Chaz Torres (Part 3)

965 38 5
                                    

Pagkatapos kong ipamukha sakaniya na hanggang ngayon ay wala akong ipinagbago, hindi ako makatulog tuwing gabi. Is this even normal? I've never been like this before.

Kinabukasan ay naabutan ko si Madison sa labas ng bahay namin.

"Papasukin mo." Utos ko sa guard.

Nakangising naglalakad si Madison papalapit sakin.

Umupo ako sa hagdan sa may garden namin saka ko siya matalim na tinignan. Seeing her face disgusts me.

"What do you need?" Tanong ko sakaniya.

"I heard you guys are dating? C'mon, Chaz! Alam kong hindi totoo 'yon. Kung sakaling totoo, how? Ganun kadali, napatawad ka niya?" Natatawa niyang sabi.

"That's true. We're dating. And yes, napatawad na niya ako." Seryoso kong sabi sakaniya.

Tumawa siya.

"Really? Pwes, ayaw ko ng ganon! Saktan mo ulit siya!" Gigil na gigil siya habang sinasabi sakin 'yon.

I don't know. Baliw yata 'to, e.

"Ayaw ko." Nakangiti ako sakaniya.

Gigil na gigil siyang nagpapadyak sa harap ko na parang bata. Wtf

"Alam mo ang mangyayari kapag hindi mo ako sinunod, Chaz!" Gigil na gigil padin siya.

Umiling ako sakaniya.

"You know what? I don't care anymore. Hindi na ako 'yung dati na sunod-sunuran sayo. Now, please. Get out of our house." I said saka ko siya tinalikuran.

That's it. Kung ayaw na nilang mag-invest sa company namin, edi wag. Wala na akong pakialam. Sa sobrang pangingialam ko dati ay may nasaktan ako. Pati ang sarili ko. Ngayon, I don't care anymore. Bahala siya.

Mabilis akong nagbihis at sumakay sa kotse ko. Bahala na. Hindi ko kayang tumanga lang at maghintay na may mangyaring kaunlaran samin ni Sabrina. I have to do something.

Mabilis akong nagdrive papunta sa bahay nila. Alam ko dahil doon padin sila nakatira. I used to visit her before.

Noong nakarating na ako sa bahay nila ay pinagmasdan ko 'yon. Bagong pintura ang buong bahay nila. Parang siya. Bagong pintura. Bagong image. Bagong siya.

Kinuha ko 'yung phone ko sa bulsa ko saka ko dinial ang number niya.

"What?" Masungit na sabi niya.

Tumawa ako. Gustong gusto ko talaga kapag tinatarayan niya ako. Gustong gusto ko na naiinis siya sakin. Masaya na ako na kahit papano ay may nararamdaman pa siya sakin. Kahit inis lang. Pwede na. Kaysa wala.

"I'm here." simpleng sagot ko.

"Huh?" Tanong niya. I can imagine her reaction right now. I'm sure salubong ang kilay niya ngayon.

"Outside your house." I said.

Tumingala ako at hinanap ng mga mata ko ang bintana ng kwarto niya. Last thing I know, doon 'yon sa pangatlong bintana na makikita sa labas. Confirmed. Nakita ko siyang nakasilip at nakatingin sakin.

Nakita ko siyang lumabas na nakapink dress at ayos ang buhok. Saan siya pupunta? Makikipagdate? No. No. Baby. You're not going anywhere. Sakin ka lang sasama.

"What are you doing here?" Pabulong niyang tanong sakin.

Malalim ang tingin ko sakaniya. Bakit siya bumubulong? May boyfriend ba siya at nasa loob? Takot na marinig kaming dalawa? Fvck? Ano? Hindi ko alam. Sht.

Miss NERD became Miss MODELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon