Chapter 9

27.3K 412 10
                                    

SCARLETTE

"BAKIT HINDI ka kumakain?" Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Alexander kaya napatingin ako sa kanya. Nakarating na pala yung in-order namin. Masyado nanaman akong nilalamon ng mga memories. Bakit ba kasi hindi ko makalimutan. I shook my head and answered him.

"W-wala. Naisip ko lang yung secretary ko baka nagloloko nanaman." Sinabi ko 'yon kahit wala naman talaga akong problema sa secretary ko. Maaasahan nga siya actually eh. Bilib nga ako kasi kahit sa kanya ko naibubunton yung galit ko minsan, hindi pa din siya nag re resign.

He smirked at me and continued eating. Ah. Ang ganda niyang tingnan. Para siyang isang greek god na bumaba sa lupa. He's eating gracefully habang ako naman, nakatulala sa kanya. Walang mapagsidlan ang saya ko ngayon eh. Ang babaw ko na haha.

Kumakain kami nang matiwasay nang may isang babaeng lumapit samin.

"Hi Xander! I missed you!" Sabi niya and then he kissed Alexander on the lips!

Ang kapal ng mukha! Hindi niya ba napapansin na nandito ako? Sh!t I know this ugly b!tch! Siya yung sa party ni Carla! The one with the clown-like make up! Ang lakas ng loob mag maganda eh nagpuputik naman yung mukha niya sa kapal ng make up niya!

Mukha namang na shock si Alexander pero pilit na ngumiti. The girl is wearing a yellow tight dress. Ang sakit sa mata! Oo nga't summer ngayon pero wala siya sa beach! Eww. Totally baduy. Linubus lubos niya nga naman ang kawalanghiyaan sa mundo ano? Talagang kumandong pa siya kay Alexander ah! Ugh! I can't stand this!

"Oh. I didn't know na may kasama ka pala. Hi! I'm—" Hindi ko na siya pinatapos. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin at saka tinaasan ng kilay.

"I know you. You're that clown-like bitch at Carla's SWIMMING PARTY!" I said. Binigyang diin ko talaga yung swimming party para naman mahiya siya sa balat niya kahit kaunti.

"HOW DARE YOU?! Sino ka ba sa akala mo? Huh?" Aba't ang tapang sumagot ah! Akala mo maganda? Hampas ko kaya sa kanya yung yellow na bag niya?!

"I think you should google my name. Para makita mo kung gaano kadaming results ang lumabas. I'm Scarlett Henderson."

"Really? I don't Care! I'm Josephine Villarico! Ako ang tagapagmana ng Vendetta!"

"Oh? Hindi ka ba nainform na halos lahat ng branches niyo ay sa mall ko nakatayo? Pwedeng pwede ko kayong pabagsakin kung gugustuhin ko!" I said smiling.

Vendetta huh? I might buy that company kapag lugi na sila, local lang naman ang brand nila at sa ugali ng babaeng 'to eh mukhang wala ding mag iinvest pa 'dun. Ang tapang. Akala mo kung sinong anak mayaman.

"Wha—" Argh!" Wala na siyang nasabi at nag walk out na lang. Inirapan ko nalang. Uminom muna ako ng tubig pampa kalma.

Tiningnan ko si Alexander. He seemed amused for a second pero napalitan iyon ng inis. Sh!t galit ba siya? Wag naman sana. Ayokong masira 'tong lunch na 'to!

"What was that? Gumawa ka nanaman ng eksena." Sabi niya na sinundan ng iling.

Wala na. Sira na 'tong lunch na 'to! Nakagat ko ang ibabang labi ko at yumuko na lang para ipinagpatuloy ang pagkain. O mas tamang sabihin na pinilit kong kainin yung pagkain dahil wala na talaga akong gana.

"Are you done? Let's go. Marami pa akong gagawin." Nagmamadaling sabi niya at walang pakundangang tumayo at nauna nang maglakad kesa sakin.

