Chapter 12: Don't play with me

1.4K 55 2
                                    

Bigla ko siyang itinulak at nakita kong namumula ang mata niya. Mabilis ang paghinga namin dalawa. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko.

"Sinabi mo sakin may iba na.. Pero ramdam ko padin. You're still in love with me." Tumango siya sa sinabi niya. Sa pagkakasabi niya ay para bang siguradong sigurado siya.

Umiling ako sakaniya.

"Don't play with me, Chaz. Hindi mo alam baka ngayon, I can play better." Ngumisi ako sakaniya at nag-iwas ng tingin. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Labag sa kalooban kong sabihin 'yon sakaniya. Sht.

Kinagat niya ang lower lip niya at saka siya pumikit at sumandal sa upuan niya.

"I'm not playing games with you anymore. This is real. My feelings. My love. Everything. Every damn thing is real." Bulong niya gamit ang malambing niyang boses. Nakapikit padin siya.

Parang binuhusan ako ng tubig dahil unti unti ng umandar ang mga sasakyan. Sumunod siya at pinaandar nadin ang kotse niya. Hindi kami nagkikibuan.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ako nagsasalita, ganun din siya. Mas mainam nga.

Pababa na sana ako sa kotse niya pero nabigla ako noong naramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Napaharap ako sakaniya.

"Be careful. Madison's crazy. I will always text you." Malambing ang boses niya.

Tumango ako sakaniya. "Sigurado akong kumalat na 'yung video." Napalunok ako. Never pa akong nagkascandal ng ganito. Ganito ang nangyayari kapag malapit ako kay Chaz at Madison. Lagi. Kahit noon pa man.

"Ipapabura ko lahat. Don't worry about that." Ngumiti siya sakin pero malungkot ang mga mata niya. Parang piniga ang puso ko.

Hindi niya ako masisisi. Mahirap makuha ang trust ng isang tao na minsan mo ng niloko.

"If you want me to trust you again, earn it. Earn my trust." Matigas kong sabi sakaniya bago ko siya iniwan sa kotse niya.

Noong magkausap kami ni grandma tungkol sa video ay napanood daw niya sa facebook pero mabilis din nawala. Napabuntong hininga ako.

"What happened? Sinaktan kaba ng bastardang 'yon?" Napatigil kaming dalawa ni grandma sa sinabi niya.

Napakunot ang noo ko. Napainom ng tubig si grandma.

"Bastarda?" Pag-uulit ko sakaniya. Napalunok s'ya.

"A-ah. Wala.. I can't find the right word for her, hija kaya 'yon ang naisip ko." Tumawa siya.

Tumango ako at nagpaalam na at bumalik na ako sa kwarto ko. Nakita kong may mga messages sa akin sa Viber si Yovanna, at si Kaiden at may text sa akin si Chaz... Napalunok ako.

Una kong binasa 'yong kay Yovanna.

Yovanna:
Ano na nangyayari sayo dyan? Kumusta?

Nagtype agad ako ng reply sakaniya.

Me:
I'm okay. Si Madison na bruha, galit padin sakin.

Pagkatapos kong magreply kay Yovanna ay binasa ko 'yong kay Kaiden.

Kaiden:
Matatapos na contract mo dyan. Nakabili ka na ba ng plane ticket? :) I miss you.

Nanlumo ako. Oo nga pala! Matatapos na ang kontrata ko dito at babalik na ulit ako sa US. Napapikit ako at humiga sa kama ko.

Noong mga unang araw na bumalik ako dito, ang nasa isip ko ay puro paghihiganti. Pero hindi ko naman ginawa. Hindi ko kaya. Hindi ako kasing sama nila.

Miss NERD became Miss MODELحيث تعيش القصص. اكتشف الآن