Chapter 14: No Regrets

1.3K 44 2
                                    

Buong byahe ay natulog lang ako sa sobrang pagod. Mentally. Nagising lang ako dahil sa paghimas ni Chaz at braso ko at paulit ulit na paghalik niya sa noo ko.

Kinusot ko ang mga mata ko at tinignan ang paligid. Nakahinto kami sa tapat ng isang bahay. Kulay puti ito pero brown ang gate at ang bubong. May dalawang palapag ang bahay at kung titignan sa labas, alam mo na agad na maganda 'yong loob.

"We're here.." Bulong niya sakin.

Pagkatingin ko sakaniya ay lumabas na siya ng sasakyan at inilahad ang kamay niya para makababa ako.

Tinanggap ko 'yung kamay niya at ngumiti siya sakin. Hawak hawak padin niya ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Bukas na 'yong pinto ng bahay. Mukhang binuksan na noong driver niya.

Pagpasok palang namin sa bahay ay ramdam na agad ang lamig dahil sa aircon. Centralized.

Mukhang bago lang 'yung mga furniture dahil may balot pa yung iba. May malaking chandelier din malapit sa hagdan. Hindi ganon kalaki 'yung bahay pero sobrang ganda at ang cute!

"Kaninong bahay 'to?" Hindi ko napagilan ang sarili ko.

Pantangang tanong 'yon, actually. Halata naman na sakanila 'to.

"Nagustuhan mo?" Nakangiti siyang tumingin sakin habang papaakyat kami sa hagdan.

Tumango ako. "Yup."

Ngumisi siya. "Good. It's going to be yours anyway..."

Napalunok ako. Napatigil ako sa paghakbang kaya nilingon niya ako.

"I bought this house for us." Seryoso ang boses niya habang hinihintay ang reaksyon ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngumiti lang siya sakin.

"Why?" Yun lang ang naisagot ko.

Gulong gulo na ako. Hindi ko na alam...

Nang makarating kami sa second floor ay nilingon niya ako at binitawan na niya ang kamay ko.

Tinignan niya akong mabuti na para bang tinitimbang ang nararamdaman ko.

"We need to talk. We will talk here." Aniya at mabilis na naglakad papasok doon sa unang kwarto.

Sumunod ako sakaniya.

Nakita kong nakahiga siya sa kama. Hindi niya ako tinitignan. Nakapikit lang siya.

Nanatili lang akong nakatayo doon habang tinitignan ko siya.

"Magstart tayo sa past." Mahinahon ang boses niya.

"Si Madison... Honestly, hindi ko alam noong una kung bakit galit siya sayo. I tried to ask her before, sabi niya lang naiinis daw siya sayo tuwing nakikita ka niya. Nagkibit balikat ako. Ang babaw na dahilan diba?" Nakapikit padin siya habang sinasabi 'yon.

"Isang araw, habang nagdidinner kami, bigla niyang sinabi sakin na babawiin na daw niya lahat ng mga iniinvest ng asawa niya sa kompanya namin." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Asawa? Si Madison? May asawa?

Dumilat siya at tumayo. Tumalikod siya sakin at pumunta siya doon sa balcony ng kwarto. Unti unti akong naglakad para sundan siya. Tumabi ako sakaniya. Diretso ang mga mata niya sa langit. Napansin kong papalubog na ang araw.

"Yup. She's married. Mukhang sugar daddy niya, e. Pinakamalaking investor sa kompanya namin 'yong asawa niya. Kapag binitawan niya kami, lulubog ang pinaghirapan ng pamilya ko. I'm a jerk but I'm not jerk enough to let my family suffer." Huminga siya ng malalim.

"Lalo na noon, ilang beses inoperahan si ate Chayzelle sa puso. We can't be broke. Hindi pwede. Nagpapagamot ang kapatid ko." Tumango tango siya at umiling.

Miss NERD became Miss MODELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon