Prolouge

56K 722 30
                                    

"SCARLETTE, wag mo na kasing patulan 'yung mga yon."

"Bakit naman hindi ko sila papatulan Lucia? Binubully ka nila! Dapat sa kanila, sinusubsub sa imburnal! 

"Hay nako. Bestest friend talaga kita. Hug mo na lang ako. Yun lang naman ang kaylangan ko para gumaaan ang loob ko eh."

I hugged her tight. Siya lang yung tanging kaibigan ko simula pa preschool. Malaki ang pagkakaiba namin ni Lucia, Siya yung tao na mabait, mapag pasensya at gusto ng lahat, ako? Ako yung babaeng maldita, masama at ayaw ng lahat. Pero kahit ganon, kahit magkaibang magkaiba kami, kapitan namin ang isa't isa. She was my sister from another mother, parang kambal na nga kami eh.

I really don't know what to do without my bestfriend by my side.


"KASALANAN mo 'to Scarlette! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Siguro masaya ka no? Masaya ka na ha? Kasi patay na siya? At hindi ko man lang alam! Wala ako sa tabi niya nung namatay siya! "

"Alexander.. Ma-makinig ka naman muna sakin oh. Hindi, hindi ko gusto na ilihim sayo. Kase--" Hindi ako makapagsalita ng maayos nang dahil sa mga hikbi na lumalabas sa lalamunan ko. Hindi niya man lang ako pinakinggan.

"Kase ano? Kasi may gusto ka sakin! At kung mamamatay si Lucia, masosolo mo na ako ganon? Well I'm sorry. Kasi kahit kelan hinding hindi kita magugustuhan! Tandaan mo yan!" Hindi pa ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. Galit na galit siya sa akin.

Iniwan niya akong nagiisa sa madalim at malamig na lugar na ito. Umuulan ng malakas. Humahangin ng malakas. Para bang dumaramay sa akin ang panahon. Bakit kaylangang ako ang masaktan at maipit ng ganito? Ginawa ko lang naman ang gusto niyang gawin ko. Tiningnan ko ang lapida niya. 

Lucia Clarisse Soriano

Born: June 27, 19**  Died: November 29, 20**

"Ma'am, ano pong gagawin niyo. Mag hunos dili po kayo!" Pakiusap niya sakin. Pero wala akong naririnig. Hilam ang mga mata ko sa luha.

"Manahimik ka! Sakay!" Sumakay siya sa ktose at ganun din ang ginawa ko. Wala akong maintindihan. Gusto kong itigil ang ginagawa ko pero kinakain lang ako ng galit ko at nangingibabaw ang kagustuhan kong makaganti.

Pinaharurot  ko ang sasakyan ng mabilis. Hanggang sa may nakita akong itim na sasakyan na nakasunod sa likod ko. Si Alexander.. Sumisigaw siya. Nakikiusap. Pero wala akong marinig. Wala akong maintindihan.

"Ma'am parang awa niyo na po. Ihinto niyo ang sasakyan." Umiiyak si Carnela sa tabi ko. Halata ang takot sa kanyang mukha. Pero sa panahong ito ay wala akong nararamdamang ni katiting na awa."

"Scarlette! Ihinto mo ang sasakyan!" Naririnig kong sumisigaw si Alexander Ppero hindi ako nakikinig. 

Manaka naka akong tumitingin kay Carmela habang hilam ang mga mata ko dahil sa luha. Masama ang tingin ko sa kanya at nanlilisik ang mga mata ko sa galit, selos, sakit. Pinag halo halo na. Pakiramdam ko ano mang oras ay bibigay ang katawan ko. 

"Ma'am please!" 

"Tumahimik ka! Eto ang tandaan mo, kung hindi lang rin magiging akin si Alexander, mas mabuti pang mamatay na tayong dalawa!" Galit na galit ako at inilabas ko ang lahat ng galit ko sa maaanghang na salitang binitiwan ko sa kanya. 

"Ma'am wala po akong gusto kay Sir."

"Wala?!" Tumawa ako ng malakas. "Sinungaling hindi ka makikipag halikan sa kanya kung wala kang gusto sa kanya!" Tumawa ako ng mapait. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay namamandhid na ang buong katawan ko.

Tuloy lang ako sapagpapatakbo ng mabilis hanggang sa inaagaw na ni Carmela sa akin ang manibela. Nakipag agawan din ako kaya gumewang gewang ang sasakyan ko. Naka stop ang traffic light at merong mag lolang tumatawidsa pedestrian lane. Sa taranta ko ay kinabig ko ang manibela pakanan. Huli na ng mapansin kong may mga harang at malaking poste doon. Pumikit na lang ako ng madiin.



SIMULA pagkabata, ako ang masama, maldita at pasaway.

Ayaw ng lahat sa akin. Maliban sa mga magulang ko at sa isang tao. 

Pakiramdam ko nagiisa ako sa isang madilim na lugar. 

Isa lang naman ang gusto ko. Ang mahalin ako ng taong mahal ko.

Pero bakit dumating sa puntong lahat na ata ng kasalanan sa mundo ay sa akin isinisisi?

Feeling alone, unloved and unwanted is one of the worst feeling in the world and the most hardest thing to forget.

When the one you love doesn't love you back, it's normal. Kasi, hindi naman porket mahal natin ang isang tao, ay mamahalin na rin nila tayo. Sa Greek Mythology, ang mga tao daw talaga ay may apat na braso, apat na legs at isang katawan na may dalawang ulo. Pero pinaghiwalay sila ni Zeus para hanapin ng buong buhay nila yung other half nila. Hindi natin maiiwasang magmahal ng iba, mahaba ang buhay, minsan, kaylangan mong dumaan sa mahabang pagsubok bago mo mahanap ang tunay na kasiyahan sa taong nakalaan para sayo. Pero paano kung sobra mong minahal ang taong naging pagsubok para sayo? Paano kung sobra mo siyang minahal at umabot sa puntong hindi mo na siya kayang pakawalan?

I love him.

I did everything for him to love me.

I did everything just to make him forget about her.

But for him, I am just an UNWANTED WOMAN that nobody cares about. Even him...

I am Scarlette Renesmee Henderson and I am The Unwanted Woman... 

and this is my story..

The Unwanted WomanWhere stories live. Discover now