Chapter 18

36.2K 440 120
                                    

SCARLETTE

 

 

“YOU WANT to feel loved Scarlette? I—I can give that to you… I love you Scarlett. I love you, so please don’t leave me.”

At that moment huminto ang lahat sa mundo ko. Ni hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. For once, para akong high. Slow motion yung paligid. Ang alam ko lang ay lumuhod siya sa harapan ko at niyakap ang tuhod ko. Hindi alintana ang mga mapanghusgang tingin ng mga taong nandon.

I came back to reality when I felt a warm liquid dropped on my feet. Napatingin ako doon at nakita ko syang nakayuko at umaalog ang balikat. Holy shit. Is he crying? Totoo ba ‘to? Is he really crying for me? I’ve never seen him like this. Hindi ko alam na kaya niya akong iyakan ng ganito. Snap out of it Scarlett. Tingin mo ba talaga iiyakan ka na? Dream on.

I stepped back as my tears started to flow. Tama na Scarlette. Tama na. Kailangan ko nang umalis. Mali. Mali ‘to. The problem with me is that, I can’t see him like this. Hindi ko kaya na ganito siya. Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ko dahil kaunting lambing niya lang, lumalambot ako. At ngayon, unti unting natitibag ang pader na binuo ko para magkaoon ako ng lakas na iwan siya.

Tumingala siya sa akin and there I saw his face. Namumula ang mga mata niya at ang ilong. Kung nasa ibang sitwasyon kami, baka ang sabihin ko ay ang cute niya. But we’re not in a movie or a fairytale. I think I just have to accept that the evil queen can’t have her own happily ever after with the king because the king has his own queen. Kahit kalian hindi pwede. Dahil sa simula pa lang ako na talaga yung hindi ginusto, hindi minahal at hindi binigyan ng pagkakataon.

For Alexander, I will always be JUST the unwanted woman and not the woman that he loves, he wants and he needs.

“Let—Let’s go home Scarlette. Please. Hindi ko na sasayangin. Please.” Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya. Pero dapat ba akong magpadala don?

“N—no. Let me go…” I can’t find my words so I ended up saying those. Pakiramdam ko, nasa isang malaking letter Y ako. Nandoon ako sa ibaba at namimili sa dalawang way. Mag I I stay ba ako dito? Kayak o pa bang I handle lahat ng mga sakit na darating pa sa akin? O tatakasan ko na lang lahat at mamumuhay ng tahimik kasama ang anak ko?

“Why? I thought you love me? Bakit mo ko iiwan? You can’t leave me. I won’t let you.” He said while sniffing. He grabbed my hand and dragged me out of the airport. Halos mabitawan ko yung maleta ko dahil sa tindi ng paghila niya pero kahit ganon, inaalalayan niya pa din ako para hindi ako madapa or what.

Hindi ako nakapiglas. But wait? Sumama ako sa kanya? Sumama ako! I don’t need any explanations now. Kusang sumama ang katawan ko sa kanya without me knowing. Right there and then, I’ve made up my mind. Hindi ko siya iiwan. Hindi ako tutulad kay Lucia. I’ll stay, but if he wants me out of his life after this, aalis ako. But for now, I’ll stay with him.

SOBRANG TAHIMIK pa din naming hanggang sa makarating kami sa unit niya. Dederetso sana ako sa unit ko kaso, hinila na niya ako sa unit niya. Anong susunod na magyayari sa amin? May magbabago kaya? O mas magandang itanong na totoo kaya yung sinabi niyang mahal niya ako?

The Unwanted WomanWhere stories live. Discover now