|Chapter 28|

1.2K 23 15
                                    

(2014: The Reasons Why pt.7)

"Mom, I told you. I'm not going!", sigaw ni Troye.

"But honey, your cousins would be there also. Di ka naman mawawalan ng kausap doon.", ani ng mama niya habang inaayos ang kanyang earrings.

"Naku si mama, di nakakaintindi haist!", padabog na sabi ni Troye sa kanyang inang nakabihis ng pormal na damit. Lumapit ang kanyang ina sa kung saan nakahiga si Troye at mahigpit na sinabing, "Hala sige, huwag na huwag kang aalis ng bahay ah. 'Pag nalaman kong lumabas ka, yari ka sakin."

"Pfft, ano naman kaya gagawin nito?", natatawang sagot ni Troye.
Aalis na sana ng kwarto ang kanyang ina nang tumalikod siya pabalik para harapin si Troye, "Ano sinabe mo?"

"Wala, bye! Ingat kayo ni dad! Dalhan niyo na lang ako ng pagkain pauwi!", agad na tumakbo si Troye palabas ng kwarto para hindi siya masundan ng mama niya.

Nang makalabas na ang mga magulang ni Troye, agad na lumapit ang isa nilang katulong at ibinigay ang isang sulat para sa kanya.

"Oh? Sino kaya nagpadala nito?", sabi ni Troye habang sinusuri ang papel.

"Sir, may lalaki po kahapon naghahanap sa inyo, foreigner po. Nahirapan nga ako intindihin sinasabi niya eh. Tanging naintindihan ko lamang ay sabi niya ibigay ko daw po sa inyo 'yan."

"Ah, sige. Thank you po."

Ilang buwan na ang lumipas nang magkalayo sina Troye at Alice. Pinili ni Troye na magtransfer ng school dahil sa ayaw niya makita ang dalawang taong mahalaga sa kanya. Si Alice na lubos niyang kaibigan at si Alex na tinuring niyang kaagapay sa mundo ng business dahil sa ang dalawa ang magmamana ng kani-kanilang kompanya sa susunod na taon. Hindi lang dahil dito ngunit nais niya din mapaglayo kay Alice simula nang malaman niyang ang dalawa ay naging magnobyo at magnobya na noong nakaraang buwan. Napapaisip pa din si Troye sa kalokohang nagawa niya kay Alice at nais niyang mapigilan ang nagsisimulang weirdong damdamin niya para sa dalaga.

Sa kasalukuyan, nasa sarili niyang kwarto si Troye, binubuksan ang pinadalang sulat para sa kanya. Inakala niya na sa kay Alex ito manggagaling dahil nga sa may lahi din itong German pero tiyak siyang nagsasalita naman ito sa bokabularyo nila.

Hi Troye, I missed you. I'm here. I wanted to tell you something. Meet me at xxx xxxx. Here's my number +xxx xxxx xxx. I'll be waiting...
-Ty

''T-Tyler? Anong ginagawa niya dito?", yan lamang ang patuloy na sumasagi sa kanyang isipan. "Ty", isa lamang ang pangalang nasa kanyang isipan at tiyak siyang hindi siya nagkakamali sa kanyang inaakala. Ano kaya ang pakay ng kanyang ex dito? Akala niya na tapos na sila nang napagdesisyunan ni Troye na umuwi na ng South Africa.

Napagdesisyunan ni Troye na pumunta sa lugar kung saan sila magkikita. Kailangan niya malaman kung anong pakay ni Tyler sa kanya. Randam niya sa sulat na parang may confession siya para sa kanya at nais niyang malaman ito ngayon din.

Agad na nagbihis si Troye ng casual na damit. Siya ay naka-polo at ito'y nakatuck-in sa pantalon niyang may belt at nakasuot siya ng sapatos niyang Converse habang nakatupli ng ilang beses ang dulo ng kanyang pantalon para mapakita ng maayos ang kanyang medyas na Puma. Agad niyang kinuha ang cap na ibinigay sa kanya ni Tyler. Inisip niya na baka makikipagbalikan si Tyler sa kanya kapag nakita niyang hindi pa din siya nakakaget-over sa kanya. Naisip niya na baka naman, di na siya mag-iisa pagkatapos nito.

Pumunta si Troye sa garahe nila at kanyang pinili ang sasakyan niya. Nagpakawala ito ng malakas na tunog marahil ay sa noong nakaraang buwan pa lamang niya ito nasimulang gamitin at dahil sa di niya masyadong nagagamit simula nang manirahan siya sa pangalawang bahay nila na malapit lamang sa bago niyang unibersidad.

Married to my GAY Best Friend |Troye Sivan|Where stories live. Discover now