simple ay magiging elegante.

Hindi na ako nagpaalam kay grandma dahil wala din naman siya sa bahay. Nagdrive ako papuntang starbucks.

Luckily, walang masyadong traffic dahil malapit lang naman sa subdivision namin 'yung starbucks na pinuntahan ko. Nagpark agad ako at nag-ayos muna bago bumaba ng kotse ko. Tumingin ako sa mga tao sa loob. Walang masyadong tao. Siguro, dahil nasa trabaho pa 'yung iba.

And there's a girl who really got my attention. This is gonna be so exciting, I guess...

Bumaba agad ako at nagcatwalk sa loob ng starbucks. Sinugurado ko na lahat ng tao doon, mapapatingin sakin. Buti nalang talaga, nagshorts ako kaya kitang-kita ang makinis at mahahaba kong legs. Deretso ang tingin ko at umorder nalang ako agad. "Chocolate Chip Cream Frappuccino please."

Sandali akong naghintay bago ibigay ang order ko. Noong nakuha ko na, tumalikod na agad ako doon at aalis na sana nang biglang may humawak sa balikat ko. It's her.

Lumingon ako sakanya. "Why?" mukha siyang hindi mapakali. Hindi padin niya ako binibitawan kaya ako na mismo ang naglayo sa katawan ko. Baka mamaya, mapasahan pa ako ng MADISON VIRUS. Tumingin ako sa paligid at mukhang nakuha na namin ang atensiyon ng iba.

"Hindi kaba talaga magsasalita?" paghahamon ko sakanya pero hindi padin siya sumasagot. "Oh ano? Naputulan kana ng dila?" nag-iwas lang siya ng tingin.

Tumingin ako sa paligid at halos lahat ay nakatingin na saamin kaya nakaramdam ako ng inis. Mukhang nakikilala nadin kasi ako noong ibang mga ka-edad ko.

"Para kang si Jollibee. Gusto mo lagi kang bida." yun lang ang nasabi ko sakanya at tinalikuran ko na siya. Nagmartsa na ako pabalik ng kotse ko. Hindi na ako lumingon kahit tinatawag niya ako. Bahala ka diyan, biatch.

"Sabrina!" napa-iling nalang ako dahil sa pagsunod niya sakin dito sa parking lot. "What?! Kanina pa kita tinatanong pero ayaw mo naman sumagot!" iritado kong sagot sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sayo.. Magkakabalikan din pala kayo."

Miss NERD became Miss MODELWhere stories live. Discover now