Chapter 29

27.7K 383 25
                                    




Nadatnan ko sa loob ng kwarto ni Carmela ang kanyang kapatid. Ang kapatid niyang nanakit sa akin noon na halos ikamatay ko at ng baby ko. I realized my baby and I have been through a lot. Malakas ang baby ko dahil hindi niya ako iniwan noon at naniniwala akong hindi niya din ako iiwan ngayon.

Binigyan ko ng isang matalim na tingin ang kapatid ni Carmela, tiningnan niya ako ng walang ekspresyon. Subukan niya akong galawin ngayon, hindi na ako mangingiming ipakulong siya. Kung noon hinayaan ko sila, ngayon hindi na.

"Gusto kong makausap si Carmela."

"Hindi mo ba nakikitang tulog siya?" Pabalang na sagot niya sa akin.

"Gisingin mo yang walang hiya mong kapatid para matapos na." Hindi na ako natatakot sa kanya. Buhay ko, buhay ng anak ko at relasyon namin ni Xander ang pinaglalaban ko dito.

"Ano bang kaylangan mo kay Ate? Pwede ba maawa ka naman sa kanya! Maawa kayo sa kanya!" Naluluhang hinanaing sakin ng kanyang kapatid.

"Kayo? Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo ha?" Hindi ko din maiwasang pigilan pa ang aking mga luha.

Tumingin muna siya kay Carmela bago magsalita. "Sa labas tayo mag usap, baka magising siya." Lumabas siya at sumunod ako. Nagpunta kami sa rooftop ng Ospital, sa walang taong nakakarinig. Kami lang dalawa, pwedeng pwede niya akong saktan o kaya naman ay patayin ng walang kahirap hirap, pero sa ngayon, wala na akong pakialam. I wanna know everything, I wanna know the truth.

"Pag tapos ng lahat ng gulong nangyari noon, lumipat si ate ng kumpanyang pagta trabahuhan, doon nakilala niya si Marcus. Anak ng may ari ng kumpanya." Malayo ang tingin ko habang nakikinig sa kwento niya.

"Maayos naman sila nung una, botong boto kami kay Kuya Marcus dahil mabait at maalaga siya sa Ate namin. Si Ate nalang kasi ang nagtataguyod saming pamilya."

"Anong apelyido ng Marcus na iyon?" That name seems familiar to me.

"Lopez."

"Is he related to Domingo Lopez?" Nagulat siya at tumingin sa akin ng nanlalaki ang mata.

"Oo siya nga! Paano mo siya nakilala?"

"Sa iisang industriya lang kami nabibilang. Pamilyar ang pangalan ng lalaki."

"Ilang buwan palang ang nakakalipas, nabuntis si Ate." Napatingin ako sa kanya. Nabuntis? Ibig sabihin ba hindi si Xander ang ama?

"Sino ang ama?" Malakas ang kabog ng dibdib ko habang naghihintay sa isasagot niya. Tiningnan niya ako ng derecho sa mata at sumagot.

"Si Marcus." Parang may bombang sumabog sa utak ko. Hindi si Xander ang ama ng anak niya! Pero kahit ganon, marami pa ding katanungan at puzzle sa isip ko na hindi pa din nabubuo.

"Kung ganon, bakit niya pinaako kay Xander ang bata? May anak kami ni Xander, at malubha ang kalagayan niya ngayon dahil sa Ate mo!" Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Maisip ko pa lang na malubha ang kalagayan ng anak ko ngayon at kahit anong oras ay pwede siyang kunin sakin, hindi ko na mapigilan ang pag ragasa ng sakit sa dibdib ko.

"Magdahan dahan ka sa pananalita mo sa Ate ko. Hindi pa ako tapos mag kwento." Tiningnan ko lamang siya at nagsimula nanaman siyang mag kwento.

"Okay ang lahat, papanagutan daw ni Marcus ang bata. Pero hindi sang ayon ang mga magulang ni Marcus. Hindi daw nila gustong ipakasal ang anak nila sa mahirap katulad ng ate ko."

"Anong ginawa nila?"

"Pinaglayo nila si Ate at si Marcus, hirap na hirap si ate noon, dahil buntis nga siya at malungkot dahil wala na silang komunikasyon ni Kuya Marcus." Patuloy lang akong nakinig.

"Makalipas ang ilang linggo, nabalitaan nalang namin na ikakasal na si Kuya sa ibang babae. Mayaman din. Bakit ba pag mayaman kaylangan mayaman din ang mapangasawa niyo?"

"It's all about business." Maiksing sagot ko.

"Tapos ayon, si ate naman tanga tanga. Sa sobrang despereada, sumugod sa bahay nung babae. Halos malaglagan na siya eh, pano nalaman niyang buntis din yung babae, tatlong buwan. Ibig sabihin eh yung babae nabuntis habang sila pa ni Kuya."

Masakit din naman pala ang pinag dadaanan ni Carmela, I was wrong to judge her. Pero mali pa din ang ginawa niyang pag sira sa relasyon namin ni Xander. Kung miserable ang buhay niya, wag na niya kaming idamay kasi buong buhay ko miserable na. Ngayon lang ako nagkaroon ng chance na maging masaya.

"Isang araw umuwi si Ate sa bahay na parang masayang masaya. Ang sabi niya lang kina nanay, babalik din daw sa kanya si Kuya Marcus. Hindi ko pa maintindihan noon, pero nalaman ko din."

"Bakit?" Nakunot ang noo ko dahil maski ako ay hindi maintindihan. Nabaliw ba siya?

"Sabi nung fiancé ni Marcus uurong daw siya sa kasal, sa isang kondisyon."

"A-anong kundisyon?"

"Gusto niyang ipaako ni Ate kay Xander yung bata at sirain ang buhay niyo." Agad nanginig ang mga kalamnan ko, pinigilan ko ang luhang gustong tumulo sa ma mata ko. Napaka halang ng bituka ng taong 'yon pati mga batang walang kamalay malay ag nadadamay.

"Sino ang babaeng 'yon?"

"Pe.. Pechay? Pitchey? Patty? Nakalimutan ko eh. Ignacio ang apelyido. Kapag nakita ko yung babaeng yon, ubos sakin 'yon.

"Pacey Ignacio." Nagdilim ang paningin ko. Ang babaeng 'yon pala ang ugat ng lahat?! Ang kapal ng mukha niya! Good for nothing bitch.

"Oo! Yun nga! Bat mo kilala? Kamag anak mo? Pareho kayong maldita eh." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Salamat sa impormasyon, bumalik ka na sa ate mo. Baka gising na" Nauna nang umalis ang kapatid ni Carmela at ako naman ay naiwang mag isa.

Sobra sobrang galit at muhi ang nararamdaman ko sa babaeng yon. Paano niya naaatim na gawin ito? I swear I'm gonna find her, pag babayarin ko siya sa ginawa niya. At pag may nangyaring masama sa anak ko, I'll kill her with my own hands and chop her body into pieces, ipapakain ko sa buwaya sa davao! Putangina niya! Kung hindi lang siya buntis, noon palang itinulak ko na siya sa 3rd floor ng mall!

Naputol ang pag iisip ko nang mag ring ang phone ko. It's Harry.

"Hello?"

"Scarlette! Where are you?! Na review na yung cctv footages ng Ospital, I've got everything done. Nakuha ko na ang identity ng doktor na pumasok sa kwarto mo."

"Who?"

"Apparently, she is not really a doctor."

"Kung ganon, sino?"

"Pacey Ignacio."

The Unwanted Womanजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें