CHAPTER TWENTY-EIGHT

7 0 0
                                    

Chapter 28


Kakatapos lang ng board meeting ni Lucas. Madaming kailangang isort na issues ang board, lalong lalo na sa mga na hire na bagong doctors for their residency program. All of the hospital's department had just finished their twenty third batch of Residents na magtitake ng specialists' licensure examination in a weeks time. May mga doctor na papasok as subspecialist trainees lalong lalo na sa kanilang nuclear medicine at plastic surgery in a months time. Kaya naman he is busy with all the paperworks. Isa kasi siya sa mga panel interviewers sa mga gustong pumasok sa hospital niya. Of course, his reputation when it comes to being an interview devil precedes him. Ayaw na ayaw niyang may sira ulong makakapasok sa hospital niya.
He just returned to his office at napansin niyang may inilagay na mga papel ang seritaya niyang si Jessica sa desk niya. His eyes zeroed on a paper stating the subject as resignation. Kaya naman he picked it up and read the entirety of the letter.

Mr. Lucas Agustus
CEO, Greenfield Medical Center

Subject: Resignation

Sir:
Greetings. I, Britney Baños Phd. fourth year Surgical Resident with ID. no. 0248, would like to resign my slot from future work related role. My stay in GMC had been fruitful. Trained and confident I am sure that any of my work endeavor would be done with top notch skills and techniques that your institution had imparted to me.
Your institution had been my work place for four years and I am grateful for not only being a training ground for my profession but also a home in which I'd always be thankful for. My professionalism had grown and my skills as a surgeon had been sharped for my future endeavor.
Thank you once again, and may God bless you and Greenfield Medical Center.

Sincerely yours:

Britney Baños, RM, RN,PhD.

Laking gulat ni Lucas ng malaman niya ang desisyong ito ni Britney. It came as a surprise for she never got to mention it to him. And why would she do such? Alam nitong welcome siya sa GMC as a practicing Surgeon. Kung ayaw naman nito magfull time doon pwede naman siyang maging affiliate ng hospital. 'Or you're just so damn in love with her that you want to see her day in and out of this hospital.' Bulong niya sa sarili. True enough habang lumilipas ang mga araw na magkasama sila ni Britney mukhang nahuhulong ng nahuhulog ang loob niya sa dalaga. He loves her pero hanggan ganoon nalang siyadahil hindi pa siya nito sinasagot sa kaniyang panliligaw. It was frustrating on his part, pero pagmahal mo ang isang tao magsusugal ka at magsusugal. Lucas hates feeling vulnerable, but that changed when he realized his love for Britney. Lahat yata gagawin niya para sa dalaga.
Ang katahimikan sa office niya ay binasag ni Jessica ng magsalita ito, "Ser, kape?" Hindi ito tuluyang pumasok, upper body lang nito ang nakasilip sa pinto ng opisina ni Lucas. Napakakengkoy ni Jassica at ito yata ang presidente ng Brit-Luc fans club sa ospital. "Napadaan po pala si Dra. Britney kanina. Nilagay ko sa desk ninyo pinapabigay niyang papel."
"At syempre alam mo na kung anu nakasulat dun." Nakataas ang isang kilay ni Lucas habang sinasabi yun. Agad din naman nag peace sign habang nakabungisngis ang probinsyana niyang assistant. "Lunurin kita sa kape mo eh." Nagngingitngit na sabi ni Lucas.
"Timpla po'ko sambalde ser." Pagtutuya pa nito at napakuripas sa pag alis ng tinignan niya ng matalim. Kelan nga ba naging ganoon ang pagsasalita nun kay Lucas? Datirati halos manginig na ito sa takot sakanya. Isang beses lang niya itong tinanong sa mga pwedeng mairegalo sa nililigawan, naging volunteer mamimili na ito ni Lucas. Bumibili ito ng kung anu anung bagay na pwedeng ibigay kay Britney. From cute sucks to korean face masks, nasuyod na yata nito lahat ng kikay stores makabili lang ng maibibigay ni Lucas kay Britney. A thing he is quite grateful actually. Kaya naman naging kaibigan na din ang turing sakanya ni Jessica. Akala kasi nito noon halimaw si Lucas at hindi marunong umibig. She saw his softer side ng makita niya ang pamomroblema nito sa paghahanap ng maireregalo sa dalagang nililigawa.
Dinampot ni Lucas ang telepono at pinindot ang line patungo sa desk ng sekretarya niya. "Hoy Jessica, wag kang makupad sa pagtimpla ng kape ko." Saad niya ng sinagot ito ng babae. "At please lang, wag ka nga magbasa ng magbasa ng mga documents ko. Ikaw rin, baka sa sunod termination papers mo na mabasa mo."
"Ahy grabe ka ser. Wala na bibili ng regalo mo para kay Doktora nyan sige ka." Natatawang sagot naman nito. "Magtimpla ho ko ng kape nyo. Ba-bye." Jessica is bubbly. Mabait ito at maaasahan, chismosa nga lang sa mga nangyayari sa buong hospital. Malamang alam na ng buong hospital ang pangliligaw niya kay Britney dahil sa daldakina niyang sekritarya.
Kating kati na si Lucas na tawagan si Britney at tanungin tungkol sa desisyon niyang magresign sa hospital niya. Ngunit pinipigilan niya ito. Lucas values Britney's privacy, especially sa mga bagay na patungkol sa career nito. Kaya naman hihintayin na lamang niya na si Britney mismo ang mag-open up sakanya.
Kinuha ni Lucas ang mobile phone niya at nagsulat na lamang ng text para sa dalaga,

Me:
Still okay with dinner tonight?

Maya maya pa ay dumating din ang sagot nito.

Britney:
Ya. Same place? I think you've read my letter.

Nakagawian na nilang kumain sa isang mumurahing restaurant na malapit sa condominium ni Britney. Kung siya ang tatanungin masgugustohin niyang ipagluto nalang siya ng dalaga. Natikman na niya ang lutong bahay nito dati dahil nagdala ito ng pakbet na binaon nito. Kung pipwede nga lang that they'd stay in, but he doesn't want to sound shady.

Me:
I'll make reservations. I did. 😔

Dumating agad reply ng dalaga.

Britney:
😱 wag ka sad! Nakooo 😰😰😰 gusto ko kasi talaga maging heart surgeon eh.

Napatawa siya at kinilig sa reaksyon na yun ni Britney. "Ang cute nya!" Sabi niya hanang kinikilig tamang tama naman ang pagpasok ni Jessica na may dalang kape.
Nilapag nito ang kape sa table nya at nagpacute, "ser, I diden't no dat yu paynd me kyut." Babatuhin na sana ni Lucas ng stapler ang nababaliw niyang sekritarya pero nakakuripas ito ng takbo habang tumatawa. Nagtype na lamang si Lucas ng sagot kay Britney kesa naman lalong mainis kay Jessica.

Me:
I'm just sad that I won't be seeing you as often as I do now. 😔 pero I know you have your reasons. I'll always support you Love. ☺️

Nagbasa muna si Lucas ng mga reports na dumating at ang mga resume ng mga applicant sa residency program ng hospital nya. Narinig na niya ang pagtunog ng mobile phone niya pero mas-inuna niya muna tapusin ang mga paper works na dapat niya tapusin.

Britney:
I know that you'll have my back. And I'm very thankful. See you tonight.

'I really hope you'll be my girlfriend tonight,' bulong ni lukas sa sarili niya. He really wanted Britney to be his girlfriend kaya naman gagawin niya ang lahat para pasayahin ang dalaga. He was planing something special for their dinner. A celebration of her finishing her residency. At may kaunting pakulo din na siguradong kaiinisan ng dalaga. He loves her expression kung napipikon o naiinis ito. At tiyak sa surpresa niya sa dinner na inhanda makikita niya ulit ang cute na cute na ekspresyon na iyon na nakaplaster sa mukha ng babaeng mahal niya.


Broken Hearts RxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon