Chapter 23

25K 369 12
                                    

CHAPTER 23

SCARLETTE

PITONG BUWAN na akong buntis, medyo maselan ang kalagayan ng mga babaeng pito hanggang siyam na buwang buntis. Ang sabi ng doktor ko ay kaylangan bawasan ang mga mabibigat na gawain, ipinaubaya ko muna sa mga tauhan ko ang pag ma manage ng mall. Nasa bahay nalang ako at magagaang gawaing bahay nalang ang ginagawa ko.

Isa lang na talagang bumabagabag sa akin, si Alexander, hindi ko alam pero parang palagi siyang kabado, palaging nagmamadali, nine nerbiyos at palaging tuliro, sabi ko nga sa kanya ay bawas bawasan niya ang pagkakape pero parang hindi naman dahil sa kape 'yon. Naisip kong baka sa trabaho niya, pero hindi rin eh. Peak season ngayon kaya sigurado akong maganda ang takbo ng mall. Isina walang bahala ko 'yon dahil baka inapa paranoid lang ako.

It is a beautiful friday morning, parang sayang naman ang araw na ito kung mananatili lang ako sa bahay, sawang sawa na ko sa kakanood ng kung ano ano sa tv, hindi rin naman ako inaantok kaya naisipan kong magpunta sa mall. Nagbihis ako at dali daling umalis ng bahay, masarap sa pakiramdam ang hangin. Napaka ganda talaga pag ganito ang panahon, makulimlim pero hindi umuulan. Malamig.

I decided to visit an infant store, sa totoo lang kasi kahit na napaka dami ko nang nabiling gamit para sa aking baby ay hindi pa din ito sapat para sakin. Ewan ko ba. First baby ko ito eh. First baby namin ni Alexander kaya dapat magarbo lahat, wala akong napiling magandang damit sa pagiikot ko kaya nauwi ako sa pagbili ng ilang mga cute na bote at lalagyan ng gatas. Pagtapos ay naisipan ko na ding mag grocery, paubos na din kasi ang mga pagkain sa bahay malaking tulong a push cart dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung pano bunuhatin amg mga pinamili lo sa sobrang laki ng tiyan ko.

Nagutom ako kaya nagpasya akong kumain muna. I want a heavy meal. A really heavy meal, sa dami ng pinag gagawa ko, pakiramdam ko nasimot na lahat ng energy ko. Tiyak na gutom na gutom na din ang anak ko sa tyan. Nauwi ako sa steak house at umorder ng ribeye steak at sang katutak na mashed potato.

I texted Alexander at nagpasundo na lamang ako sa kanya. Nasa taas lang naman siya eh kaso kung iaakyat ko pa sa taas ang cart ko mahihirapan lang ako. Nag ring ang telepono ko, aba tumatawag ang loko.

"Hello?" Masayang bati ko.

"What are you doing?! Nag drive ka mag isa?" Nailayo ko ang phone ko sa tenga ko sa lakas ng boses niya. Ni hindi man lang nag hello! Walang hiyang 'to!

"Hello? As if namang mapapa anak ako sa kotse." Umisimid ako sa kawalan nang sinagot ko siya.

"What if napaanak ka nga talaga? Goodness! Sinabi ng doctor na bawal kung ano anong ang ginagawa eh!" Sumisigaw pa din siya sa kabilang linya.

"Bat ba sigaw ka ng sigaw? Wala namang nangyari." Nagtitingin tingin ako ng maternity dress habang hawak ang phone sa kabilang linya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga bago sumagot. "Where are you? Susunduin kita."

"Department Store." Hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na pigura ng isang babae. Papalapit siya sa kinaroroonan ko.

"Okay. Wag kang aalis diyan. I love you." Hindi na ako nakasagot at ibinaba ko na ang phone ko. Papalapit siya. At nakangiti sa akin.

"Scarlette. What a surprise!" Masiglang bati niya sa akin. Napatigil ako saglit at tiningnan siya sa mukha. Hindi ako pwedeng magkamali. It's her. Pacey Ignacio.

"Uh, hi." Maiksing bati ko, ngumiti ako ng hilaw sa kanya.

Tiningnan ko siya simula ulo hanggang paa, she hasn't change a bit. It was still the same old bitch Pacey that I've known. My number one rival from highschool to college. Maiksi na ang buhok niya, but her eewy voice is still the same. Kapansin pansin din ang maliit na umbok sa kanyang tiyan. She's definitely pregnant.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon