Chapter 23: I don't care

1.8K 69 43
                                    

Halos gusto kong sugurin si Chaz doon saka yung babae niya. I don't know. That is not right. Hindi ba ay girlfriend niya yung morena na kasama niya noon? What about Avryl?! Sino naman ang babaeng kasayaw niya ngayon?

Why do I even care? Sht. And because of that, I stopped myself.

Bakit ba ako susugod? Ano ba niya ako? I'm not even his ex.. Diba?

Ilang minuto akong nakatulala sa harap ng busy na si Chaz at ng "babae" niya noong may lalaking humarang sa harapan ko.

Mas matangkad siya sakin kaya napatingala ako ng bahagya dahil hindi naman ganoon kataas ang taas niya sakin. Nakakahilo yung mga ilaw kaya nahirapan akong makilala siya.

Nahagip ng mga mata ko yung magulo niyang buhok. Mukhang kanina pa siya nandito sa bar. Nakalongsleeves siya na nakatupi hanggang sa siko, katulad ng suot ni Chaz ngayon. Nakaguhit ang ngisi sa manipis at mapula niyang labi. Malalim din ang tingin ng expressive niyang mga mata na may mahahabang pilik mata.

Bakit ba biniyayaan ang mga lalaki ng mahahabang pilik mata? They don't even know how to properly use it! Ugh. Kainis!

"Nate!" Nakangisi kong bati sakaniya.

"I thought you won't recognize me at all.." Nakataas ang kilay niyang sabi sakin habang nakangisi.

"Who am I to forget Nate Zachary Valenzuela? I mean... The Nate Zachary Valenzuela?!" Natatawa kong sabi.

"Really? Huh?" Nakangisi padin siya.

"Kumusta? I heard... Broken hearted ka daw?" Nakangisi kong tanong sakaniya.

Nag-iwas siya ng tingin at saka umiling.

"Iniwan ako, e."

Mayroon pa siyang sinabi pero hindi ko narinig dahil sa sobrang lakas ng music kaya lumapit ako ng bahagya sakaniya para sana magsalita sa tapat ng tainga niya pero palapit palang ako ay mabilis akong napaatras noong nakita ko si Chaz na seryosong nakatingin sa amin ni Nate habang nakatayo sa likod ni Nate.

What....

Ilang segundo kaming nagkatitigan saka siya nag-iwas ng tingin.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi padin mawala sa isipan ko... The way he stared at me noong magkausap kami ni Nate. There's something. I saw him again. I saw my Chaz again. I saw it. He looked at me the way he used to.

"Hey. What's bothering you?" Tanong ni Nate sa tabi ko. Kanina pa kami nakaupo sa rooftop.

Kinwento niya lahat ng nangyari sakanila nung ex girlfriend niya. Iniwan siya 2 years ago.

Kinuha ko ulit 'yung isang bote ng beer sa tabi ko saka ko ininom.

"Woah. Easy." Natatawang sabi ni Nate.

Parehas kaming nakatulala sa kabuoan ng syudad. Parehas iniisip kung anong nangyari. Ayos naman dati. Bakit umabot sa ganito?

"So, anong ginawa mo sa 2 years na wala kayo?" I asked him.

He smiled saka umiling.

"I didn't followed her abroad. Baka nga ngayon ay may pamilya na 'yon. Baka may anak na." He said bago ininom yung beer na hawak niya.

"Bakit hindi mo sinundan?"

Tumingin siya sakin. Amused.

"I almost lost everything here, Sab. Lahat. Lahat lahat. Naubos na ang lahat sa akin noong iniwan niya ako. Wala na akong lakas sumunod sakaniya doon para sirain kung ano man yung natira sakin.  Kung mahal niya ako, she won't leave me in the first place."

Pinagmasdan ko siya habang sinasabi niya 'yon. Sa tingin ko, hindi pa siya nakakarecover. He still loves his ex so much.

Nang umaalon na ang paningin ko ay tumayo na ako pero dahil sa kalasingan ay muntik na akong mabuwal. Luckily, nahawakan agad ni Nate yung waist ko.

I stared at him for seconds. Nanatili kami sa ganoong posisyon.

"Sabrina!" Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Boses na hinahanap hanap ng sistema ko. Boses na kailangan ko. Boses na gusto ko. Boses na mahal ko.

Chaz.

Sabay kaming napalingon ni Nate sa galit na galit na si Chaz na sumusugod papalapit sa amin. Mabilis niya akong hinila at kinaladkad pababa sa rooftop.

Wtf?

Halos malaglag ako sa hagdan pababa pero wala siyang pakialam. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" I said.

That made him stop.

"And what about me? Fvck! Ako ba, hindi? Hindi ba ako nasasaktan?"

Pulang pula yung mukha niya habang sinasabi 'yon. Bumilis ang tibok ng puso ko. What?? Ano?

"Bullshit." He said saka ako tinalikuran pero bago pa siya tuluyan na makababa sa hagdan ay humarap ulit siya sakin.

"You know what? I don't care. Wala akong pakialam kahit makipagsex ka pa sa boyfriend mo dun sa rooftop! I don't care!" He shouted before leaving me.

That left me speechless.

"Boyfriend? Really, Chaz? Wala kang pakialam?" Sigaw ko sakaniya noong halos takbuhin ko na yung hagdan pababa, makasunod lang ako sakaniya.

"I said I don't care!" Sigaw niya pabalik.

"Sandali nga! Tumigil ka nga sa paglalakad!" I shouted pero hindi siya huminto. Mas binilisan pa niya yung lakad papunta sa parking lot.

Hinubad ko 'yung heels ko saka ko ibinalibag sakaniya.

"Sh1t?!" Sigaw niya sabay hawak sa likod niya kung saan tumama yung sapatos ko.

"I said wait for me! Hindi ka humihinto!" Kung pwede lang lumuwa yung mga mata ko sa sobrang galit ay baka lumuwa na ngayon.

Hingal na hingal at sobrang bilis ng pintig ng puso ko kaya umupo muna ako sandali.

Pag-angat ko ng tingin at nakita ko siyang nakatingin sakin. Seryoso. Malamig.

"Bakit mo ba ako hinabol?" Maarte niyang tanong.

Sapakin ko 'to eh.

"Kasi mahal kita." I answered.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at namula ang mukha niya.

He laughed.

"Stop that shit, Sabrina." Nakangisi niyang sagot sakin.

That didn't stop me.

"I love you. I still do. I'm sorry for everything." Dire-diretso kong sabi.

Wala akong pakialam. I just want him to know. Wala akong pakialam kung iba na siya ngayon. If he wants to play with my feelings too just like what he's doing with his girls, I am willing to give my heart.

"I'm sorry but I don't believe you." He said bago ako talikuran.

He stopped walking saka siya lumingon.

"I forgot to tell you... I'm not the boy who will cross the ocean for you anymore. I'm a man who won't even cross a street for you now." He said saka niya ako iniwan na wasak doon.

Tang1na????

Miss NERD became Miss MODELWhere stories live. Discover now