Naiintindihan ko. Alexander is a very busy man. Siya ang nagpapatakbo ng una sa lahat ng 5 star hotels sa Asia. Ang Kingdom Hotels. Tinawag nila itong Kingdom dahil ang pangalan ng dad niya ay King and her mom's name is Queen Alexandria. That's why. Oh and kung wala kayong Idea, nag Top 1 ang Kingdom hotels bilang pinaka luxurious na hotel sa Switzerland. Bongga.

Oo nga pala. My Dad is planning to build hotels too. Pag nagkataon, baka maging magkalaban pa kami. Come to think of it. Baka I arrange marriage pa kami. Cliché. Uso pa ba yon?

Bumalik kami sa office niya pero pagdating na pagdating don. Pinagdabugan niya ako ng pinto. Hay. I better go. Tetext ko na lang siya.



"SCARLETTE PLEASE sabihin mo na naman sa akin kung nasan siya oh." Umiiyak siya. Nagmamakaawang sabihin ko sa kanya kung nasan si Lucia. Natutukso ako. Natutukso akong sabihin sa kanya pero nangako ako. Hindi pwede.

"Hindi ko nga alam kung nasan siya eh!" Nagpupumiglas ako sa bawat hawak niya. Sh!t hindi ako pwedeng bumigay.

"Pakiusap. Alam kong alam mo kung nasan siya. Sabihin mo sakin. Miss na miss ko na siya eh." Tumulo ang mga luha niya. He must have been really in love with my bestfriend to cry like this. I'm sorry Alexander but I can't.

"Alexander hindi ka na niya mahal! Naiintindihan mo ba 'yon?! Ayaw na niya sayo! Masaya na siya sa piling ng iba kaya pwede ba?! Tantanan mo na sila! Tantanan mo na ako!"

Sabi ni Lucia, sabihin ko na hindi na siya mahal nito. Dahil ayaw niyang makitang nasasatan si Alexander habang unti unti siyang namamatay. Ayaw niyang makita ni Alexander yung paghihirap niya dahil paniguradong maghihirap din ito. Kaya mas pinili niyang saktan si Alexander ng ganito.

"Please. Please." Paulit ulit niyang sinasambit. Pero hindi pwede. I'm sorry.

"Sorry. Wala akong magagawa. Tanggapin mo na lang Alexander." Sabi ko at naglakad palayo.

"Ma'am nandito na po ang mommy niyo." Sabi ng Secretary ko. Gosh napahaba nanaman ang pagiisip ko.

"Papasukin mo siya."

Ilang sandali pa at pumasok na si Mommy, her name is Serendifica Henderson. She's still young and beautiful.

"Mom." I said and then hugged her.

"Anak. How are you? Miss ka na namin ng daddy mo!" May mom has a sophisticated name yes. She's sophisticated to others to pero kapag kami lang ang magkakasama, ang bibig hindi mapigilan! Kaya nagmana yung younger sister ko jan eh!

"Mom. Busy ako. Tamad niyo kasi ni daddy eh."

"Aba! Masipag kami ha!" Makabuluhan pa siyang ngumiti sakin. Oh my gosh! As in sila? Eew.

"Bastos ka talaga mom!" Hindi ko na napigilang matawa.

"Maganda naman. Oh kamusta na yung guy na patay na patay ka? Pinatulan na ba ang beauty mo?!" Kita niyo? Balasubas magsalita? That's why I love my family. Especially my mom.

"Mom, hindi pa nga! Peron a fi feel ko mapalit na!"

"Anak, hindi uso ang magpakatanga ngayon. Kaya huwag kang magpakatanga." Sabi niya.

"Mom naman! Ano ho bang need niyo?"

"Wala naman, chini check ko lang baka nagpatiwakal ka na. Anyway. I gotta go. May sched pa ko kay Belo. Adios!" Sabi niya at umexit na. Jeez, help me my mom's really crazy.

After my mom left. I continued my work and as usual, burong buro na ako sa office ko. Oo araw araw ganito ako. At exactly 5 pm umuwi na ako sa pad ko. Wala ako sa mood mag OT. Saka gusto ko na din magpahinga. Parang napaka haba ng araw na ito para sakin. A warm bath would be nice.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon