Chapter 8: I will

1.6K 75 5
                                    

BASAHIN MUNA ITO:

I'm so sorry for being inactive nitong mga nakaraang buwan. May pinagdaanan lang. Lol. Just kidding! Pero seriously guys, I'm sorry. Di ko naman ineexpect na may mga nagbabasa pala ng stories ko. Hahaha! So eto na *drum rolls*

Note: Please magbasa muna ulit sa nakaraang chapter para maalala niyo ulit.

Enjoy!

******************

Sabrina

Sh*t! Hindi to pwede... Naitulak ko siyang bahagya. "Sorry..." mukhang nagulat din siya sa nangyari.

"Lalabas muna ko." tumayo ako pero hinawakan niya 'yung kamay ko. Nilingon ko siya. "Baka hinahanap na nila tayo," palusot ko.

I feel like cheating on Kaiden. Sobrang naguilty ako noong naglapat ang mga labi namin ni Chaz. Hindi ko man gustong aminin pero talagang naapektuhan ako doon. Pero kahit ano pang gawin niya ngayon, hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng nangyari dati.

Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at tuluyan ko ng binawi ang kamay ko at saka ako lumabas doon. Habang naglalakad ako, napatingin ako sa isang picture frame doon sa isang kwarto. Si Chaz, may hawak hawak na trophy. Napangiti ako. Naaalala ko pa ang araw na 'yon. MVP noon si Chaz.

"Huy! Okay ka lang?" napatingin ako sa upuan sa tabi ko. Nakita ko ang isa kong kaklaseng nakatingin sakin. Umayos ako ng pagkakaupo dito sa bleachers.

"Oo. Kinakabahan lang ako." tumango naman siya. "Balita ko nililigawan ka daw niyang si Chaz Torres?" biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko kaya nag-iwas ako ng tingin doon sa kaklase ko.

"H-ha?" namumula kong tanong. "Oh..." 'yun lang ang naisagot niya.

Nagulat ako noong nagtayuan lahat. Tumingin ako sa court at nakita kong nai-shoot ni Chaz 'yung bola na siyang nagpanalo sakanila.

"Yes!!!" sigaw ng halos lahat ng tao dito sa gym. Pati ako, napatayo sa sobrang tuwa. Proud na proud ako sakanya. He deserves it.

Bumaba agad ako mula sa bleachers para sana sabihan si Chaz ng 'congratulations' pero napahinto ako nang lapitan siya ni Madison, ng bestfriend ko.

Cheerleader si Madison kaya madali siyang nakalapit kay Chaz. Nakita kong nagbulungan silang dalawa at nagtatawanan pa.

Inisip kong wala lang 'yon dahil bestfriend ko naman si Madison kaya siguro close sila. Tsaka imposibleng may something sakanila-nililigawan na ako ni Chaz eh.

"Ang laki kong tanga," bulong ko sa isip ko. Pinunasan ko 'yung mga luha na nasa pisngi ko at inayos ko na 'yung sarili ko bago bumaba.

Just because I'm always there for him before, that doesn't mean that he can take me for granted.

Hindi ko nalang namalayan na may pumatak na palang luha sa mga mata ko. Agad ko iyong pinunasan. Bumaba ako sa bahay nila at pumunta sa garden para magpahangin. Nakakita ako ng bench at umupo ako doon.

Sandali pa at naramdaman ko na mayroong tumabi sakin at nilingon ko siya, si Chaz. Agad akong umayos ng upo. Seryoso lang ang mukha niya pero kalmadong tignan.

Narinig ko ang bahagya niyang pag-ubo upang basagin ang katahimikan na bumabalot saamin dalawa.

"You know what, simula noong umalis ka papunta sa San Francisco, nagtransfer ako ng school." aniya. Lumingon ako sakaniya at nakita kong hindi siya nakatingin sakin. Deretso lang ang tingin niya sa langit na napakadaming bituin.

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"You still think that I do not even care for you, right?" tanong niya na ikinagulat ko. Bigla akong nanginig. Hindi ko alam kung bakit. Para akong kinukuryente.

Nakatingin padin ako sakaniya pero siya, sa langit padin nakatingin.

"Oo.. Yun naman talaga dib-"

"You're fucking wrong, Sabrina." pagputol niya sa sinabi ko. Pagkatapos niya 'yung sabihin ay humarap siya saakin na may malungkot na mga mata na siyang nagpatalon ng bahagya saakin sa kinakaupuan ko.

Lumunok ako. "What do you mean?" tanong ko sakaniya. Hindi ko pinapahalata na naaapektuhan ako.

Nanginig akong bigla nang mas inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Saka siya bumulong "I care for you because I love you." bulong niya na siyang nagpanginig saakin. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bigla niya akong niyakap.

Sobrang higpit.

Tagos.

Tagos na tagos.

Ramdam ang sinseridad.

"I'm in love with you, Sabrina. Sh*t." bulong niya saakin. Tumaas ang mga balahibo ko. Napapikit ako.

Nanigas ako.

Hindi ko alam...

Tumulo ang luha sa mga mata ko.

Yun lang, Chaz. Yun lang. Yun lang ang hinihintay ko mula sayo noon pa.

Pero bakit ngayon lang?

"Hindi pwede, Chaz. Hindi." yun lang ang naisagot ko at ginamit ko na ang natitira kong lakas para itulak siya. Hindi ko na siya tinignan. Mabilis akong tumakbo papalayo sakaniya. Nakasalubong ko ang isa sa mga drivers nila pero di ko na pinansin.

Narinig ko si Chaz na hinahabol ako at tinatawag ang pangalan ko. Napahinto ako nang hinawakan niya ako sa braso at iniharap sakaniya.

"Bakit hindi pwede?" tanong niya. Nakita kong nagpipigil siya ng iyak. Namumula ang buong mukha niya.

Tinitigan ko ang mukha niya.


Napaka amo.

Nakita ko ang mga mata niyang parang nagmamakaawa sa akin.


Huminga ako ng malalim para sagutin ang tanong niya.


"May iba na." yun lang ang nasabi ko.


"Then, wait for me. I will make you fall in love with me again." he said.

Miss NERD became Miss MODELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon